Chapter 18
"Tangin* pare! Nakita ka namin na lumabas sa bahay ni Elliot," ngising sabi ni Gabriel.
Napapansin din ni Gabriel na para bang nagiging malapit si Havier kay Elliot. Kanina nga ay nakita nilang lumabas ito sa bahay ni Elliot. Sobrang gulat na gulat silang dalawa ng kanyang kaibigan na si Daniel.
"Wag mong sabihin na dinidiskartehan mo si Elliot? Tsaka natira mo na ba siya pare?" tuksong sabi ni Daniel.
Nagulat na lang si Daniel ng biglang tumingin ng masama si Havier sa kanya. Nakaramdam siya ng takot dahil parang susuntukin siya nito kaya naman agad niyang binawi ang sinabi niya tungkol kay Elliot.
"Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo pare. Kahit na kaibigan kita ay hindi kita sasantuhin," galit na sabi ni Havier.
Kakauwi lang ni Havier sa bahay nila at sobrang masaya siya dahil nakasama niya si Elliot. Hindi lang basta nakasama kundi kay nangyari sa kanilang dalawa. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na may nangyari sa kanilang dalawa.
Habang pauwis sa bahay si Havier ay hindi niya maalis ang ngiti niya sa kanyang guwapong mukha at para bang nasa alapaap siya dahil na rin nakatalik niya si Elliot.
Habang nagpapahinga si Havier sa kuwarto nakatanggap siya ng text mula sa kanyang kaibigan na si Daniel. Nagsasabing nasa labas daw ito ng bahay niya kasama si Gabriel.
Hindi na rin naman makatulog si Havier dahil hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanila ni Elliot. Lumabas siya ng bahay at nakita nga niya sila Daniel at Gabriel.
Sinabihan ni Havier na pumunta na lang sila sa tambayan nila sa may tindahan ni Mang Diego sa labasan ng eskinita para na rin makabili sila ng beer. Sa pag-uusap nilang tatlo ay napunta ang usapan nila kay Elliot.
Medyo kinabahan at nag-alala si Havier dahil nakita pala siya ng mga kaibigan niya na lumabas sa bahay ni Elliot. Naging maingat siya na lumabas ng bahay nito dahil ayaw niyang may makakita sa kanya hindi dahil nahihiya siya kundi gusto niyang protektahan si Elliot.
Alam naman ni Havier na mabilis na kumalat ang mga chismis sa lugar nila. Mas mabilis pa nga ang chismis kaysa sa wifi connection sa bahay nila.
"Chill pare! Hindi naman masama ang sinabi ko. Chill ka lang pare," ngising sabi ni Daniel.
Nagtataka si Daniel kung bakit nagalit si Havier sa sinabi niya? Natural lang sa kanilang tatlo na magbiruan ng mga ganun bagay. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ni Gabriel na hindi pumapatol si Havier sa bakla o lalaking gusto rin ay lalaki.
"Pare, wag niyo idamay si Elliot. Buong araw ko siyang kasama dahil na rin sinamahan ko siya sa interview niya sa Ricaforte Group of Company. Salamat sa diyos ay natanggap siya sa trabaho," ngiting sabi ni Havier.
Kinuha ni Havier ang isang bote ng beer at ininom niya ito. Hindi talaga niya maalis-alis ang sa kanyang labi ang matamis na ngiti niya. Napatingin na lang siya sa kanyang dalawang kaibigan na nakakunot noo nakatingin sa kanya.
"Pareng Havier, kilala ka namin. Kapag ganyan ka makangiti ay sigurado namin na inlove ka," ngising sabi ni Gabriel.
Simulang bata pa si Gabriel ay magkakasama na sila ni Havier at Daniel. Kaya naman alam na alam na nila kung ano ang ugali ng isa't-isa.
Sinisigurado ni Gabriel na may natitipuhan na naman si Havier. Sa kanilang tatlo ay si Havier ang masasabi nilang madaming nakarelasyon at tirador ito ng mga kababaehan sa lugar nila.