Pabalik-balik lang na naglalakad si Calyxto sa pasilyong 'yon sa ospital at hindi siya mapakali. Pa'no'y nasa Emergency Room ang kaniyang anak na si Andrei at kasalukuyang ginagamot ng mga doktor, dahil malala ang tinamo nitong mga sugat mula sa pagkaka aksidente nito ilang oras pa lamang ang nakakalipas.
Kinakabahan siya't kung anu-anong pumapasok sa isipan, na kahit pilit niyang kalmahin ang sarili'y 'di niya magawa lalo pa't alam niyang nasa binggit ng kamatayan ang kaniyang panganay na anak at tagapag-mana.
What if mawala nga si Andrei?. What if totoo nga ang nasa hula?. What if simula pa lang noon ay mali na pala talaga ang ginawa niyang pagtatakip sa sarili niyang mga kamalian at sa katotohanang dapat sana'y matagal na nilang nalaman?.
Ang katotohanang naging dahilan ng pagkaka aksidente ngayon ng anak niya at ang katotohanang matagal niyang itinago para lang hindi masira ang kaniyang pamilya, ngunit ngayo'y mukhang magiging mitsa pa ng mas malaking gulo 'di lamang sa sarili nilang pamilya kun'di pati na rin sa pamilyang Marquee.
Kasalanan kong lahat 'to!. Kung sana'y hindi ko na lang binago ang tadhana. paninisi niya sa kaniyang sarili. Kung hinayaan ko na lang malaman nila ang totoo.
Nangilid ang kaniyang mga luha nang bumalik ang lahat ng alaala at ang buong pangyayari ng mga panahong pilit niyang ikinubli sa lahat ang kaniyang mga pagkakamali't kataksilan sa sariling asawa.
*Fifteen years ago*
"Magkano bang kailangan mo?". walang pag-aatubiling tanong niya sa manghuhulang si Carissa. "Isang milyon?. Dalawa?. Tatlo??".
"Hindi ho mababayaran ng salapi ninyo ang mga nakasulat sa baraha at sa mga bituin". matapang na sagot sa kaniya nito ngunit 'di siya nagpatalo.
"Ano bang kailangan mo...bahay?. Kotse?". nagmamadali siyang kinuha ang tseke sa bulsa ng kaniyang kulay abuhing suit. "Name it Carissa at ibibigay ko sa'yo kapalit ng pananahimik mo!".
"Hindi ko ho kailangan ng pera ninyo Mr. Peterson. Ang kailangan ko ho ay ang tahimik na buhay kasama ang pamilya ko. Isang bagay na alam kong mawawala sa inyo sa oras na dumating na ang nakasulat sa mga baraha ko".
Doon na marahil nagpantig ang kaniyang tenga, kaya't napigtas niya ang kanina pang niluluwagan na necktie sa kaniyang leeg.
"Damn it, Carissa!. Simple lang naman ang hinihingi ko sa'yo hindi ba!?...ang pananahimik mo sa nalalaman mong tungkol sa pangalawa kong pamilya. At kapalit no'n babayaran pa kita!".
"Pasensiya na po kayo Mr. Peterson, pero hindi ho lahat ng tao ay madadaan ninyo sa pera niyo". pagmamatigas paring sagot ni Carissa. "Ang kapalaran ng dalawang bata ang magdidikta sa kanila at maglalapit ng kusa, at wala ho tayong magagawa sa itinakdang mangyari".
Matapos no'n ay naglakad ng palayo si Carissa, habang siya'y naiwan sa bodegang 'yon na nagpupuyos at kulang na lang ay gutayin ang babaeng manghuhula dahil sa galit.
Kung ikaw na manghuhula ka, walang magagawa...pwes ako meron!. aniya sa kaniyang isip. Tingnan lang natin kung mahulaan mo ang mga susunod kong gagawin.
*End of flashback*
"Calyxto?. Calyxto!".
Bahagya siyang napakurap ng mapagtanto na kanina pa pala siyang nakatulala sa kawalan dahil sa pag alala sa isang bahagi na iyon sa kanilang mga buhay, na kun'di pa siya tinawag ng asawa niya'y 'di mapupukaw ang kaniyang atensyon sa pagsariwa ng kaniyang madilim na nakaraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/23196940-288-k308517.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...