[ Yana ]
I woke up in a hospital bed feeling a bit fuzzy and confused. At medyo silaw ang mata sa liwanag ng ilaw sa kwartong iyon.
"O, gising ka na pala".
"Welcome back girl!".
Naka-ngiting bati sa'kin nina Rina at Lia.
Nang marinig iyon nina Sherry at Casey ay lumapit na din sila sa higaan ko at ngumiti.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at napakunot-noo. Pilit inaalala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.
"A-anong nangyari?". lito at medyo nanghihina pang tanong ko sa kanila.
"You had an asthma attack". agad na sagot ni Lia.
"Akala nga namin kailangan mo pa si Prince Charming Andrei mo para magising ka eh". pabibiro ni Rina.
At nakita kong pinanlakihan siya ng mata ni Casey at siniko sa tagiliran ni Sherry.
Oo nga pala. Si Andrei ang huling kasama ko bago ako mawalan ng malay. sabi ng isip ko.
"Asan si Andrei?". tanong ko sa kanila.
Nagtinginan silang lahat habang ako naman ay nagtataka at napa taas ang kilay.
Ano bang nangyayari dito?. Why are they acting all weird?.
And as if on cue, sinagot ni Lia ang mga tanong sa isip ko.
"Alam na ni Tita Emi". Lia calmly explained. "Tinawagan siya ni Andrei nung nag collapse ka".
Napalunok ako at kinabahan sa nalaman.
"Buti na lang Mommy mo ang unang nakaalam". dugtong ni Sherry.
"Kung si Tito Rome ang unang sinabihan niya, naku talaga!. Malamang nakakulong na ngayon si Fafa Andrei". dagdag pa ni Rina.
Napayuko ako at naisip na may point sina Rina at Sherry.
Maswerte parin nga ako, dahil kung si Daddy ang unang nakaalam ng gulong kinasasangkutan ko, malamang grounded ako ng isang buong taon.
And for sure, gaya nga ng sabi ni Rina, malamang ipakulong ni Dad si Andrei at kasuhan ng kung anu-anong criminal charges kapag malaman niya lahat.I know my father is capable of doing that, lalo na't ako ang sangkot sa gulo.
And speaking of Andrei, nasaan ba ang utak ipis na lalakeng 'yon?.
"S-sinong nag dala sa'kin dito sa hospital?". tanong ko sa kanila.
"Edi si Andrei". halos sabay-sabay na sagot nila sa'kin.
"Kwento pa nga ni Tita Emi sa'min, sobrang nagpa panic daw si Andrei no'ng himatayin ka". kinikilig na pagki-kwento ni Casey.
May bait din palang taglay yung utak ipis na 'yon. sa isip-isip ko.
"Uyyy...nagba-blush siya!". panunukso sa akin ni Sherry.
Hinawkan ko ang aking pisngi at naramdaman ko ngang parang nag init ang mukha ko.
"Hay naku!, i would give anything talaga magkaro'n lang ako ng isang Prince Charming na gaya ni Andrei". Rina exclaimed dreamily.
"Gaga!. Imposible na yan, dahil si Yana at Andrei ang destined for each other". sagot naman ni Casey.
Napailing na lang ako at saglit napangiti. Pagkaraa'y biglang may naalala.
"How long have i been here?". muling tanong ko sa kanila.
"Uhmmm...pang 2nd day mo na today". sagot ni Lia.
Second day?. Tapos 'di man lang niya 'ko naisipang bisitahin?.
"I want to see Andrei". agad na nasabi ko.
"What for?". kunot-noong tanong ni Lia sa'kin.
"T-to thank him, maybe. D-dahil sa pagdadala niya sa'kin dito sa hospital". i answered.
Unsure ako kung bakit ko nga ba siya gustong makita. Parang meron kasing kulang ngayon nagising na 'ko.
Was i expecting na siya ang una kong makita sa pag mulat ng mga mata ko?.
I don't know.
Basta all i know is i have to see him, to make sure he's okay.
"Sige, pagkalabas mo sasamahan ka namin". sabi ni Lia sa'kin.
--------------------------------
[ Andrei ]
"We have to do something about this mess you've made". sabi ni Daddy sa akin habang nasa dinning area kami at kumakain ng dinner.
"Kung kinakailangan magpa Press Conference tayo at sabihin na you are romantically involved with the Senator's daughter, gawin natin. Just to clear up our family name".Napahinto ako sa pagkain at tumingin kila Mommy at Jeannie, na ngayon ay nagpapalipat lipat na naman ng tingin sa aming dalawa ni Daddy. Ramdam din siguro nila ang tensyon.
"Isn't that a little too much Calyxto?". tanong ni Mommy sa kanya. "Hindi ba dapat hayaan na lang natin. Because eventually, mamamatay din naman ang issue na 'to".
"No Patrice!. Pangalan at dangal ng pamilya natin ang nakasalalay dito". pagalit na sagot ni Daddy. "I will not let this bastard son of yours na dungisan ang family name natin sa society by dragging us all down!".
Napasinghap ako ng bahagya at umismid.
"And the mere fact na nangdamay pa siya ng isang poor, innocent girl kagaya ni Breeyana. 'Yon ang too much!". dagdag pa niya.
Ganyan si Daddy. All he cares about is our family name, at ang business niyang minana pa niya kay lolo.
Kaya hindi na nakakapagtakang gagawa siya ng paraan para lang hindi maisaalang-alang ang family and business name namin dahil sa issues ko.
Huminto ako sa pag kain at nagsalita.
"Anong aaminin at lilinisin ko sa kanila kung wala namang dapat aminin diba?".
Inalis ko ang table napkin na nasa hita ko at itinapon sa lamesa.
"Nawalan na 'ko ng ganang kumain. Excuse me".
Aktong patayo na ako at aalis ng pigilan ako ni Daddy.
"You are not leaving this table unless you finish your food!. Wag kang bastos!". pasigaw at galit na utos niya sa akin.
"Hindi ako bastos Dad. Hindi ko lang kaya na ipagpapalit ninyo ang totoo sa kasinungalingan para lang mapagtakpan kung anuman ang nagawa ko". mariing punto ko. "And in case you don't know Dad, i'm already a grown up. Kaya you don't have to tell me what to do and what not to".
Then i walked out before my Dad could say another word.
-------+++-------
Author's Note:
Hi guys!
So napansin ko pong medyo napapahaba ko ang kada chapters na nairevise ko na, which is a good sign dahil ibig sabihin niyan hindi po ako kinakapos ng ideas ngayon. Hehe ;)
Ang catch lang po dito, mauusog po yung laman nung ibang chapters. Meaning, kung noong una ay nakita niyo yung ganitong eksena churva sa Chapter VI, malamang po ngayon ay makita niyo na siya sa Chapter VII and so on.
Ayun lang po for now. And thanks po ulit sa mga silent readers and sa mga bagong readers ko na nilagay pa po talaga sa kanilang Reading Lists ang FT. Salamat po sa inyo :)
Don't forget to READ.COMMENT.VOTE (^_^)v
- Kitten
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...