Chapter 7
"Alam mo Elliot, naniniwala talaga ako na meron pang mga mabubuting tao tulad ba lang sa'yo at ng sinasabi mong Lolo Emmanuel," ngiting sabi ni Valeria.
Sobrang natuwa si Valeria sa ikinuwento ni Elliot sa kanya. Pero hindi niya maiwasan na malungkot dahil sinabi ni Elliot na pumanaw na pala si Lolo Emmanuel na tumulong dito.
"Kung saan man si Lolo Emmanuel, ay alam kong masaya na siya kasama ang kanyang asawa," ngiting sabi ni Elliot.
Medyo nangilid ang luha ni Elliot sa ikinuwento niya kay Mam Valeria. Sobrang nalungkot siya ng pumanaw si Lolo Emmanuel pero alam niya na makikita na nito muli ang pinakamamahal nitong babae sa langit.
Pinagpatuloy nila ang usapan habang kumakain sila. Sa higit na isang taon na mag-isa siya ay muli niyang naranasan ang kumain na may kasama. Lalo na masasarap na pagkain ang kinakain nilang dalawa ni Mam Valeria.
Akala talaga ni Elliot na uuwi na naman siyang gutom sa bahay. Kakapalan na naman niya ang mukha niyang humingi ng pagkain kina Aling Corazon at Mang Diego.
Buti na lang talaga bumangga kay Elliot ang magnanakaw dahil doon nakilala niya si Mam Valeria Martinez Gutierrez.
Bigla na lang napatigil si Elliot sa kanyang ginagawang pagkain ng kare-kare. Napatingin siya kay Mam Valeria na enjoy na enjoy sa kinakain na chocolate cake.
"Elliot? May problema ba? Parang nakakita ka ng multo? Oh my god? Don't tell me may chocolate ako sa bibig?" pag-aalalang tanong ni Valeria.
Agad na kinuha ni Valeria ang kanyang bag para kunin ang maliit na face powder niya para tignan ang kanyang sarili. Pero natigil ang kanyang ginagawa ng biglang nagsalita si Elliot.
"Mam Valeria, 'di ba po Gutierrez, po apelyido ninyo? Kakilala niyo po ba ang mga Gutierrez na nagmamay-ari ng Gutierrez Company Inc?" usisa ni Elliot.
Bigla lang naalala ni Elliot na Gutierrez pala ang apelyido ni Mam Valeria. Naisip niya na baka matulungan siya nito makapasok sa trabaho sa Gutierrez Company Inc. Kaso nahihiya siyang sabihin iyon baka sabihin nito ay nagsasamantala siya.
"Akala ko naman ano na. Sarap-sarap ko pa naman kinakain itong chocolate cake na ito. Anyway tungkol sa tanong mo ay oo kakilala ko ang may-ari sa Gutierrez Company," tugon ni Valeria.
Bihira lang kasi kumain ng cake si Valeria dahil na rin inaalagaan niya ang kanyang katawan. Ayaw niyang tumaba gusto niya ay fit pa rin siya para sa kanyang asawang babaero.
Tinanong ni Valeria kung bakit naitanong ni Elliot iyon? Sasagot na sana ang guwapong binata ng biglang may tumawag sa cellphone nito. Nakita niyang kinuha ni Elliot ang cellphone nito sa bulsa at ng tignan nito kung sino ang tumatawag ay napangiti ito.
"Mam Valeria, sagutin ko lang po ang tawag," ngiting sabi ni Elliot.
Tumayo na muna sa pagkakaupo si Elliot at nagpaalam na muna siya kay Mam Valeria na lalabas lang siya para sagutin ang tawag.
Importante kasi itong tawag na ito kay Elliot dahil isa sa kumpanyang pinasahan niya ay tumatawag sa kanya. Umaasa siyang heto na ang hinihintay niya.
Sa pagmamadali ni Elliot na lumabas dahil na rin kailangan na niyang sagutin ang tawag. Sa pagsagot niya sa tawag ay hindi niya napansin na may makakasalubong siya. Dahil iyon para makabanggaan sila ng isang matangkad at makisig na lalaking nakasuot ng all black suit.
"F*ck! 'Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"
"I'm sorry!" sabi agad ni Elliot.
Agad na rin umalis si Elliot dahil kinakausap na siya sa cellphone na tumatawag sa kanya. Hindi na niya alintana pa ang pagsigaw sa kanya ng lalaki tuluyan na siyang lumabas ng restaurant at puwesto siya sa ilalim ng puno ng akasya.
Ilang minuto rin nakikipag-usap si Elliot sa HR ng Ricaforte Company Inc. Isa sa sikat na kumpanya sa bayan ng Santiago. Sobrang saya niya dahil naimbitahan siya para sa initial job interview.
Para sa kay Elliot ay masaya na siya na tinawagan na siya sa isa sa kumpanyang gusto niyang pasukan. Gagalingan niya ang para pumasa siya sa initial interview hanggang matanggap na siya sa trabaho.
Napatingin si Elliot sa paligid. Ngayon lang niya napansin na sobrang ganda ng lugar. Ang mas lalong nagpapaganda sa Rald's Box Cafe and Restaurant ay ang puno ng akasya.
Napagpasyahan na ni Elliot na bumalik na siya sa loob baka hinahanap na siya ni Mam Valeria. Sa pagbalik niya ay napakunot noo siyang makitang may kasamang lalaki si Mam Valeria. Nakatalikod itong nakaupo kaya hindi niya makita ang itsura ng lalaki.
Pansin ni Elliot na parang malapit sa isa't-isa si Mam Valeria sa kausap nitong lalaki. Bigla tuloy siya nakaramdam ng hiya dahil hindi niya alam kung paano siya lalapit? Baka kasi maabala niya ang masayang pag-uusap ng dalawa.
Isang pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Elliot ng makita niyang tumingin sa kanya si Mam Valeria. Pinapalapit siya nito kaya kahit nahihiya siya ay lumapit na siya sa kinaroroonan ng table nito.
Napalunok na lang si Elliot ng biglang humarap ang lalaking kasama ni Mam Valeria. Napahinto na lang siya sa paglalakad dahil nakilala niya ang lalaking kasama ni Mam Valeria. Ito ang lalaking nakabangga niya kanina na galit na galit.
"Elliot, come here," ngiting sabi ni Valeria.
Alam ni Valeria na nahihiya si Elliot dahil may kasama siya. Kasama na niya ngayon ang kanyang guwapong asawa na si Armie Gutierrez.
Tumayo si Valeria sa pagkakaupo para lapitan si Elliot. Nakangiti siyang lumapit sa guwapong binata at inilingkis niya ang kanyang kamay sa braso nito.
"M-mam V-valeria, nakakahiya po. M-may kasama po kayo. B-baka po maka-istorbo po ako sa inyo?" nahihiyang sabi ni Elliot.
Sa sobrang kaba ay hindi Elliot ay napapautal na lang siyang magsalita. Nakaramdam pa siya ng pagkailang dahil nakalingkis sa kanyang braso ang kamay ni Mam Valeria. Mas lalo siyang kinabahan dahil ang sama-sama ng tingin ng lalaki sa kanya. Parang kapag kumurap siya ay baka 'di na niya mamamalayan na nasuntok na siya nito.
"Hey! Relax ka lang Elliot, ang kasama ko ngayon ay ang asawa kong si Armie Gutierrez. Tara na ipapakilala kita sa kanya," ngiting sabi ni Valeria.
Sobrang komportable si Valeria kay Elliot. Naisip nga niya kanina na sana anak na lang niya si Elliot. Isang napakaguwapo at sobrang bait na binata. Inaya na niya ang guwapong lalaking si Elliot na bumalik na sila sa table nila kung saan nandoon ang kanyang asawa.
Napakunot noo na lang si Valeria ng makita niyang ang sama-sama ng tingin ng kanyang asawa. Kanina pa mainit ang ulo ng guwapong asawa niyang si Armie. Sinabi nito na meron daw itong nakabangga kanina.
Akala ni Valeria ay ang kotse ng kanyang asawa ang nabangga kundi si Armie mismo ang kanyang asawa ang nabanga ng isang tao kanina papasok ito sa loob ng restaurant.
Sinabi naman ni Valeria na baka hindi naman sinadya ng taong nakabangga ng kanyang asawa ang nangyari. Pero pinipilit ng asawa niya na bastos ang taong ito.
Sa paglapit ni Valeria kasama si Elliot sa kinauupuan ni Armie ay agad na ipinakilala niya ang guwapong lalaking si Elliot.
"Armie, siya si Elliot, ang tumulong sa akin," ngiting sabi ni Valeria.
"Elliot, pala ang pangalan ng nakabangga sa akin kanina," ngising sabi ni Armie.