34. Huli ka! (Part 2) (SPECIAL CHAPTER)

511 34 1
                                    

[ Rina ]

"O 'yung mga magsi-CR d'yan, mag-CR na oh".

Nagising ako sa malakas at buong boses ni Zeek na driver namin mula pa noong isang araw nang magpunta kami dito sa kung saan bahagi man ito nang Bulacan para sa private pool party na ginanap sa rest house nang family niya.

"Asa'n na tayo?". lumilinga-linga ang tingin sa paligid na tanong naman ni Lia sa aming mga kasama.

Nagsilabas sila nang sasakyan habang ako naman ay pupungas-pungas pa nang mata't naghihikab na nilibot din ang paningin.

Huminto pala kami sa isang malaking gas station na may katabing mini grocery.
Siguro'y magpapa-gas nang kaniyang kotse si Zeek kaya napa-stop over kami dito.

Bumaba na din ako sa sasakyan at ang matapang na anoy nang gasolina ang unang sumalubong sa akin.

Humawak ako sa braso ni Lia at sinuklian naman niya ako nang ngiti.

"Nagugutom ako". naka-pout pang pagkakasabi ko na mukhang narinig nilang lahat.

"Kami din eh". sabay-sabay nilang sagot sa'kin.

"Tara, bili muna tayo nang makakain".

Pag-aaya ni Timmy sa'min na 'di ko naman tinanggihan at kaagad akong kumapit sa kaniya na at iniwan si Lia.

"Gusto ko nang ice cream". saad ko habang nagpapa-cute pa na parang bata.

"A-ahh...ehh..."

Kakamot-kamot nang ulo't halata ang pamumula nang mukha ni Timmy. At kahit hindi siya tumitingin sa direksyon ko, halata ko namang nahihiya siya sa'kin.

Ang cute lang kasi talaga ni Timmy dahil sobrang mahiyain. Kaya nga mas lalo ko siyang nagiging crush eh, kasi kaiba siya sa kanilang magkakaibigan. Gentleman siya, mabait, matalino at higit sa lahat...gwapo. Hindi nga lang kasing gwapo ni Fafa Andrei na ultimate crush ko talaga, pero 'yaan na nga!. Kay Yana na siya eh.

Pumasok na kami sa mini grocery at nag kaniya-kaniyang hanap nang makakain, maliba sa'kin syempre na nakakapit parin at hindi nilulubayan si Timmy na ewan kung bakit 'di naman nagagalit sa ginagawa ko.

Marunong nga kayang magalit ang lalakeng 'to?. tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang namumula parin niyang mukha.

Normally kasi sa mga lalake, kapag kinukulit o kinakapitan nang babaeng 'di naman nila girlfriend eh nagagalit, itinutulak o nasiaigawan nila 'yung babaeng dumidikit sa kanila. Not unless gusto din nila yung nangyayari o yung babae.

"Gusto mo ba 'ko?".

Wala sa isip na biglang dumulas ang mga salitang 'yon sa dila ko na naging dahilan para ikagulat ni Timmy at makagat ko ang aking pang ibabang labi.

"H-huh?".

Kunot ang noo ngunit kitang-kita naman sa mukha niya ang pamumula kahit may nakaharang na malaking salamin sa mata ang kaniyang mukha.

Magpapaliwanag sana ako sa kaniya tungkol sa ibig kong sabihin do'n sa nasabi ko. Ngunit natigilan ako't napadako ang tingin sa isang pamilyar na pigurang aking nakita sa 'di kalayuan mula sa likuran ni Timmy.

Napakunot-noo pa siyang lalo sa akin at nagtatakang sinundan kung saan ako nakatingin.

"S-si Yana ba 'yon?". wala sa sariling bulalas ko sabay turo sa taong tinutukoy.

Nilingon din naman ni Timmy ang kaniyang likuran para siguro makilatis kung tama nga ang tinuran ko.

"Eh diba nasa abroad siya ngayon?". aniya na may pagtataka.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon