Elliot

205 14 2
                                    

Chapter 36

"Pare mukhang napapadalas ang pagtambay natin sa tindahan ni Mang Diego ah?" ngising sabi ni Gabriel. 

Alam ni Gabriel na hinihintay na naman ni Havier ang guwapong binatang si Elliot. Sa ilang linggo na ang nakalipas ay napapansin niya na laging nag-aaya ang kanilang kaibigan na si Havier na tumambay sa tinadahan ni Mang Diego. 

Nag-aalangan lang si Gabriel na itanonh kay Havier kung nanliligaw ba ito kay Elliot? Kung ano ba talaga ang relasyon ng dalawa? Baka kasi ma-offend ito sa kanyang itatanong. 

"Ikaw na nga itong nililibre ikaw pa nagrereklamo," ngising sabi ni Havier. 

Simulang sabihin ni Havier na manliligaw siya kay Elliot ay lagi na niyang inaabangan ito pag-uwi nito galing sa trabaho. Lagi siyang natambay sa tindahan ni Mang Diego. Minsan naman ay sinasama niya ang kanyang dalawang kaibigan na sila Gabriel at Daniel. 

Labis na nag-aalala si Habier ng isang linggo hindi umuwi ang guwapong binatang si Elliot. Isang linggo niya hindi nakita umuwi sa bahay nito. Tinatawagan niya ang cellphone nito ngunit hindi niya ito makontak. 

Sa sobrang pag-aalala ni Havier sa guwapong binata ay ni-report na niya sa barangay si Elliot ang 'di pag-uwi nito sa bahay. Hindi niya naiwasan na magalit sa mga taga barangay dahil imbes na hanapin ng mga ito si Elliot ay sinabihan lang nito na baka may pinuntahan ito. 

"Pare tapatin mo nga kami. Pinopormahan mo ba si Elliot?" seryosong tanong ni Daniel. 

Ilang linggo na rin ang nakakalipas at ilang linggo rin nakikipagtalo so Daniel sa kanyang kaibigan na si Gabriel kung itatanong ba nila kay Havier kung ano ang namagitan kina Elliot? 

"Tangin* naman pare! 'Di ba pinag-usapan na natin ito?" kunot noo sabi ni Gabriel. 

Muntikan na mabuga ni Gabriel ang kanyang iniinom na softdrink na nilibre sa kanila ni Havier. Hindi naman niya akalain na itatanong ni Daniel ang tanong na iyon. 

Sinabihan naman ni Gabriel na wag na muna nila itanong at hayaan na lang nila ang kanilanh kaibigan na si Havier na kusang magsalita tungkol kay Elliot. 

Muntikan pa nga makipag-away si Gabriel kay Daniel dahil gusto talaga nito na itanong na kay Havier kung ano ang namamagitan sa dalawa ni Elliot? 

"Puwede ba Pareng Gabriel, wala naman masama sa tanong ko. Tangin* para naman hindi tayo magkakaibigan tatlo rito?" inis na sabi ni Daniel. 

Seryoso tumingin si Daniel sa kanilang kaibigan na si Havier na nakangising nakatingin sa kanyan. Naalala niya ang nangyari noong nakalipas na ilang linggo.

Akala ni Daniel ay kung sino ang kumakatok sa bahay nila ng madaling araw. Sa pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Havier. 

Tinanong agad ni Daniel kung anong kailangan nito? Akala niya ay mag-aaya ng inuman si Havier dahil nakita niya sa likuran nito ang isa nilang kaibigan na si Gabriel. 

Napakunot noo na lang si Daniel ng humingi ng tulong sa kanya si Havier. Nakiusap ito sa kanya na hanapin nila si Elliot. Napatanong agad siya sa kanyang kaibigan na si Havier kung bakit nila hahanapin si Elliot. 

Lalo napakunot noo si Daniel ng sabihin ni Havier na ilang araw na hindi umuuwi si Elliot. Medyo nakaramdam siya ng pag-aalala sa guwapong binata ngunit agad niyang napag-isip-isip na baka may pinuntahan ito? 

Kinausap si Daniel ng kanyang kaibigan na sj Gabriel at sinabing pumayag na siya sa pakiusap ni Havier para na rin tapos na ang usapan. Sa huli ay pumayag na rin siyang tulungan ito dahil kaibigan niya ito at lagi siya nitong tinutulungan kapag siya naman ang nangangailangan. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon