26

339 29 3
                                    



Chapter 27

Napaginipan na naman ni Elliot ang kanyang Tito Chan. Bumalik sa kanyang alaala ang mga ginagawa nila tuwing gabi at ang pagyakap niya rito at ang lagi nitong pagbili ng candy sa kanya. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elliot. Inalis na lang niya sa kanyang isipan ang alaala ng kanyang Tito Chan. Gusto na niyang makalimutan iyon pero lagi lang itong bumabalik sa kanyang alaala. 

Napayakap na lang si Elliot sa kanyang katawan dahil sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan at mukha. Nandito siya ngayon sa balkonahe ng condo unit ni Mr. Armie Gutierrez. 

Kakatapos lang kumain ni Elliot at nabusog siya sa kanyang kinain. Ngayon ay muli na naman niyang nararamdaman ang antok. Napatingin siya sa loob ng condo unit at nakita niyang papalapit sa kanya si Mr. Gutierrez na nakasuot lang ng isang itim na boxer brief. 

Hindi maiwasan ni Elliot na mapalunok sa kanyang nakikitang matipunong katawan ni Mr. Gutierrez. Napatingin siya sa mismong harapan nito na parang umbok na umbok ito? Pero agad din niya inalis ang kanyang paningin doon. 

"Ayaw mo bang maligo Elliot, para mapreskuhan ka?" ngiting tanong ni Armie. 

Nagpaalam na muna kanina si Armie na magbibihis lang siya saglit at sa paglabas niya sa kuwarto ay wala si Elliot sa may dining area. Medyo nag-alala siya na baka umalis ito pero nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang nasa balkonahe pala ito. 

Tumabi si Armie kay Elliot at tumingin siya sa magandang tanawin sa kanyang balkonahe. Kitang-kita niya ang buong bayan ng Isidro at ang nagugustuhan niya sa kanyang balkonahe ay ang malamig na simoy ng hangin. 

Hindi alintana ni Armie kung nakasuot lang siya ng boxer brief ngayon at dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang matipunong hubad na katawan. 

"W-wag na po Mr. Gutierrez. Salamat po sa pagtulong ninyo sa akin. Tatanawin ko po ito ng malaking utang na loob ito. Salamat po sa masarap na hapunan. K-kailangan ko na po umuwi," ngiting sabi ni Elliot. 

Pasimpleng kinapa ni Elliot ang kanyang bulsa at iniisip niya kung kasya ba ang dala niyang pera pauwi sa bayan ng Santiago. Sa pagkakaalam niya ang bayan ng Isidro ay malapit lang sa bayan ng Prado. Ibig sabihin iyon ay malayo-layo pala ang bibiyahiin niya. 

"Dito ka na magpalipas ng gabi dahil sa ganitong oras ay delikado na magbiyahe at mahirap mag-abang ng jeepney," seryosong sabi ni Armie. 

Totoo ang sinabi ni Armie masyado na delikado ang ganitong oras ngayon. Tsaka mahirap talaga ang sakayan sa ganitong oras. Napansin niya na kinakapa ni Elliot ang bulsa nito. 

Nakita rin ni Armie ang pag-aalangan sa maamong mukha ng guwapong lalaking si Elliot. Sinabihan niya ito na pahihiramin nito ng damit. 

"N-nakakahiya po M-mr. Gutierrez," sabi ni Elliot. 

Sobrang nahihiya si Elliot kay Mr. Gutierrez dahil basta-basta na lang niya ito niyakap at nakatulog pa siya sa sobrang takot at iyak. Ayaw na niyang maalala ang nakita niya kanina sa kabilang kalsada. 

Napatingin si Elliot sa guwapong mukha ni Mr. Armie Gutierrez at kitang-kita niya na seryoso ito sa sinabi nito. Sinabihan siya nito na wala siyang dapat na ikahiya.

"G-gusto kong kunin ang pagkakataon na ito Mr. Gutierrez, na humingi ng pasensya sa aking ginawa noon," sabi ni Elliot. 

Naglakas loob lang si Elliot na sabihin iyon kay Mr. Armie Gutierrez tungkol sa unang pagkikita nila at sa nangyari sa loob ng cubicle ng Rald's Box Café and Restaurant. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon