Author's Note/s:
QUESTION:
Naranasan n'yo na bang magka-writer's block syndrome nang sobra pa sa sobra ang tagal, na pagbalik ninyo para gawan nang next chapter yung story n'yo eh 'di n'yo na din masundan?. Kaya kinailangan n'yo pang i-back read lahat-lahat para lang ma-refresh yung memory ninyo?.Yep...true story. ;)
Pero 'eto na po ako ulit. Mag a-update na talaga 'ko, promise na promise. *pinky swear*
At bilang pambawi sa mga atraso ko, mag ispeysyal chapter tayo na medyo mahaba-haba ha. Maiba lang ;).
Enjoy and happy reading. At happy 7k plus reads and 600 plus votes na din. Keep on supporting mga ka-FT and LizQuenatics ;)
- Author
------------------------------
"Sir, may dumating nga po palang urgent na sulat para sa inyo".
Kaagad na salubong nang sekretarya ni Romeo nang dumating siya sa kaniyang opisina nang umagang iyon.
"Kanino galing Ella?". tanong naman niya dito habang inaayos ang pagkakaupo sa kaniyang black leather office chair.
"I'm not sure po sir eh. Basta po kanina nung dumating si Mang Bok, ibinigay lang po sa akin lahat nang delivered mail tapos pina-co signature na lang po sa akin 'yang confidential at urgent na letter daw po". paliwanag naman nito sa kaniya habang siya tango na lamang ang naisagot dito.
"I see. Okay na Ella, you may leave now". at iminuwestra niya sa magandang sekretarya na iwan na siya sa loob nang kaniyang opisina.
Agad naman itong tumalima at tinungo na ang pintuan nang kaniyang opisina.
"And Ella...please bring me a cup of coffee. Black. No sugar, no cream". pahabol niyang utos dito na tinugon nito nang isang ngiti at pagtango.
Pagkalabas nang kaniyang sekretarya'y kaagad niyang inisa-isang basahin ang mga papeles na inilapag ni Ella sa desk niya.
Ang iba'y mula sa senado. Ang iba'y mga invitations sa kung saan-saang mga political gatherings. Wala namang bago sa mga iyon, the usual kung baga na mga natatanggap niyang sulat sa araw-araw na pagpasok niya sa kaniyang opisina.
Maliban sa isa.
Napadako ang kaniyang tingin sa isang pulang may kalakihang sobre na nakapatong din sa kaniyang lamesa.
Ito siguro yung sinsabi ni Ella na urgent letter. bulong niya sa sarili. Pero kanino naman kaya ito galing?.
Kinuha niya iyon at masusing ininspeksyon kung may pangalan bang naka-address dito, ngunit wala siyang makita. Sa lahat nang sulat na naroon nang pagkakataong iyon, ito lamang ang tanging walang pangalan kung kanino nanggaling. At isang malaking Handle with care lamang ang nakasulat kahit pa nga mukha namang walang dapat pag ingatan sa loob niyon.
Kunot-noo at may pagtatakang marahan niyang binuksan ang malaking sobre. Dahan-dahang kinapa ang nasa loob nito, at nang masiguradong wala namang kung anung ibang laman maliban sa parang mga matitigas na papel sa loob nito'y isa-isa na niyang marahan itong inilabas.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
Fiksi PenggemarGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...