Author's Note/s:
Napansin niyo bang parang super haba ata nung CHAPTER 37?.
Eh kasi naman po pinagsama ko na yung 3 chapter do'n kaya medyo napahaba siya nang very light lang naman, tapos medyo na edit pa 'yon kaya gano'n siya.
Anyways, pasensya na ulit at medyo bumabagal tayo sa pag UD. Bumi-busy kasi ang lola niyo kaya ganito. Pero bawiin na lang sa updates ha. ;)
Salamat ulit sa patuloy na supporta, at HAPPY READING :)
P.S.
Ispeysyal chapter tayo ulit ha. Para masaya ;)- Author
-----------------------
Ilang araw na siyang nagmamasid sa Villa Obreza kung saan naroon sina Breeyana at Andrei. Ilang araw na niyang pinapanuod ang kilos at galawa nang mga ito habang kinukunan niyang palihim nang mga litrato mula sa 'di kalayuan.
Isa-isa niyang inilatag ang mga litrato sa lamesang nasa kaniyang harapan. Pinakatitigan ang mga iyon habang iiling-iling siya sa sarili.
Alam niyang hindi na niya dapat pang ginawa ang pagkakamaling iyon pati na ang lahat nang kasinungalingang sinabi niya sa magulang nang mga ito. Maling-mali.
Ngunit kahit anong pilit niyang takasan ang kaniyang nakaraa'y.nahahanap parin siya nito at inuusig ang kaniyang konsensya.
Ang kaniyang mga kasinungalingan sa buhay nang dalawang batang biktima nang maling pagkakataon at paniniwala na pinagbayaran ng buhay nang kaniyang sariling ama at nag-iisang anak. Lahat nang iyon ay dahil sa kaniya.
At alam niyang iisa lamang ang solusyon para matatapos na ang lahat nang pagkukunwari't kasinungalingan.
Kailangang malaman na nila ang katotohanan. bulong niya sa sarili.
Isa-isa niyang inilalagay sa loob nang tatlong magkakaibang sobre ang pare-parehong kopya nang mga larawan nina Andrei at Breeyana.
Hindi na siya papayag pang may isa sa kanila ang mapahamak nang dahil lamang sa pagtatakip niya sa katotohanang matagal nang dapat ay nabunyag, kun'di lamang siya naduwag.
Kumuha siya nang papel at panulat at tigmak nang luhang sumulat doon.
Andrei...
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...