6

418 21 0
                                    



Chapter 6

"So tell me Elliot, ano pinagkakabalahan mo?" ngiting tanong ni Valeria. 

Hinihintay na lang nila ang inorder nila. Ngayon ay gusto niya makilala ang guwapong binatang nasa harapan niya. 

"Job hunting Mam Valeria," simpleng sagot ni Elliot. 

Nahihiya si Elliot kanina kay Mam Valeria dahil sobrang dami nitong inorder na pagkain. Tinanong niya kung bakit madaming inorder na pagkain ito? Sinagot ni Mam Valeria sa kanya ay para raw matikman nila ang mga pagkain dito sa bagong bukas na cafe & resto na Rald's Box. 

"Oh? Really? Ok lang ba itanong kung ano ang tinapos mo? I mean college graduate ka ba?" ngiting tanong ni Valeria. 

Hindi nga nagkamali si Valeria na naghahanap nga ng trabaho si Elliot. Dahil na rin sa nakita niyang clear envelope na may lamang resume. 

"Fresh gradaute of business management po Mam Valeria," ngiting tugon ni Elliot. 

"Wow! Puwede ko bang tignan ang resume mo?" ngiting pakiusap na tanong ni Valeria. 

Nakangiting kinuha ni Valeria ang inabot na resume sa kanya. Tinignan niya ang resume ni Elliot. Napangiti na lang siya dahil sobrang guwapo nito sa nilagay na litrato nito sa resume. 

Binasang mabuti ni Valeria ang mga nilalaman ng resume ni Elliot. Nakita niya na sobrang dami na pala nitong work exprience pero pansin niya ay hanggang 6 month lang ang halos ng trabaho nito. 

Naisip ni Valeria na contractual lang si Elliot sa lahat ng mga pinasukan nitong trabaho. Halos mga resto, bar at café ito nagtrabaho. 

Nakangiting ibinalik ni Valeria ang resume ni Elliot a tinanong nito kung saan ito naghahanap ng trabaho? 

"Sa totoo lang po Mam Valeria, gusto ko po talaga makapagtrabaho sa mga kumpanyang tulad na lang ng Gutierrez Company Inc. Para naman po magamit ko ang pinag-aralan ko," ngiting sagot ni Elliot. 

Sinabi na ni Elliot ang totoo dahil ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa sa kanyang sagot. Hindi naman sa mapamili siya sa trabaho kundi tinitignan niya kung sapat ba ang sahod sa kanyang magiging trabaho. 

Sa panahon ngayon ay kailangan ni Elliot na maging mautak sa pagkuha ng trabaho dahil siya rin naman ang mahihirapan kung basta-basta na lang niyang tatanggap ng trabaho.

Kahit na konti na lang ang perang naitabi ni Elliot ay gagawa naman siya ng paraan para magkapera. Nagiging extra niya ang paggawa ng tinapay sa tindahan ni Mang Diego. Sapat ang binabayaran nito sa kanya sa isang araw na paggawa ng tinapay. 

"Nagpapasa ka naman ng resume sa mga kumpanya rito sa bayan ng Santiago?" seryosong tanong ni Valeria. 

Nagulat si Valeria sa sagot ni Elliot. Ramdam niya na masipag itong magtrabaho ngunit pinipili lang siguro nito ang papasukan nitong trabaho. Nakita niya ang mga work exprience nito na masasabi niyang good choice ang mga trabahong pinasukan nito. 

Sa nakita ni Valeria sa resume ni Elliot ay hindi ito nababakante ng trabaho. Sunod-sunod ang iba't-ibang trabaho nito sa iba't-ibang cafe, bar at resto. 

"Opo naman po. Sabi ko nga sa sarili ko makukulitan rin sila sa pagpasa ko po ng resume at tatanggapin na po nila ako," ngiting sabi ni Elliot. 

