Chapter 41
"Maraming salamat Mr. Albie Lopez, na pinaunlakan mo kami," ngiting sabi ni Armie.
Napagsalamat din si Armie sa asawa ni Albie Lopez na si Jordan dahil sumama rin ito sa dinner. Ngayon ay nandito sila sa main store ng Rald's Box Café sa bayan ng Prado.
Katabi ni Armie sa upan ay ang kanyang asawa na si Valeria at ang kanyang anak na si Clinton. Samantalang harapan nila ang mag-asawang si Albie at Jordan Lopez kasama ng mga ito ang nag-iisa rin anak na si Alonzo Lopez.
"Kami dapat ang magpasalamat sa inyo dahil personal pa ninyo inabot ang imbitasyon sa amin pamilya," ngiting sabi ni Albie Lopez.
Hindi inaasahan ni Albie na makakatanggap siya ng tawag muna sa secretary ni Mr. Armie Gutierrez at sinabi pa nito na gusto na personal na ibibigay ni Mr. Armie Gutierrez ang imbitasyon para sa annual party ng kumpanya nito.
Natuwa si Albie sa natanggap niyang tawag. Kaya naman kinausap niya ang secretary ni Mr. Gutierrez na imbes na pumunta ang boss nito sa kumpanya nila ay nag-set na lang siya ng dinner sa Rald's Box Café.
Agad na sinabi ni Albie ang tungkol sa dinner at natuwa siya dahil makakasama ito. Tamang-tama lang daw ang dinner ngayon dahil tapos na ito sa mga trabaho nito sa kumpanya.
Kinausap din ni Albie ang kanyang anak na si Alonzo at inaya niya itong sumama. Sobrang saya niya dahil wala itong pagdadalawang isip na pumayag sa kanyang alok.
"Sana ay makapunta kayong tatlo sa party," ngiting sabi ni Clinton.
Sinasanay na nga ni Clinton na sumama sa kanyang ama sa mga ganitong dinner dahil inihahanda na nga niya ang kanyang sarili sa pagpasok niya sa kumpanya nila.
Ito ang unang pagkakataon na makikita at makikilala ni Clinton ang may-ari ng Lopez Companya. 'Di nga lang niya inaasahan na mag-asawa pala itong dalawang nagkikisigan at naguguwapohan na lalaking nasa harapan nila.
Wala naman naramdaman na pandidiri o pagkailang si Clinton ng malaman niyang mag-asawa pala si Albie at Jordan Lopez. May anak din pala ito na kasama nila ngayon na si Alonzo Lopez na nagpapatakbo ng Helix Bar.
Helix Bar ay isang sikat na gay bar sa bayan ng Prado. Hindi pa nakakapasok si Clinton doon dahil wala naman siyang gagawin doon. Pero gusto niyang makita kung anong klaseng gay bar iyon.
Sa pagkakaalam ni Clinton ay hindi basta-basta nakakapasok sa loob ng Helix Bar kung walang hawak na gold at silver card.
"Clinton, maasahan mo na dadalo kami sa party ng kumpanya ninyo," ngiting sabi ni Jordan.
Kinamusta ni Jordan si Clinton dahil sa pagkakaalam niya ay mahilig itong mag-travel sa iba't-ibang lugar. Tinanong nito kung saan na ito nakapuntang lugar.
"As of now pahinga na muna ako sa pag-travel. Sa ilang taon kong pag-travel ay marami na akong napuntahan na magagandang lugar," ngiting tugon ni Clinton.
Sinabi pa ni Clinton na ang paborito niyang puntahan na lugar ay ang Lake of Zeus Beach Resort. Ilang beses na siyang paulit-ulit na pumupunta roon dahil sobra siyang nagagandahan sa luhar na iyon.
"Sounds interesting," biglang sabi ni Alonzo.
Wala naman gagawin si Alonzo sa kanyang opisina ngayong gabi na ito kaya napagpasyahan niyang sumama sa kanyang mga magulang. Akala niya ay magiging boring ang usapan ngayon gabi pero nagkainterest siya ng marinig niya ang mga sinabi ni Clinton.
Tinanong pa ni Alonzo kung membership din ba sa sinabi ni Clinton na beach resort. Matagal na niyang planong pumunta sa beach para na rin makapag-relax.