4. Utility Closet

975 46 2
                                    

[ Yana ]

"Ako!?. Bakit ako??!."

Medyo nag hahabol pa 'ko ng hininga dahil sa haba ng tinakbo namin.

I still can't believe i did this. Ang mag tatakbo na parang tanga kasama ang sira ulong lalakeng 'to!.

*A few minutes ago*

Medyo late na 'kong umuwi para makaiwas sa mga reporters na gustong kunin ang statement ko regarding my "scandal" with Andrei Peterson.

Pero ang bad news dito, hindi parin umaalis yung mga reporters na nasa labas. Ang good news lang dito, buti na lang hindi pa nakakarating sa board ng school at sa parents ko ang balita.

Palabas pa lang sana ako nang makita kong nagkakagulo sa entrance ng school namin.

"Ser, bawal ho talaga kayong pumasok. NO I.D., NO ENTRY policy ho kami dito eh". narinig kong pinapaliwanag ni manong guard dun sa kausap n'ya.

"Don't you know who i am ha!?. O baka gusto mong matanggal sa trabaho mo?". pagmamayabang nung kausap ni manong.

"Naku ser, wag naman ho". sagot ni manong. "Sumusunod lang naman ho ako sa patakaran ng eskwelahan eh".

"Is that Andrei??".

"Oh my gosh! baka susunduin yung girlfriend n'ya dito".

"Tara lapit tayo!".

Narinig ko na lang na usap-usapan ng isang grupo ng mga freshmans sa di kalayuan sa'kin. Bigla silang nagtilian at nagtatakbo papunta sa gate ng school.

At mukhang narinig ng iba pang girls, kaya nagtakbuhan din sila palapit kay Andrei.

So technically, naharangan yung gate kaya hindi ako makalabas.

How inconvenient!.

Ano naman kayang ginagawa niya dito?. Don't tell me, may bago na naman s'yang girlfriend na taga dito!?. sa isip isip ko. O baka naman.....

"HEY YOU!!!!..."

Mukhang nakita ata n'ya ko.

Sa dami ng mga babaeng nakapalibot sa kanya, nagawa parin niya 'kong makita?. Ang linaw ng eyesight. 20/20 vision ata.

Maka-"Hey You" naman, parang close kami?.

" YOU-....STUPID BITCH!!!!..." sabay turo sa'kin sa kabila ng pinagsisiksikan na s'ya ng mga babaeng gustong gusto na makahalik o kahit maamoy man lang si'ya.

Nanlaki ang nga mata ko. Kitang kita kong galit na galit siya sa'kin.

What did i even do wrong to him!?.

Sa sobrang taranta at takot ko na baka mag simula siya ng eskandalo sa school ay napatalikod akong bigla. Sabay lakad ng mabilis, para hindi na lang n'ya ako maabutan.

"HEY!!!! DON'T YOU DARE WALK OUT ON ME LIKE THAT!!!!..." sigaw n'ya habang nagkakagulo parin yung mga girls sa paligid n'ya.

Napalingon ako at kitang kita ko pang pinipilit niyang itulak palayo yung mga babaeng nagtitilian at patay na patay sa kanya. Para lang makalapit sa'kin.

Buwis buhay!??. Edi wow!.

"Ser, bawal ho talaga kayo dito. Ser-..." sigaw ni manong guard.

And then it happend.

"Ser, bumaba ho kayo d'yan. Ser mapapagalitan ho ako pag-...."

Kitang kita ko ng akyatin ni Andrei ang mataas na fence ng school namin habang pinipigilan at pinapakiusapan s'ya ni manong guard na bumaba ng doon. Pero knowing Andrei, he does what he wants.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon