[ Andrei ]
"Hoy Andrei!, kanina ka pang tingin nang tingin sa watch mo ah..." sigaw ni Zeek sa tenga ko.
Maingay kasi sa bar na pinuntahan naming magkakaibigan.
Naisipan kasi ni Zeek na mag-celebrate nang kaniyang birthday sa labas, na originally kasi'y dapat sa kanilang Villa namin gaganapin with just a few friends, mga close relatives at syempre hindi mawawala ang barkada (maliban kay Timmy na busy as usual sa pag-aaral).
Kaya't para "maiba" naman daw ang birthday ni Zeek ngayong taon ay ipinasara niya ang bar na ito exclusively para lamang sa aming mga malalapit sa buhay niya.Pero alam ko namang ang tunay niyang motibo at para mag-yabang lang, makapang-chicks at masabing mas gwapo at mas malakas ang appeal niya kaysa sa akin. Kilalang-kilala ko si Ezekiel, sa hinaba-haba ba naman naming naging frienemies ay halos kabisado ko na ang pag-uugali niya at ang madalas na pagsi-self proclaim na mas magaling siya sa'kin.
Pasikat nga kasi ang loko at ayaw na nauungusan ko. Kaya't biglaang nagpa-private party nang ganito ka-engrande at kakaiba.
"May ibang lakad ka ba bro?". dugtong na tanong pa niya sa akin habang nakangising sumasayaw-sayaw pa kasabay nang tugtog na umaalingawngaw sa paligid.
Hindi na lang ako sumagot at nginitian na lang siya sabay inom sa aking baso. Para hindi naman obvious na kanina pa akong kating-kati na umuwi.
Sa totoo lang kasi, kanina pa 'kong worried kay Breeyana.
Iniwan ko kasi siya sa bahay na walang ibang kasama.At bilang alam ko kung gaano siyang ka-clumsy at 'di marunong sa mga gawaing bahay, kaya't mas lalo akong nag-aalala kahit pa anong pilit kong magpakasaya.
Eh kun'di nga lang ba dahil sa rules na sinusunod nami'y baka isinama ko na siya sa party na 'to. Para atleast naman hindi gaanong ka-boring ang buhay ko dito at para naman makalabas din siya sa apart na sulok nang malaking bahay na 'yon.
Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako sa alaalang sumisingit sa aking isip at unti-unting parang humihina ang ingay sa paligid ko, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang pag tawa ni Breeyana.
[ A few hours earlier ]
Tahimik kaming nakaupo sa living room nang aming bahay at parehong nakatingin sa kulay royal blue na envelope sa lamesitang nasa pagitan namin.
Ngunit pagkaraan nang ilang minuto'y narinig ko ang mahinang pag-ehem ni Breeyana, dahilan upang mabasag ang namamayani sa aming katahimikan.
"Pupunta ka ba?". tanong agad niya habang naka-cross legs sa one-seater coach na katapat ko't suot parin ang kaniyang baby pink na pajama at parang batang yakap si Muy-moy sa kaniyang mga bisig.
"Hindi ko pa alam eh". matipid kong sagot at kinuha ang sobre mula sa lamesita, and subconsciously ay tinapik-tapik iyon nang aking mga daliri habang malalim na nag-iisip.
"Eh kung pumunta ka na kaya!. Diba birthday 'yon nang bestfriend mo?. So dapat ando'n ka". pangungumbinsi ni Breeyana.
"I don't know. Wala naman kasi akong gagawin do'n eh". walang kalatuy-latoy kong sagot.
"Si dito sa bahay may gagawin ka?". bahagyang kunot-noo at parang nang-aasar na tanong naman niya sa'kin.
Come to think of it...oo nga naman. Wala nga pala kaming ibang ginawa sa bahay na 'to kun'di ang magluto at gawin ang mga daily tasks namin. Bukod do'n, parang wala na namang ibang happenings sa buhay namin (ko, in particular) simula nang ma-trap kami sa bahay na 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/23196940-288-k308517.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...