Chapter 32
"Pansin ko lang pare lagi ka na lang pumupunta rito sa Rald's Box Café and Restaurant na ito," kunot noo tanong ni Wilson.
Napapansin ni Wilson sa kanyang kaibigan na palagi itong pumunta sa Rald's Box. Alam naman na hindi ito mahilig sa mga matatamis na pagkain. Pansin din niya na nagkakape lang ito. Minsan ay sinasama siya nito na kumain dito sa Rald's Box.
Hindi nagrereklamo si Wilson sa panlilibre ng kanyang matalik na kaibigan. Wala naman siyang reklamo sa mga pagkain dito sa Rald's Box. Masasabi niyang sobrang sarap ng mga pagkain dito lalo na ang kare-kare nito.
"Nagustuhan ko ang lugar at nakaka-relax ang ambiance ng Rald's Box. Kahit na maraming tao ang mga pumupunta rito ay hindi nakakaabala sa ibang customer na tulad ko, tulad natin," ngiting sabi ni Armie.
Totoo naman ang sinabi ni Armie. Nakaka-relax dito sa Rald's Box bukod sa magandang ambiance ay sobrang sarap ng mga pagkain at lalo na ang kape.
Pero ang totoong rason kung bakit madalas na pumunta si Armie sa Rald's Box Café ay dahil umaasa o nagbabasakali siya na makita niya si Elliot. Ilang linggo na matapos may mangyari sa kanila ng guwapong binata.
Gusto man puntahan ni Armie si Elliot sa Urani Compound ay hindi naman niya alam kung saan banda o saan eksaktong address nito?
Naisip din ng makisig na lalaking si Armie na pumunta sa Ricaforte Building kung saan doon nagtratrabaho si Elliot ay hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya kung bakit siya pupunta roon?
Isa ang Ricaforte Company sa mahigpit na kalaban ng kumpanya ni Armie. Siguradong magtataka ang mga tao kung bakit bigla-bigla na lang siya pupunta roon.
"Pare kamusta naman pala ang misteryosong babaeng dinala mo sa condo unit mo sa Zaltra Tower?" ngising tanong ni Wilson.
Gusto talaga malaman ni Wilson kung sino nga ba ang misteryosong babaeng kinababaliwan ng kanyang kaibigan na si Armie.
Kilala ni Wilson si Armie pagdating sa mga babaeng natitipuhan nito. Alam niya ang mga tipo ni Armie. Bukod sa sexy at maganda ay gustong-gusto ng kanyang kaibigan ay hindi lang basta magaling kundi magaling na magaling sa ibabaw ng kama.
Alam rin ni Wilson na higit sa lahat ay gusto ni Armie ang isang birhen na babae. Gusto nito ay ito ang nakakauna maka-score sa mga babaeng natitipuhan nito.
"Okay naman pare," tugon ni Armie.
Ayaw na masyadong magkuwento ni Armie tungkol kay Elliot. Hindi naman siya sigurado kung okay ba ang lahat? Dahil hanggang ngayon ay hinahanap niya si Elliot na akala ng kanyang kaibigan na si Wilson ay babae ito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Armie. Miss na niya ang guwapong binatang si Elliot. Gusto na niyang muling mayakap ito at mahalikan. Lagi niyang tinatanong sa kanyang sarili kung kamusta na ba ito?
Napakunot noo si Armie ng makita niyang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa katabi ng kanyang kape. Sa pagtingin niya sa kanyang cellphone ay nakita niya ang kanyang asawa na si Valeria ang tumatawag.
"Hello hon?" _ Armie.
"Sabi ng secretary mo ay lumabas ka raw kasama si Wilson?" _ Valeria.
"Yeah! Kasama ko nga siya nasa Rald's Box Café and Restaurant kami ngayon," _ Armie.
"Okay hon wait for us. Kasama ko ngayon si Clinton. Sinamahan niya ako magshopping," _ Valeria.
"Sabay-sabay na tayo mag-lunch. Ingat love you hon," _ Armie.
"Bye hon! See you," ngiting sabi ni Valeria.
![](https://img.wattpad.com/cover/375169452-288-k883995.jpg)