Naputol ang pag-uusap nilang dalawa ng dumating na ang pagkain na inorder ni Mam Valeria. Sobrang naglaway si Elliot sa kanyang nakitang masasarap na pagkain. 

Parang kumikislap ang mga mata ni Elliot habang isa-isang nilalapag ng waiter ang mga pagkain na inorder ni Mam Valeria. 

"Let's eat Elliot. Tikman na natin ang mga pagkain dito," masayang sabi ni Valeria. 

Na-miss tuloy ni Valeria ang kanyang nag-iisang anak na si Clinton Gutierrez. Nasa out of the town na naman ito kasama ang mga barkada nito. Na-miss na niya ang palaging paglabas nilang dalawa at kakain sila kung saan-saan. Food adventure nga ang tawag nila sa ginagawa nila. 

Bihira lang makasama ni Valeria ang kanyang asawa dahil masyadong abala ito sa trabaho. Bigla tuloy naalis ang ngiti niya sa magandang mukha niya. Bigla niyang naalala ang nangyari last week. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. 

"Mam Valeria, ayos lang po ba kayo?" magalang na tanong ni Elliot. 

Nakita ni Elliot na bigla na lang naging matamlay si Mam Valeria at parang bulang nawala ang ngiti nito sa labi. Nakita pa niyang sobrang lalim ng buntong hininga nito. 

"I'm sorry Elliot, may naalala lang ako. Na-miss ko lang ang anak ko," pilit na ngiting sagot ni Valeria. 

"May anak na po kayo?" tanong ni Elliot. 

"Oo meron na bakit mukha bang wala akong anak? Hahaha?" birong tanong ni Valeria. 

Ikinuwento ni Valeria kay Elliot ang kanyang nag-iisang anak na si Clinton. Masyadong adventurous ang kanyang anak. Mahilig itong mag-travel sa iba't-ibang lugar. Hindi ito maarte tulad ng mga ibang anak mayaman. Marunong itong makisama sa iba't-ibang tao. 

"Wala po sa itsura ninyo na may anak kayo," ngiting sabi ni Elliot. 

"Naku! Masyado ka naman mambobola. Anyway saan ka pala nakatira?" tanong ni Valeria. 

"Sa Urani Compound po Mam Valeria," agad na tugon ni Elliot. 

Nakita ni Elliot na nagulat si Mam Valeria sa sinabi niya. Alam naman niya na kapag binabanggit ang Urani Compound ay alam nang mga tao na mahihirap ang mga nakatira roon. Alam ng mga tao na pugad iyon ng mga kriminal. 

Sa isang taon na pagtira ni Elliot sa Urani Compound ay wala naman siyang masamang karanasan. Puwera na lang ang ingay-ingay tuwing umaga sa eskinitang tinitirahan niya. 

"Really? Wala sa itsura mo na nakatira roon. Oh! I'm sorry! Wag mong isipin na hinuhusgahan kita at mga taong nakatira sa Urani Compound. I'm sorry Elliot," pilit na ngiting sabi ni Valeria. 

Masyado lang nabigla si Valeria sa nalaman niyang taga Urani Compound pala nakatira si Elliot. Medyo kinabahan siya sa kanyang nalaman at naisip niya ang sinabi ng kanyang asawa na si Armie. 

Ngunit ramdam ni Valeria na mabuting tao si Elliot. Sa pananalita at pagsagot sa mga tanong niya ay alam niyanh mabuting tao si Elliot. 

"Naiintindihan ko naman po ang reaksyon ninyo Mam Valeria. Sa totoo lang mali ang mga sinasabi o inaakala ng ibang tao tungkol sa mga taga Urani Compound," ngiting sabi ni Elliot. 

Sinabi ni Elliot na mabubuting tao ang mga nakatira sa Urani Compound. Hindi lahat ng mga taga Urani Compound ay masasamang tao.

Ikunuwento ni Elliot kung paano siya nakapunta sa Urani Compound. Kung paano niya nakilala ang isang matandang lalaking tumulong sa kanya. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon