11

388 19 1
                                    



Chapter 11

"Nakakagulat na nag-aya kang magkape pare?" ngising sabi ni Wilson. 

Sobrang nagulat at nagtaka si Wilson ng bigla na lang pumasok sa kanyang opisina ang kanyang matalik na kaibigan na si Armie. Napangisi na lang siya ng mag-aya ito sa kanya na magkape. 

Sobrang tawang-tawa si Wilson kanina dahil akala niya kung ano ang sasabihin sa kanya ni Armie? Sobrang seryoso pa itong pumasok kanina sa kanyang opisina. Iyon pala mag-aaya lang pala ito magkape. 

"Para maiba naman. Puro alak tayo pare magkape naman tayo. Tsaka maganda rito," ngising sabi ni Armie. 

Naisipan ni Armie na ayain magkape ang kanyang matalik na kaibigan na si Wilson. Alam niyang nagtataka ito na nag-aya siyang pumunta sa isang coffee shop. 

Akala ni Armie ay ok na siya. Akala niya na pakikipagtalik lang ang solusyon niya sa kanyang problema. Hindi nga niya alam sa kanyang sarili kung problema nga ang hindi niya makalimutan si Elliot?

Ngayon ay nandito si Armie sa isang bagong bukas na restaurant kung saan dito mismo sila nagkita ng isang lalaking 'di niya makalimutan hanggang ngayon na si Elliot. 

"Maganda nga at masarap nga ang mga cakes dito. Parang kabubukas lang yata nito?" kunot noo tanong ni Wilson. 

Nakakadalawang slice ng classic chocolate cake si Wilson. Hindi siya masyadong mahilig sa matatamis na pagkain pero nasarapan siya sa cake na kinakain niya. Maganda ang ambiance ng Rald's Box Café and Restaurant. 

Alam ni Wilson na isa sa branch lang ang Rald's Box Café and Restaurant sa bayan ng Santiago. Ang main store nito ay sa bayan ng Prado at meron din itong unang branch sa Chavez Mall. 

Nagulat nga si Wilson dahil nagkaroon ng branch dito ang Rald's Box Café sa pagkakaalam niya ay sobrang mahirap na makumbinsi ng may-ari ng Rald's Box Café na magkaroon ng mga  branch ito sa iba't-ibang lugar. 

"Maganda na wag puro alak ang nasa dyan natin. Tsaka pare meron akong ikukuwento sa'yo pero… " nag-aalangan na sabi ni Armie. 

Nag-aalangan si Armie na sabihin sa kanyang matalik na kaibigan ang kanyang iniisip tungkol kay Elliot. Alam naman niyang matalik niya itong kaibigan ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag sinabi na niya ang tungkol kay Elliot? 

Kinuha ni Armie ang tasang nasa ibabaw ng lamesa at dahan-dahan niya itong inilapit sa kanyang bibig. Hinipan na muna niya ito para sigurado siyang 'di siya mapapaso. Dahan-dahan niyang ininom ang inorder niyang cappuccino. 

Napapikit pa si Armie ng masahan niya ang cappuccino na inorder niya sa Rald's Box Café and Restaurant. Napangisi siya dahil nasarapan siya sa kapeng inorder niya. 

"Pare parang alam ko na ang sasabihin mo sa akin. Tangin*! Nagsawa ka na ba agad sa bago mong secretary si Apple?" tuksong tanong ni Wilson. 

Hindi nga nagkakamali si Wilson na babae ang problema ng kanyang kaibigan na si Armie. Ilang araw din itong mainit ang ulo dahil pala sa babae. 

Tinanong pa ni Wilson si Armie kung kakatapos lang ba nitong makipagtalik kay Apple kanina? Dahil na rin naka-casual lang itong suot. Alam niyang kapag nakasuot na puting t-shirt at grey sweatpants si Armie ay nakipagtalik ito sa loob ng opisina nito. 

"Kanina ko lang tinira si Apple. Virgin pero ang arte. Nawalan ako ng gana sa kanya. Gusto ko pa sana makaisa ngunit dami nitong reklamo sa akin," inis na sabi ni Armie. 

Ikinuwento ni Armie kay Wilson kung ano ang nangyari kanina. Inaasahan na niyang pagtatawanan lang siya nito dahil naka-virgin na naman siya. 

Masasabi ni Armie sa kanyang sarili na bitin na bitin pa siya sa isang round ng pagtatalik nila ni Apple. Aaminin naman niyang nasarapan siya sa bagong secretary niya at masasabi rin niyang magaling gumiling si Apple sa ibabaw niya. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon