56. Hurting

233 7 0
                                    

[ Andrei ]

Isang oras-mahigit na ata kaming nakaupo sa taxi na 'yon at siguro'y dahil na-bored na din si Timmy sa kakabyahe namin na walang patutunguhan kaya't nilingon niya na 'ko mula sa kinauupuan niya sa passenger seat.

"Drei question lang ha, gusto mo ba munang kumain ng kahit midnight snack man lang?. Kanina pa kasi tayong paikot-ikot dito sa daan and it's almost past midnight na ngayon eh".

"Hindi. Wala akong ga-..."

Ngunit 'di ko pa natatapos ang isasagot ko'y bigla naman akong natigilan at natigagal nang may isang parang pamilyar na mukha akong nakita sa 'di kalayuan mula sa kaliwang bintana kung saan akong kanina pang nakadungaw.

"Andrei okay ka lang ba?". naririnig kong pagtawag sa'kin ni Timmy ngunit 'di ko pinansin 'pagkat nasa bintana parin ng taxi ang aking atensyon.

Sinipat at sinigurado ko kung tama ba ang aking nakikita. Kumurap-kurap pa nga ako ng makailang beses para makumpirma talaga kung tama ba ang nakikita ng aking mga mata't kun'di ba ko nananaginip lang.

Isang dalagang tahimik na nakatayo sa kahabaan ng pila sa isang bus station na nadaanan namin sa kalagitnaan ng traffic. Isang dalagang kahit ilang dipa ang layo sa'ki'y kilalang-kilala ko kahit pa nakatalikod siya't nakapikit man ako. Kilalang-kilala ko siya mula sa buhok niyang lampas na sa balikat, at hanggang sa paraan niya ng pagkakatayo.

Hindi ako maaring magkamali.

Breeyana. awtomatikong bulong ng aking isip at wala sa sariling binuksan ko na ang pintuan ng taxi at bumaba ako, 'di kumukurap o inaalis man lamang ang paningin sa dalaga dahil sa takot na baka mawala ito sa'king paningin.

"A-andrei?". muling sigaw ni Timmy sa'king pangalan ngunit binalewala ko lang 'pagkat ang tanging nararamdaman ko sa ngayon ay pananabik.

Pananabik na mayakap siyang muli at ang masabi sa kaniya ng mas maayos at walang alinlangan na mahal na mahal ko siya't kulang ako kapag wala siya.

"Si Breeyana, Tim...ando'n siya oh!". parang batang excited kong itinuro kay Timmy yung babaeng nakapila sa bus station.

At dahan-dahan akong naglakad palapit sa doon habang sabay na parang lumulukso ang aking puso sa tuwa dahil nakita ko siyang muli, na buhay at maayos. 'Di kagaya ng sinasabi ng ibang tao tungkol sa pagkawala niya, na baka hindi na siya babalik o baka patay na nga siyang talaga. Hindi ako nawalan ng pag-asa't pagtitiwala na magiging maayos din ang lahat, at siguro'y ito na ang pagkakataon na 'yon.

Ilang hakbang na lang. Ilang hakbang mula sa nilalakaran ko patungo sa kaniya, nang biglang may maaninag akong liwanag sa gilid ng aking mga mata at isang malakas na sigaw sa aking pangalan ang narinig ko.

"Andrei!!!".

Narinig ko pang huling sigaw ni Timmy bago ako nawalan ng malay tao, at pagdilat kong muli ng aking mata'y nakahiga na 'ko sa loob ng ospital.

Lumibot ang paningin ko sa kwarto at nakita kong naro'n silang lahat, ang mga magulang at kapatid ko, ang mga kaibigan ko, ultimong ang driver namin at mga maids ay naro'n...pero wala. Siya lang ang wala doon, ang nag-iisang hinahanap ng aking mga mata.

"Where is she?". ang una kong nasambit ng tuluyan na 'kong magbalik sa'king ulirat.

Nakita kong nagkatinginan silang lahat na para bang may kakaiba akong nasabing 'di ayon sa kanila, lalung-lalo na sa'king pamilya.

"A-asa'n si Breeyana?". muli kong tanong ngunit aking ikinagulat ng biglang pumalahaw ng iyak si mommy.

"Andrei, kasi...." mahinahon ang tinig na panimulang paliwanag ni Zeke sa'kin. "...bro, m-matagal ng wala si Yana".

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon