Author's Note:
Nawindang ba kayo sa ispeysyal chapter natin?. Ako din eh (nawindang sa sobrang pagka sabaw. hahahaha :D).
Anyways, bago ko makalimutan...HAPPY 3K PLUS READS nga pala mga ka F.T. :)
Nakalimutan na nang lola niyo dahil sa sobrang daming ginagawa recently.Pero as promised, bawi bawi na lang sa mga sabaw moments 'pag may time diba po? ;).
Ayun lang for now. HAPPY READING! <3
- Author
------------------------
[ Andrei ]
"Ano 'to?".
Kunot-noong tanong ko kay Breeyana na abot tenga ang ngiti sa 'di ko maipaliwanag na dahilan.
Kasalukuyan akong nakaupo no'n sa sala nang bahay at nagbabasa-basa lang pang paalis ng inip nang dumating siya't inilapag sa harapan ko ang tatlong piraso nang papel na sa hula ko'y pinilas lang niya galing sa kaniyang notebook.
"Basahin mo". maiksi niyang tugon sabay nguso sa nakasulat doon.
Mataman kong tinitigan ang mga nakasulat doon. And all i can see are a lot of writings na may napakalaking title sa unahan nito na mukhang sinulat pa gamit ang kulay pink na gel pen.
"Ayoko. Nakakatamad". walang kalatoy-latoy kong sagot sa kaniya. "Ano ba kasi yan ha?".
Iritang kinuha niya mula sa akin ang mga papel at inirapan ako. Sabay pakawala nang malalim na buntong-hininga.
"House Rules po ito". sagot niya habang iwinawagayway ang mga ito sa aking mukha.
"House Rules?". patanong na pag uulit ko sa sinabi niya.
"Yes, house rules. Paulit-ulit? bingi?. Ikot-ikot lang!?". may pagka-sarcastic ang tono na sagot niya.
"What i mean is, Para saan 'to?. At kelan ka pa naging si Vice Ganda?". kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"Para sundin". maiksing sagot niya sabay ismid sa'kin.
Oo nga naman Andrei. Siyempre "House Rules" nga eh diba?. bulong ko sa aking isip.
"Eh bakit nga may ganito pa?". paglilinaw ko.
"Para nga sundin mo. At para mas organized tayo dito sa bahay". proud namang sagot niya.
Napaawang ang aking labi at halos 'di makapaniwala sa kaniya.
Para sundin mo. Iyon ang mga salitang tumatak sa aking utak.
As if namang gagawin ko 'yang gusto niya. Eh kung ang mga magulang ko nga, my Dad in particular, nahihirapan akong pasunurin sa gusto nila...siya pa kaya?.
Let's just say that i am not a follower, i'm always the leader. A king, but never a servant. I wasn't born with rules to follow because i make them. It's as simple as that.
Kaya ang house rules na ganiyan ay malabong mapasunod ang isang kagaya ko.
"Patingin nga". tanging naibulalas ko at kinuha mula sa kaniya ang mga papel.
"Ehem..." marahan muna siyang tumikhim bago ituloy ang kaniyang litanya. "RULE NO. 1: House chores should be divided equally..."
Awtomatikong napangisi naman ako sa kaniyang sinabi.
Paano ba naman kasing hindi?, eh sa unang house rule palang ata bagsak na 'tong si Breeyana. Eh ni hindi nga ata siya marunong mag laba o magluto man lang."Anong nginingiti mo diyan ha?". kunot ang noo't nagtatakang tanong niya sa'kin.
"W-wala. Go on, tell me the next one". natatawa ngunit pigil ang sariling sagot ko sa kaniya.
Naniningkit ang mata at suspetsyoso niya akong tinitigan ngunit nag tuloy parin naman sa kaniya litanya na sa palagay ko'y medyo mahaba-haba pa ang tatakbuhin.
"RULE NO. 2: Bawal ang mag share ng personal care stuffs. Example; toothpaste, hair products, sabon..." aniya habang paruo't parito nang paglalakad at ako nama'y napapatango na lang bilang pag sang-ayon.
"RULE NO. 3: You cook, i wash the dishes..."
"O, akala ko ba house chores should be divided equally. Eh bakit ako lang ang mag-luluto?". pagrereklamo ko.
"Bakit, gusto mo bang masunog ang bahay na 'to?. Tandaan mo, naka-trust fund sa pangalan natin 'to". pagpapaalala naman niya.
"Okay, fine. Sabi ko nga ako na magluluto eh". tanging naisagot ko na lamang.
"RULE NO. 4: weekends lang ang laundry, para 'di sayang sa kuryente. RULE NO. 5: both should have their private spaces. meaning do'n ka, dito ako..."
"Wait, what if i want to go to your space?". curious kong tanong.
"Then i'll punch you in the face". mabilis naman niyang sagot.
Agad naman akong napalunok at kinabahan sa sagot niya. Minsan talaga may pagka-violent din ang babaeng 'to.
"Let's continue, shall we?". aniya at muling tumikhim nang marahan bago ipagpatuloy ang litanya. "RULE NO. 6: bawal sumagot nang phone calls dito sa loob ng bahay. baka may makarinig at ma-trace tayo. sabi mo nga kasi, we should be careful. RULE NO. 7: papalitan ko ang rules kung kelan ko gusto..."
"Teka, teka...ano?. Ang unfair naman ata niyan!". muli kong pagrereklamo.
"Ahh...nag rereklamo ka?". taas ang kilay na tanong naman niya sa'kin. "Eh kung sabihin ko na lang kaya sa parents natin na ipakasal na lang tayo, payag ka?".
Saglit akong napaisip at pinakiramdaman ang aking sarili.
Ewan ko nga ba, pero bakit parang nitong mga nakaraang araw nag iiba na ang tingin ko kay Breeyana.
Minsan hindi ko na din maunawaan ang sarili ko. Gusto kong palagi siyang nakikita, pero kapag andiyan naman siya gumagawa ako nang bagay na ikaiinis niya.Hindi nga kaya bipolar ako?. tanong ko sa sarili.
Ngunit imbes na sagutin ay napabuntong-hininga na lamang ako't marahang ipinilig ang aking ulo.
"Okay, okay...sabi ko nga, hindi na 'ko mag rereklamo eh". mahinang naisagot ko na lamang.
"Good. Dahil ang huling rule ang pinaka importante sa lahat". aniya. "RULE NO. 8: 'wag na 'wag nating kakalimutan ang napagkasunduan, kaya DON'T EVER FALL IN LOVE WITH EACH OTHER".
Hindi ko man lubos maunawaan pero parang nakaramdam ako.nang kaunting pagka-dismaya sa huli niyang sinabi.
At ang nakakapagtaka'y parang hindi na lumalaban ang puso ko sa salita pa lamang na fixed marriage o sa ideya nito. At para bang gusto ko na ang mga nangyayari sa amin ni Breeyana at masaya na ako sa sitwasyon namin sa ngayon.Tinitigan ko siyang mabuti at bigla na lamang may pumasok na isang pilyong ideya sa utak ko.
Walang anu-ano'y bigla ko na lang siyang hinawakan sa kaniyang beywang na kaniyang ikinagulat at pinanlakihan nang mata. At higit ang hingang nag tanong sa'kin.
"W-what do you think you're doing?".
Nauutal at dama ko ang kaniyang kaba dahil sa lapit namin sa isa't isa.
"Wala naman. I'm just testing kung sino ba sa'tin ang unang magbi-break sa rule number 8".
Mas lalong nanlaki ang kaniyang mata nang inilapit ko ang aking mukha sa kaniya, sapat para marinig niya ang aking sasabihin.
"I know you can't resist". nakangising bulong ko sa kaniya.
"Dream on!". mataray niyang sagot sabay tulak sa akin palayo.
At nag-walkout siya bago pa man ako mag salitang muli.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...