42. Party Crashers

451 31 2
                                    

[ Andrei ]

"What are you guys doing here!?". naririnig kong sigaw ni Zeek mula sa entrance nang bar sa kabila nang malakas na background music.

"Sir gusto lang po sana naming magka-scoop about sa party ninyo". sagot naman nang isa mga showbiz reporters na kanina pa palang nag-aabang at nakikipagtalo sa mga security guards sa labas ng bar.

"Private party nga 'to diba?. Hindi ba kayo nakakaintindi nang salitang privacy?". pa-sarcastic na sagot naman ni Zeek.

'Di na 'ko nakatiis at unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan nang kaguluhan para sana tulungan si Zeek na mai-ayos ang lahat dahil nagsisimula nang maalerto at umusiyoso ang ibang mga tao sa party.

And maybe it was a wrong move, dahil parang imbes na maging maayos ay parang lalo pa atang na-encouragement ang media para magpilit pumasok sa loob.

"Si Andrei oh!..."

Narinig ko na lang na sigaw nang isa sa mga reporters na pilit paring isinisiksik ang kanilang sarili sa kabila nang mahigpit na security na pumipigil sa kanila.

Mukhang naalarma naman si Zeek at awtomatikong napalingon sa'kin at sumenyas pa na bumalik na lang ako sa loob.
Alam niya kasing mas pagmumulan nang gulo kapag nalaman nang mga ito na andito ako sa party niya. He knows too well that everywhere i go, the media always follows.

But it was too late, dahil sa hindi ko maisip na dahilan ay may iilang reporters na nakalusot at kaagad akong kinuyog. And as expected ay pinaulanan ako kaagad nang samu't-saring katanungan.

"Andrei how are you spending your summer?..."

"Andrei sino'ng kasama mo sa party ngayon?..."

Halos masilaw na ako sa sunud-sunod na flash nang mga cameras nila at parang hindi nag si-sink in sa'kin ang bawat tanong na naririnig ko.
Pa'no'y inaalala ko parin si Breeyana hanggang ngayon. Kung maayos ba siya sa bahay at kung wala bang nangyari sa kaniyang masama habang wala ako sa tabi niya.

Pilit kong iniwas ang tingin sa lahat nang mga nagtatanong, at naghanap nang daan para makaalis sa gitna nang nagkukumpulang press people na pilit hinihingi ang mga sagot ko.

"Andrei almost one month kang 'di nagpakita sa media. Nagtago ka ba?..."

"...tell us, dahil ba 'yan sa cancellation nang kasal ninyo ni Breeyana Marquee?..."

Para namang nagpantig ang tenga ko sa magkasunurang tanong na ipinukol sa akin. Why do they have to include Breeyana's name and bring that supposed "wedding" up.

Lumingon ako sa gawi nang mga nag tanong at aktong sasagot na sana nang pigilan ako ni Howie at hilahin palayo sa mga ito, kasunod nang mabilis na pagharang nang apat na maskuladong bouncers nang bar at nina Zeek at Topher.

"Bro, i think you should go". bulong niya sa'kin at nagmamadaling hinila ako papunta sa fire exit door. "Mukhang hindi na maganda 'tong mga nangyayari eh".

"Yeah. I think so too". kalmadong sagot ko naman habang saglit na nilingon ang kaguluhan sa loob bago tuluyan lumabas nang bar.

"Pambihira!...naka-private na nga para sa ibang tao 'tong party, pero may mga nakalusot parin!". iiling-iling namang saad niya.

"Do you think may nag-tip sa kanila ng event na 'to?". tanong ko naman.

"Yan ang aalamin namin". sagot naman ni Howie. "But for now, pumunta na muna tayo sa parking lot-..."

"No. Kaya ko na bro. Mas kailangan ka nila do'n sa loob". mabilis na sagot ko naman na alam Kong naunawaan ni Howie ang ibig sabihin.

"Sige brod. Basta kung may trouble pa sa dadaanan mo ha, sabihan mo lang kami". aniya at mabilis na pumasok sa loob nang bar matapos tapikin nang bahagya ang balikat ko.

Ilang segundo pa ang lumipas at maingat kong nilakad ang madilim na fire exit, without making any sound na alam kong makakatawag pansin sa mga nasa loob.
Dahan-dahan hanggang sa marating ko ang open parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan.

Mabuti na din lang at naisipan kong patayin ang alarm nang kotse ko kanina, kaya't mabilis akong nakapasok sa loob nito at nag-drive palabas nang bar na iyon.

So much for being the trouble maker, Andrei!. bulong nang aking isip.

---------------------------

[ Yana ]

Kanina pa 'kong hindi mapakali. Panay ang lakad ko sa loob nang aking kwarto habang paroo't parito na naglalakad at hawak ang cellphone ko.

Tawagan ko na kaya?. bulong nang isang parte nang aking isip.

'Wag Yana!. Baka kung ano pa isipin niya. sabi naman nang kabilang panig nito.

Pero kanina pa siyang wala eh. Baka napa'no na 'yon!.

Ano ka ba naman Yana!. Malaki na 'yon at malamang sa mga oras na 'to eh nasa party at nag e-enjoy. 'Wag ka ngang OA!.

Panay parin ang pagtatalo nang aking isip kung dapat ba o hindi na tawagan at kumustahin ko si Andrei na sa kasalukuyan ay nasa party ni Zeek.

Pinapasama ka na kasi kanina, aayaw-ayaw ka pa!. Tapos ngayon...

Sa sobrang frustration dahil sa kakaisip ay nasabunutan ko ang sarili at nagpapadyak sa sahig.

Nakakainis!...

Nakakainis!...

Nakakainis!...

Bulong ko sa aking sarili habang pumapadyak parin sa galit hanggang sa mapagod ako't mapaupo na lang sa gilid nang aking kama. Pilit pinapahinahon ang sarili.

Eh bakit ba affected ka sa kaniya ha?. Bakit ka ba masyadong nagpapaka-frustrated?. naitanong kong bigla sa aking sarili nang kumalma na ako nang kaunti.

Oo nga, bakit nga ba lately ay parang nagiging masyado na akong attached kay Andrei at para bang kulang na ang araw ko na hindi ko siya nakikita?. Tapos ngayon naiirita pa 'ko dahil ni isang text wala man lang galing sa kaniya.

Ano bang nangyayari sa'yo Yana?. In love ka na ba sa kaniya?.

Hindi!. Impossible 'yan!. Tandaan mo Breeyana, malaki ang atraso niya sa'yo. He broke your heart...remember?.

At nagsimulang bumalik sa'kin ang mapait na nakaraan. Mga alaalang kamuntikan ko nang makalimutan dahil sa kabaitang pinapakita ni Andrei ngayon sa'kin.

Hindi ko dapat kalimutan 'yon. Hindi dapat!. bulong ko sa sarili at humugot nang isang malalim na buntong hininga.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan nang aking veranda. Pumasok ang napaka-lamig na hangin kaya't dali-dali kong sinuot ang kulay peach kong robe at nag tungo sa labas nang veranda para magpahangin.
Half hoping na liparin na lang sana nito ang anumang namumuong damdamin ko, kung meron man, para kay Andrei. Dahil alam kong kailanman ay hindi ko na siya dapat mahalin pa at pagkatiwalaan.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon