Chapter 34
"Elliot, kamusta ang lunch ninyo ni Mr. Ricaforte?" usisa ni Miss Glenda.
Hindi na nagulat si Glenda ng makatanggap siya ng text message mula kay Elliot na nagsasabing inaya siya nitong lumabas na kumain ng lunch ni Mr. Ricaforte.
Hindi naman tumutol si Glenda bagkus ay sobrang natuwa siya dahil mukhang natitipuhan talaga ni Mr. Orion Ricaforte si Elliot.
"Oo nga Elliot, saan kayo kumain ni Mr. Ricaforte. 'Di ka man lang nag-take out para sa amin. Char lang!" masayang sabi ni Rica.
Kanina pa nga hinihintay ni Rica pati na rin Miss Glenda ang guwapong binatang si Elliot. Gusto nila makibalita kung saan ito pumunta? Kung ano kinain ng mga ito?
"Pasensya na po kayo kung hindi po kayo nauwi ng pasalubong. Wala man po kasi akong dalang pera. Hindi ko naman po kasi alam na yayayain po akong kumain sa labas ni Mr. Ricaforte," pilit na ngiting sabi ni Elliot.
Sinabi nga kay Elliot ni Mr. Ricaforte na mag-take out sila ng pagkain kina Miss Glenda at at Miss Rica. Agad siyang tumanggi dahil nakakahiya.
Hindi na lang sinabi ni Elliot ang tungkol doon. Ikinuwento pa niya sa kanyang katrabaho na sila Miss Glenda kung saan sila kumain. Akala nga niya sa Rald's Box sila kakain ngunit sa pagpasok nila sa loob ay puno ang mga lamesa kaya nagpagpasyahan ni Mr. Ricaforte na sa ibang resto na lang sila kumain.
Naalala ni Elliot ang nakausap ni Mr. Ricaforte kanina na si Wilson Ledesma. Meron itong binanggit na pangalan na Armie. Hindi nga lang niya sigurado kung ang Armie na kasama raw niti kanina ay si Armie Gutierrez?
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni Elliot ng banggitin ni Mr. Ledesma ang pangalan na Armie. Inaya pa nga sila na sumama sa table ng mga iti ngunit tumanggi si Mr. Ricaforte.
Sa paglabas ni Elliot kasama si Mr. Ricaforte sa Rald's Box ay naglakad-lakad na muna sila hanggang mapagpasyahan ng maskuladong lalaking kasama niya na sa ibang resto na lang sila kumain.
Sumakay sila sa kotse nito ngunit sa pagsakay nila sa loob ng kotse ay para bang may tumawag sa kanyang pangalan. Tinanong pa nga siya ni Mr. Ricaforte kung napano siya? Sinabi na lang niya na meron lang siyang naalalang tatapusin na trabaho.
Pasimple pa nga tumingin si Elliot sa likuran at wala naman siyang nakita kundi mga sasakyan. Naisip niyang guni-guni lang niya na may tumawag sa kanyang pangalan.
"Alam mo Elliot, bilang nakakatanda sa'yo na hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin. Mag-ingat ka sa mga taong inggit. Lalo na halatang natitipuhan ka ni Mr. Ricaforte," ngiting sabi ni Rica.
"Tama si Rica, okay lang sa amin na sumama ka kay Mr. Ricaforte. Okay lang din na umayaw ka kung ayaw mong sumama sa kanya. Pero sana in a nice way kang tumanggi," payo ni Glenda.
Dagdag pa ni Glenda na hindi naman sa pinapangunahan nila si Elliot ay sana ay way itong magsamantala sa kabaitan na pinapakita ni Mr. Ricaforte. Natawa na lang siya ng biglang dumepensa ang guwapong binatang si Elliot sa kanyang sinabi.
"Alam naman namin na hindi ka ganun. Kahit mag-iisang buwan pa lang ka namin nakakasama sa trabaho. Masasabi ko at namin ni Miss Glenda na masipag at mabait kang bata I, mean binata… Hindi pala tao," natatawang sabi ni Rica.
Sinabi ni Rica kay Elliot na parang kapatid nila ni Miss Glenda rito. Sila-sila lang naman ang magkakasama sa opisina ng hr department.
Tinapat din ni Rica si Elliot na nakakaramdam siya ng pag-aalala sa kapakanan nito dahil ngayon pa lang ay marami na nakataas ang kilay kay Elliot.