23

370 18 1
                                    

Chapter 23

"Miss Glenda, si Mr. Ricaforte, ba iyong kausapin ni Elliot?" kunot noo tanong ni Rica. 

Napatingin lang si Rica sa kinatatayuan ni Elliot at napansin nga niya naay kausap itong matandang lalaki na namukhaan agad niya ito na si Mr. Orion Ricaforte. 

"Huh? Oh my god! Siya nga Rica," gulat na sabi ni Glenda. 

Hindi na muna lumapit si Glenda sa kinaroroonan ni Elliot at hinayaan lang niyang kausapin ito ni Mr. Ricaforte. Hanggang makita tumalikod ang guwapong binatang si Elliot kaya naman agad siyang naglakad papalapit kina Mr. Ricaforte. 

"Good evening, Mr. Ricaforte," ngiting pagbati ni Glenda. 

"Good evening Miss Glenda, kilala mo ba iyang nasa likuran mo?" kunot noo tanong ni Orion. 

Kararating lang ni Orion galing sa isang business trip at nagpahinga lang siya saglit sa bahay niya bago siya tumuloy sa birthday party ni Arthur. 

Nahihiya si Orion na hindi dumalo sa birthday party ni Arthur dahil isa ito sa pioneer sa kumpanya niya. Masasabi at maipagmamalaki niya na sobrang galing at sipag nito sa trabaho. 

Isa rin si Arthur sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Orion Ricaforte. Sa pagdating niya sa Altas Bar ay dumaan siya sa VVIP entrance para na rin hindi siya makipagsiksikan sa mga taong nasa loob ng bar. 

Sa pagdating ni Orion sa 3rd floor ng Altas bar kung saan ginaganap ang party ni Arthur ay agad na napukaw ang atensyon niya sa isang binata na may hawak-hawak na isang platong puno ng dessert. 

Pinagmasdan ni Orion ang binata parang habang nakatingin ito sa ice cream section ng buffet table. Hindi niya maiwasan na mapangiti at maaliw sa kanyang nakikita sa guwapong binata. Para kasi itong nagdadalawang isip kung kukuha ba ito ng ice cream o hindi? 

Napagdesisyunan ni Orion na lapitan niya ang guwapong binata at kinuha niya ang atensyon nito. Kitang-kita niya kanina kung paano ito nahiya sa sinabi niya na siya ang kukuha sa ice cream. 

Napakunot noo na lang si Orion ng biglang magpaalam ang guwapong binata sa kanya. Naisip niyang tuluyan na kaya itong nahiya? 

"Yes Mr. Ricaforte, this is Elliot Landicho, isa po siya sa bagong employee sa kumpanya. Nasa hr department po siya kasama namin ni Miss Rica," pagpapakilala sabi ni Glenda. 

Mabilisan na tinignan ni Glenda si Elliot na nakangiting nakatingin kay Mr. Orion Ricaforte. Ipinakilala rin niya si Mr. Ricaforte kay Elliot na may ari ng kumpanyang pinagtratrabahuhan nila. 

Napakunot noo si Glenda ng mapansin niya ang platong hawak ni Elliot na punong-puno ng dessert at cakes. 

"Elliot Landicho, nice to meet you," ngiting sabi ni Orion Ricaforte. 

Inabot ni Orion ang kanang kamay niya sa guwapong binatang nagngangalang Elliot. Gusto niyang makipagkilala rito ng pormal. Natuwa na naman dahil malugod naman nakipagkamay sa kanya si Elliot. 

Humingi na rin ng pasensya si Orion kay Elliot sa bigla niyang paglapit dito. Alam niyang nagulat ito sa paglapit niya at pakikipag-usap rito. 

"A-ayos lang po Mr. Ricaforte. Pasensya na rin po hindi ko po kayo agad nakilala dahil ngayon lang po kita nakita ng personal. I'm sorry Mr. Orion Ricaforte," pilit na ngiting sabi ni Elliot. 

Medyo dahan-dahan na ibinaba ni Elliot ang hawak niyang plato ng puno ng dessert. Nahihiya siya ngayon kay Mr. Ricaforte na nakita siya nitong maraming kunuhang dessert. Kung puwede lang siyang lamunin ng lupa ngayon ay magpapalamon siya sa sobrang hiya. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon