Author's Note/s:
At nagbabalik na po akong muli after kong mag-inactive nang halos 5mons. (ata).
Sorry po at medyo naging busy si ateng author ninyo. Alam niyo namang may sarili din tayong mundo bukod sa mundo natin dito sa Wattpad. ;)
I hope you guys do understand. At sana patuloy niyo paring suportahan ang kwentong 'to at ang iba ko pang mga isusulat.
Keep on supporting F.T. and always be happy reading ;) <3
- Author
-------------------------
[ Zeek ]
"Party's over...I'm really sorry guys". paghingi ko nang tawad sa mga guests na dumalo at nakita pa ang gulong dala nang mga mga walang modong taong pumasok nang walang pahintulot sa loob nang bar na pinagdarausan nang supposed private party ko.
At halos may isang oras din ata naming sinubukang i-control ang kaguluhan sa loob niyon, na parang 'di rin naman naging pribado dahil sa pag-gate crash nga nang mga walang modong press people na ginulo lang din naman iyon.
So much for being private, right!?.
Mabuti na lang nga talaga at umalis na si Andrei. Na hindi naman sa ayaw kong nandito siya, dahil magkaibigan naman talaga kasi kami. Well...sort of.
Frankly speaking, we're more or less frenemies but i still treat him almost like a brother.
Kaya lang kasi sa aming magkakabarkada, talagang he's always the trouble-maker. Yung palaging sinusundan nang gulo kahit saan man siya magpunta at palaging napaka-publicized ang bawat kilos niya, which i know he actually enjoys dahil do'n niya mas lalong napapatunayan ang bad boy image na ipinapakita niya sa lahat.
'Yon nga rin siguro ang dahilan kung bakit lapitin din siya nang mga girls, habang ilag naman sa kaniya (or intimidated) ang karamihan sa mga lalakeng kilala namin.
And i don't blame them dahil gwapo naman talaga si Andrei, lamang nga lang ako nang ilang paligo, pero atleast he has the looks. Bukod do'n eh mayaman pa't lumaki sa isang prominenteng pamilya. Both jewelers to be exact. And you know what they say, "Diamonds are a girl's best friend". Kaya nga siguro madaming humahabol sa kanya, mostly because he's filthy rich.
Kung tutuusin nga, Andrei has everything God can offer. That's why sometimes i feel a little pang of jealousy towards him.
Pero ewan ko ba't parang hindi niya ata nare-realize 'yon o baka talagang wala lang siyang pake-alam sa mundong ginagalawan niya?.He's rich, blessed, and loved by a lot of people. Kahit yung babaeng alam kong alam niya na sa simula pa lang ay gustung-gusto ko na. Yung naging dahilan kung bakit ako nakipagkaibigan at dumikit kay Andrei simula pagkabata namin kahit pa alam kong kinatatakutan siya nang lahat. Ang babaeng matagal ko nang gusto, pero si Andrei naman ang tipo.
I know it may sound like i've used our friendship para mapalapit sa babaeng matagal ko nang minamahal, but heck i don't regret it!. And i don't regret being friends with that notorious bad boy either.
Because as i said, Andrei is like a brother to me. He always got my back and vice versa.
In fact, Andrei helped me change from being a nerd to a cassanova. A womanizer. A cerified babaero like him. Sa pag-aakalang 'yon ang nagustuhan nang secret love ko kay Andrei.
"Zeek, ano nang plano natin?".
"Ipapa-investigate na ba natin kung sino ang nag-leak na may party tayo dito?".
Napatigil ako sa pag-iisip at bumalik sa realidad nang magkasunod na tanong sa'kin sina Howie at Topher na hanggang ngayon ay sinisilip parin kung nakaalis na ba ang lahat nang bisita kanina.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...