Book 2 - TEASER -

432 15 9
                                    

FOREVER YOURS
(Forever-Together Book 2)

Limang taon na ang lumipas, pero bakit ang hirap hirap paring kalimutan ka?. Kahit saan ako lumingon, kahit anong gawin ko...ikaw parin. Ikaw lang.

Tumingin siya sa kawalan, sa labas ng simbahang iyon kung sa'n kasalukuyang nagsasaya ang lahat at ipinagdiriwang ang pag-iisang dibdib ng kalalabas lamang na bagong kasal.

Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ni Andrei sabay ng pagpigil sa kaniyang mga luhang nagbabadiya na namang pumatak. Nai-imagine niya kasing sila ang ikinasal...siya at si Breeyana. Ang babaeng ilang taon man ang lumipas ay sigurado siyang hinding-hindi mapapalitan sa kaniyang pusong umaasa paring may babalik pa. Ang puso niyang hanggang sa ngayo'y durog na durog parin dulot ng pagkawalan nito sa kaniyang buhay,  at sa palagay niya nga'y 'di na kailanman mabubuo pa.

Muli niyang ipinikit ang mga mata't sinubukan ulit kung may magandang inspirasyon bang papasok sa kaniyang isip na mag aalis ng nararamdaman niyang kalungkutan. Susubukan niyang ituloy ang ipinipinta, ngunit wala. Wala na siyang ibang maisip kun'di ang huling imahe na naaalala niya kay Breeyana. Ang mga huling sandali nilang magkasama at ang mga ngiti nito.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo't tumayo na lamang mula sa kaniyang kinauupuan ilang dipa lamang ang layo mula sa simbahan. Siguro'y masyado na naman niyang pinipilit ang sariling maging preoccupied kaya't nagkakaganito siya.

Unti-unti siyang nagligpit ng gamit, magmula sa mga paints and brushes at ipinasok sa kaniyang may kalakihang bag na 'di na niya inabala pang isarado ang zipper dahil nagmamadali na siya't ayaw na niyang makita pa ang mga taong iyon sa labas ng simbahan. Isa pa'y nasa malapit na parking lot lamang naman ang kaniyang kotse, kaya't mabilis din siyang makakaalis sa lugar na ito.

Binuhat niyang muli ang halos nangalahati ng canvas at paalis na sana ng biglang may makasagi sa kaniyang kung sinuman, na para bang nagmamadali siguro't kaya hindi siya nakita.

"Sorry".
"I'm sorry".

Narinig niyang nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit kaya't hindi na siya tumingin pa sa nakasagi sa kaniya't pinulot ang mga ito ng isa-isa.

Akmang pupulutin niya ang nahulog din niyang paint brush ng may isang kamay na tumulong sa kaniya't kinuha na iyon. Napansin ni Andrei ang suot nitong kulay pulang sapatos na mas lalong nagpatingkad sa kaputian ng babaeng tumulong sa kaniya.

"I'm sorry talaga. Nagmamadali lang kasi ako". anito na iniabot pa sa kaniya ang paint brush.

Magpapasalamat na sana siya sa babaeng kaharap, ngunit natigilan siya ng makita ang mukha nito.

Nananaginip lang ba siya?. Pinaglalaruan na naman ba siya ng isip niya?. Sunud-sunod ang mga tanong ni Andrei sa kaniyang isipan, habang hindi parin makapaniwala sa kaharap.

Kumurap-kurap pa siya upang masigurado na sa pagkakataong 'to ang kaniyang nakikita. Dahil alam niya sa sariling hindi siya pwedeng magkamali. Na hindi siya namamalik-mata lamang dahil hindi maaring nagkakamali ang mga mata niya ngayon,  lalo na ang kaniyang puso na nagdidiktang ito na nga ang hinihintay niya ng ilang taon na. Na bumalik na itong muli upang buuin ang puso niyang unti-unti ng nawawalan ng pag-asa. Ang babaeng ito na kaharap niyang kahit ilang taon man ang lumipas ay kilala parin ng kaniyang puso.

"S-sorry ulit ha. Heto, yung paint brush mo".

Wala sa sariling kinuha niya ang paint brush habang 'di parin inaalis ang pagkakatitig sa kaharap.

"Sorry ulit. Pasensya na".

Hindi pa man siya nakakasagot ay nagmamadali na itong umalis at lumapit sa mga taong nagkakasiyahan parin sa labas ng simbahan.

❤❤❤❤❤

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon