52. The Revelation (Part 2) (SPECIAL CHAPTER)

209 8 1
                                    

Author's Note/s:

And we are down to our last few chapters. Kapit lang kayo dahil madami pang mangyayaring nakaka-intriga sa nalalapit na pagtatapos ng Book 1.

SPOILER ALERT!!!...
Kailangan ninyong mabasa ang mga huling chapters dahil nandito yung totoong twist sa lahat ng twists sa kwentong ito. ;)

Enjoy reading guys and keep on supporting FT's finale. ❤

P.S. ang mga susunod pong chapters karamihan ay Third person POV na, kaya't asahan niyo pong author's narration na sila. ;)

-----------------------

* Fifteen years ago *

"Carissa Santiago?.".
"Sumama ka sa'min".

Isang gabing pauwi na sana nang kanilang bahay si Carissa mula sa pagbili ng gamot sa botika para sa kaniyang itay at sa anak niyang malubha ang karamdaman, ay hinarang siya sa kaniyang daraanan ng ilang 'di kilalang armadong lalake at sapilitan siyang isinama sa kanila.

Piniringan nila siya't isinakay sa isang sasakyan papunta sa kung saang hindi din niya alam.

"M-mga boss...s-sa'n niyo ho ako dadalhin?". kinakabahang pagtatanong niya sa kanila.

Sa totoo lang ay wala naman siyang matandaan na kasalanan niya't kung bakit ba siya ginaganito. At sa pagkakaalam din niya'y wala siyang atraso kanino man, maliban na lang kung...

"S-sir wala naman ho kayong mapapala sa'kin". nasambit na lamang niya ng maisip na baka nga kidnap for ransom ang nangyayaring 'to sa kaniya. "M-mahirap lang ho kami. W-wala pong maitutubos sa'kin ang pamilya ko".

Nagsimula ng umahon ang takot sa kaniyang dibdib dahil baka ito na ang mga huling sandali ng buhay niya. At naisip din niyang baka hindi lang bastang kidnap 'to, baka salvage na o kaya'y chop-chop-in siya at itapon lang sa ilog.

"P-parang away niyo na po. Kailangan pa ho ako ng anak at tatay ko".

"Wag kang mag alala Miss, hindi ka naman namin sasaktan eh". narinig niyang sagot ng isa sa mga armadong lalake. "May nag utos lang sa'min na isama ka, kaya mag relax ka muna d'yan".

Relax?. Paano akong magre-relax kung nakapiring ako't isinakay ng mga 'di ko kilalang lalake papunta sa hindi ko din alam na lugar!?. Dapat ba mag relax parin ako kahit alam kong nasa panganib ang buhay ko!??. gustung-gusto na niyang bulyawan ang mga ito ngunit 'di niya magawa dahil alam niyang hawak nila ang kaniyang buhay. At anuman ang mangyari sa kaniya'y walang ni isa sa pamilya niya ang makakaalam.

Wala nang nagawa si Carissa kun'di ang mapaiyak na lamang at ipagdasal ang kaniyang sariling kaligtasan.

Diyos ko, kayo na po ang bahala sa'kin. Anuman po ang nangyari 'wag niyo sanang pababayaan at lagi ninyong bantayan sina itay at Catherine. Mahal na mahal ko po sila. usal niya habang pinakikiramdaman ang paligid.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon