[ Yana ]
"Ano ba kasi yung urgent na pagmi-meeting-an natin?".
"Oo nga, kailangan ba talagang kumpleto tayo?. Walang exemption".
"May photoshoot ako in three hours ha".
Sabay na tanong at reklamo nina Rina, Sherry at Casey nang maka-upo na kami sa pink couch ng Kit-Tea Cafè, isang Milk Tea store na halos katabi lamang nang school namin.
Dito kami madalas tumatambay kapag hindi masyadong busy sa kani-kaniyang mga buhay. Minsan dito na din kami nag mi-meeting kapag gusto namin nang ibang ambiance.
Tahimik kasi at kaunti lang ang mga taong pumapasok. Karamihan pa nga taga-ibang school.Kaya dito namin ni Lia napag desisyunang mag held nang meeting. Dahil sigurado kaming kung may makakilala man sa akin dito, hindi naman nila ako pakikialaman.
"Eto kasing bestfriend natin may malaking problema na naman". sagot ni Lia.
Napatingin silang lahat na may nag tatakang mga titig, at awtomatiko namang napalunok ako sa mga tingin nila sa akin.
Kinabahan tuloy ako na hindi ko maintindihan.
Ang totoo kasi niyan, hindi ko pa alam kung pa'no kong uumpisahan ipaliwanag sa kanilang lahat na naipit na naman ako sa sitwasyon namin ni Andrei. At mas komplikado na ngayon, dahil may engagement nang involved.
Alam naman nilang lahat na hindi totoo ang "relationship" namin. No'ng una pa lang naikwento ko na sa kanila ang lahat, pati na ang mga escape plans ko.
"Oh my Gosh!".
"Don't tell us..."
Magkasunod na sabi nina Casey at Lia sa'kin.
"Buntis ka!?". halos hind naman makapaniwalang patanong na sabat ni Sherry.
Nanlaki ang mga mata ko't nagulat sa mga sinabi nila.
Ba't ganiyan ang mga tao (mga babae specifically)?. Kapag humihingi nang tulong sa kapwa babae, buntis agad?. Hindi ba p'wedeng may problema lang talaga?. naitanong ko tuloy sa sarili.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga iniisip nang mga kaibigan ko sa'kin eh.
"Si Andrei ba ang ama?". pasinghap at halos pabulong na sabat naman ni Rina
Napataas ang kilay ko sa tanong nang huli.
"N-no. Hindi. Of course not!". depensa ko naman sa kanilang lahat.
"Eh, so ano nga'ng problema?". muling tanong ni Lia sa'kin na may halong pangamba at concern sa tinig.
Lumunok ako't huminga nang malalim. Inihanda ang sarili sa magiging reaksyon nila sa mga sasabihin ko.
"I-ikakasal na kami ni Andrei". kabado at halos pabulong na sagot ko.
"What!?". sabay-sabay at nagsisilakihan ang matang pagulat na saad nila.
Nakita ko pang halos mabilaukan si Lia nang iniinom niyang milk tea dahil sa nalaman. Habang si Sherry naman ay napa-ngangang napatigil sa pagkain.
"W-well, hindi pa naman actually kasal. Engagement pa lang". i smiled at them re-assuringly.
"Ahh, so ano nga yung problema dito ulit?". parang pa-clueless na tanong ni Rina sa amin.
Napatingin kaming lahat sa kaniya at tumaas ang mga kilay.
"Sorry, medyo hindi nag sink in sa utak ko yung malaking problema eh". dagdag pa niya.
Casey rolled her eyes and Sherry gave a smirk at Rina habang ako naman ay napailing na lang.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...