Chapter 39
"Elliot, kamusta naman ang tulog mo? Mukhang maganda kasi ang gising mo ah?" ngiting tanong ni Rica.
Kararating lang ni Rica sa trabaho at tulad ng dati ay nadatnan na niya si Elliot na nagsisimula na magtrabaho sa loob ng opisina ng hr department.
Pansin ni Rica na maaliwalas ang maamong mukha ni Elliot na para bang masarap ang tulog nito kagabi?
"Maaga lang po ako nakatulog kagabi Miss Rica," ngiting tugon ni Elliot.
Lihim na natuwa si Elliot sa sinabi sa kanya ni Miss Rica. Masarap talaga ang tulog niya kagabi dahil meron siyang katabi kagabi walang iba kundi si Havier.
Hindi namalayan ni Havier sa panonood nila ng pelikula nito ay nakatulog siya at naalingpungatan na lang siyang nakayakap sa makisog na binata at ganun din ito sa kanya.
Naalala rin ni Elliot ang nangyari kagabi. Napaginipan niyang muli ang nangyari sa kanila ni Tito Chan niya. Para bang naramdaman ulit niya ang takot at sakit ng pagpupumilit nitong ipasok ang malaki at matigas na b*rat nito sa masikip na butas niya.
Pinagpatuloy na ni Elliot ang kanyang trabaho hanggang dumating ang kanilang hr manager na si Miss Glenda.
"Guys makinig na muna kayo sa akin. Tama na muna ang trabaho dahil may sasabihin ako sa inyonh dalawa," ngiting sabi ni Miss Glenda.
Kahapon ay meron natanggap na email si Glenda galing mismo sa kanilang boss na si Mr. Orion Ricaforte. Ang laman ng email ay patungkol sa magaganap na annual party celebration ng Gutierrez Company.
"Chika minute ba iyan?" masayang tanong ni Rica.
"Gaga hindi!" natatawang sabi ni Miss Glenda.
Sinimulan na ni Glenda na sabihin kung ano ang kanyang kailangan sabihin sa kanyang dalawang kasama na sila Rica at Elliot.
Sinabi ni Glenda na nakatanggap siya ng email mismo mula kay Mr. Orion Ricaforte. Ang email na iyon ay imbitasyon mula sa Gutierrez Company para sa annual party celebration ng kumpanya ng mga ito.
Dagdag pa ni Glenda na tulad ng dati ay imbitado nga si Mr. Orion Ricaforte at magsasama ito ng tatlong empleyado ng kumpanya.
"Hmm… Alam ko na iyan. Reply na naman ang mangyayari. Alam ko na ang isasama ni Mr. Ricaforte," sabi ni Rica.
Nang marinig ni Rica ang sinabi ni Miss Glenda ay alam na niya ang mangyayari. Tulad ng mga nakaraang taon ay masasama si Mr. Ricaforte ng tatlong empleyado ng kumpanya nito sa party ng Gutierrez Company.
Alam ni Rica na ang isasama ng kanilang boss ay ang mga head ng department. Mamimili ito kung sino ang isasama nito sa huli ay ang babaeng ahas na si Ashley at sila Sir Arthur na head ng marketing department ay ang mayabang na si Joel head ng finance department.
"Nagkakamali ka ng iniisip mo Rica, dahil tayong tatlo ang isasama ni Mr. Orion Ricaforte!" masayang sabi ni Miss Glenda.
Sa pagtanggap ni Glenda sa email ni Mr. Orion Ricaforte ay hindi na siya naging sabik pa dahil alam naman niya kung sino isasama nito. Hindi na sana niya babasahin pa ang email ng meron siyang mapansin sa email ng kanilang boss.
Meron nabasang P.S si Glenda huling parte ng email ni Mr. Orion Ricaforte. Nagulat siya ng mabasa niyang silang tatlo ni Rica at Elliot ang isasama nito sa party ng Gutierrez Company.
Kahit na gabi ay napasigaw ng malakas si Glenda dahil sa kasiyahan na naramdaman niya. Ito ang unang pagkakataon na sa iisang department na napiling isama ni Mr. Ricaforte.