Elliot

212 14 1
                                    

Chapter 33

"Salamat sa pagsama mo sa akin ngayon Elliot. Sana ay hindi ka napilitan na sumama sa akin," ngiting sabi ni Orion. 

Ramdam na ramdam ni Orion ang nararamdaman na hiya ng guwapong binatang kasama niya ngayon naglalakad papalabas ng building niya. 

Sinabihan ni Orion si Elliot na imbes na sumakay pa sila ng kotse ay mas maganda na maglakad na lang sila. Makulimlim ang panahon ngayon kaya tamang-tama lang sa naisip niyang maglakad na lang sila papunta sa Rald's Box. 

"Hindi po Mr. Ricaforte, pero 'di mo talaga po maalis sa akin na makaramdam ng hiya dahil kasama ko po kayo ngayon. Ibig kong sabihin ay napapatingin ang mga tao sa atin dahil kasama ninyo ako na isang bagong empleyado ng kumpanya ninyo," sabi ni Elliot. 

Sobrang naiilang si Elliot na napapatingin sa kanya ang mga tao dahil kasama niya si Mr. Ricaforte. Okay lang sa kanya na maglakad sila papunta sa Rald's Box dahil mula rito sa building ng Ricaforte Company ay walking distant lang ang Rald's Box Cafe and Restaurant. 

Naisip ni Elliot na mas maganda yata kung dumeretso sila sa parking lot at sumakay sila sa kotse ni Mr. Orion Ricaforte. Para na rin walang masyadong makakakita sa kanila na magkasama.

"Sinabi ko naman sa'yo na hayaan mo silang mag-isip ng kung anu-ano sa'yo. Ang mahalaga ay wala kang inaapakan na tao," ngiting sabi ni Orion. 

Tuluyan na silang nakalabas ng building. Napatingin si Orion sa kalagitan kung saan nakikita niyang makulimlim ang kalangitan. Alam niyang mamaya-maya lang ay bubuhos na ang ulan. 

"Elliot, alam mo bang masarap na pumunta ngayon sa Lake of Zeus Beach Resort. Dahil na rin sa klima ngayon," ngiting sabi ni Orion. 

Para kay Orion ay tuwing umuulan ay sobrang sarap sa pakiramdam. Masarap na matulog at kumain ng comfort food. Tinanong niya si Elliot kung gusto ba nito ang klima ngayon? 

"Ayoko po Mr. Ricaforte. Gusto ko makita ang sikat ng araw. Gusto maramdaman ang init ng sikat ng araw sa akinh balat," tugon ni Elliot. 

Napatingin na rin si Elliot sa kalangitan. Nakikita niya sa kanyang dalawang mata ang makakapal na maiitim na ulap na nagsisimulang magkumpol-kumpol para bumagsak ang ulan. 

Bigla na lang naalala ni Elliot ang isang masamang pangyayari sa kanyang buhay. Isang bangungot na kahit kailan ay ayaw na niyang balikan o maalala man lang. 

"Magkaiba pala tayo ng gusto ng klima ng panahon. Shall we?" ngiting sabi ni Orion. 

Nagsimula na maglakas si Orion katabi niyang naglalakad sa kanyang bandang kanan ang guwapong binatang si Elliot. Tinanong niya kung bakit ayaw nito ang ganitong klima?

"Malungkot at nakakatakot masyado ang ganitong klima," tugon ni Elliot. 

"Huh? Nakakatakot? Bakit naman nakakatakot ang ganitong klima Elliot?" usisang tanong ni Orion. 

Napakunot noo napatingin si Orion sa guwapong binatang kasama niyang naglalakad. Maiintindihan pa niya si Elliot kung sinabi nitong malungkot lang ang panahon ngayon. 

"Pakiramdam ko tuwing ganito ang klima ay natatakot ako mag-isa. Parang pinaghalong takot at lungkot lalo na kapag malakas ang ulan," tugon ni Elliot. 

Muling napatingin si Elliot sa kalangitan nakikita niyang malakas na buhos na ulan ang hatid ng makakapal na ulap sa kalangitan ngayon. 

"Masyadong malalim ang paliwanag mo sa tanong ko," ngising sabi ni Orion. 

Iniba na lang ni Orion ang usapan at sinabi niya sa guwapong binatang kasama niya ngayon ay matagal-tagal na ang panahon na nakakalad siya sa kalsada. Lagi na lang kasi siyang sumasakay ng kotse para pumunta sa trabaho, sa mga business meeting at pag-uwi sa bahay. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon