Elliot 15
"Huh? Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking naghubad sa harapan mo?" kunot noo tanong ni Elliot.
Pinagpatuloy ni Elliot ang kanyang ginagawang pagsuklay sa makapal na buhok niya. Habang nakakunot siyang nakatingin kay Havier na nakaupo sa ibaba ng kanyang kama.
Napakunot noo si Elliot dahil sa sinabi sa kanya ni Havier. Naisip niya na kaya ba namumula ito at pawis na pawis dahil ba nakita siya nitong nakahubad?
"'D-di naman Elliot. 'Di lang ako sanay na ikaw ang nakahubad sa harapan ko," pilit na ngiting sabi ni Havier.
Napapalunok na lang ng laway si Havier dahil para bang naluluyo ang kanyang lalamunan dahil na rin sa kanyang nakitang hubad na katawan ni Elliot. 'Di niya makalimutan ang anyo ng hubad ng katawan nito sobrang kinis na para bang babae.
Naiinis lang si Havier sa kanyang sarili dahil hindi niya napigilan na tumigas ang kanyang b*rat. Hindi niya tuloy alam kung paano niya itago iyon kay Elliot lalo na nakatingin ito sa kanya.
"Sa isang taon ko rito ay ngayon mo lang ako binisita sa bahay ko. Ngayon bumisita ka ay kakatapos ko lang kasi maligo para makaalis agad ako," ngiting sabi ni Elliot.
Tumingin si Elliot sa maliit na salamin para tignan ang kanyang itsura at ng makasigurado siyang maayos na ang guwapong mukha niya at maganda na ang pagkakasuklay ng kanyang buhok ay ibinaling niya ang tingin niya kay Havier.
Lumapit si Elliot sa mismong harapan ng makisig na lalaking si Havier. Walang pagdadalawanh isip na hinaplos niya ang noo nito at naramdaman niya na mainit-init ito.
Tinanong ni Elliot si Havier kung may kamusta ang pakiramdam nito? Kahit na nakatutok ang electric fan dito ay patuloy pa rin ito pinagpapawisan.
"A-ayos lang ako Elliot," pilit na ngiting tugon ni Havier.
Parang biglang sumiklab ang init sa katawan ni Havier ng hawakan ni Elliot ang kanyang noo. Napapikit ba lang siya sa 'di niya malaman na dahilan?
Amoy na amoy ni Havier ang mabangong sabon na ginamit ni Elliot kanina sa pagliligo nito. Bigla na lang siyang sa pagkakaupo at tinignan niya ang maamong mukha ni Elliot.
"Pawis-pawis ka pa rin. Sandali lang kuha lang ako ng pampunas ng pawis mo. Pasensya ka na kung nainitan ka sa loob ng bahay," nahihiyang sabi ni Elliot.
Agad na kumuha ng face towel si Elliot para meron siyang pampunas sa pawis ni Havier. Nahihiya tuloy siya dahil nainitan ang kanyang bisita sa loob ng kanyang bahay.
Nakangiti si Elliot na lumapit kay Havier at sinimulan niyang punasan ang pawis nito sa noo at sa guwapong mukha nito. Pinipigilan pa siya ni Havier ngunit patuloy lang siya sa pagpunas sa pawis nito.
"E-elliot, ayos lang ako. 'D-di mo na kailangan pang gawin iyan. N-nakakahiya s-sayo," sabi ni Havier.
Nagulat na lang si Havier ng punasan ni Elliot ang kanyang pawis at napaiglad na lang siya ng inilihis nito pataas ang suot niyang itim na t-shirt. Napatingin siya kay Elliot na napatigil at titig na titig itong nakatingin sa kanyang katawan.
"A-ang kisig ng katawan mo Havier. N-nagbubunga talaga ang pagjo-jogging at pagwo-work out mo araw-araw," ngiting sabi ni Elliot.
'Di naman inaasahan ni Elliot na bubungad sa kanya ang kisig ng katawan ni Havier. Sobrang kisig nito na para bang pangmodelo ang katawan nito.
Napalunok na lang si Elliot sa kanyang nakita at 'di na lang niya masyadong pinahalata na nabigla siya sa kanyang nakita. Pinagpatuloy na lang niya ang pagpunas sa basang katawan ni Havier.