13. Sunday Lunch

611 49 0
                                    

[ Andrei ]

"Ang sabi ko nga kay Andrei, he's a luck guy. Matalino at mabait na bata kasi itong girlfriend niyang si Breeyana".

Masayang nagkikwentuhan ang parents namin habang kumakain kami sa napakahabang table na nilatagan nang white linens at naka set-up sa gazebo nina Breeyana.

Napag-isipan kasi nilang mas magkakasiya kami sa mahabang party table nilang nasa labas.

I winched a bit everytime mababanggit nila ang salitang girlfriend.

Not even in my wildest dreams have i ever wanted na maging girlfriend ang babaeng katabi ko ngayong parang tangang panay lang ang ngiti sa bawat sinasabi nang parents namin.

"Don't you think Breeyana's lucky too, Emi?. I mean, out of all the girls na hinahabol si Andrei ay kay Breeyana lang din pala siya mapupunta sa bandang huli". nakangiting sabi ni Daddy sa kanilang lahat na para namang totoong proud sa pagiging womanizer ko.

Pakitang tao!. my mind whispered in disgust.

"Alam mo Ate Yana, you and kuya are so bagay talaga". singit naman sa usapan nang kapatid kong si Jeannie na nasa tapat lamang ni Breeyana. "You're both pogi and maganda kasi eh". kinikilig pang dagdag niya.

"Thank you". sagot naman ni Breeyana na ginantihan din nang matamis na ngiti ang kapatid ko.

I must admit, mukhang may potential 'tong si Breeyana sa pag-aartisa. Ang galing lang umarte eh. Pang FAMAS ang acting skills.

"Basta ako, i don't think bagay sila ni Ate". singit naman ni Core, kapatid ni Breeyana.

Napatingin ang lahat sa kaniya at nagulat. Bigla na lang nag iba ang atmosphere dahil sa sinabi nang bata.

"Core..." bulong naman ni Cathy na kakambal niya.

Nakita kong pinamulahan nang mukha si Breeyana sa sinabi nang kapatid at napainom pa ito nang tubig.

"Core, anak...what did i tell you about sa pag sabat sa usapan nang matatanda?". kalmado ngunit halata sa tono nang pananalita ni Tita Emi na nagalit siya sa asal nang anak.

"It's okay Emi, ganiyan talaga ang mga bata sa panahon ngayon. Mga opinionated na". nakangiting salo naman ni Mommy na alam kong pinapakalma lang si Tita Emi.

Matagal na silang mag bestfriends, kaya alam kong alam na ni Mommy kung paano at kailan nagagalit ang kaibigan niya.

"For sure kapag sina Breeyana at Andrei na ang magkaro'n nang anak ay ganiyan na din. Mas matalino na sa mga magulang nila". dagdag pa ni Mommy.

"Kaya nga excited akong makita ang magiging apo ko sa kailang dalawa". masigla at excited na sabi ni Tito Rome.

"Kelan niyo ba kami planong bigyan nang apo Andrei?. Nang may makasama naman kami sa pag go-golf".

Halos mailuwa ko ang kinakain dahil sa huling sinabi ni Daddy.

Ako?. Magkaka-anak?. Kay Breeyana?.

"No way!".

Mukhang napalakas ang pagkakasabi ko't sa akin naman silang lahat napatingin.

Pinanlakihan ako ni Breeyana nang mata at tinapakan ang paa ko sa ilalim nang lamesa.

"A-ahh...what Andrei means po is not now Mommy, Daddy, Tito, Tita. K-kasi po diba, mga bata pa kami. M-madami pa pong p'wedeng mangyari". tarantang paliwanag ni Breeyana sa kanilang lahat.

Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya at mukhang naunawaan ang ibig niyang sabihin.

"Kaya nga sana anak after naman nang pag-aaral ninyo eh makapagpakasal na sana kayo ha". sabi ni Tita Emi

Si Breeyana naman ngayon ang halos mabilaukan.

"P-po?". pa-utal na sagot niya.

"Doon din naman ang tuloy nang lahat hindi ba Andrei?". baling naman ni Mommy sa akin.

Napalunok na lamang ako't tahimik na itinuloy ang pagkain.

"That is why we're thinking na..."
"Mag arrange nang engagement party para sa inyong dalawa..."

Sabay na napaawang ang labi namin ni Breeyana sa sinabi nang mga nanay namin.

Engagement agad agad!?.

Nagkatinginan kami ni Breeyana. Halata sa kaniya ang pag-aalala.

"I-isn't that too much Mom?". tanong ko kay Mommy.

Ngumiti lamang siya sa'kin at itinuloy lang ang pagkain.

Mukhng nahalata naman ni Tito Rome na na-tensyonado kami, kaya't siya na ang nag salita.

"Engagement pa lang naman mga anak. Hindi pa naman kayo ikakasal eh. It's just to make sure na hindi na magloloko itong si Andrei". he said reassuring Breeyana of the dreadful moment na sooner or later ay mangyayari na.

Ngumiti lamang si Breeyana. Nangingilid ang luha ngunit alam kong pinipigilan niya.

"Basta ako ang Maid of Honor mo Ate ha". paninigurado na ni Jeannie kay Breeyana.

Sa buong lunch na 'yon ay walang ibang pinag usapa ang mga magulang namin kundi ang "relasyon" at nalalaput nq engagement namin ni Breeyana.

Kung alam lang talaga nila na lahat nang ito ay palabas lang. At sooner or later ay makakaalis din kami ni Breeyana sa sitwasyong ito.

Sana lang nga ay gumana ang plano niya habang hindi pa naa-announce ang engagement namin.

Kailangan. Habang hindi pa lumalala kung anuman 'tong nararamdaman ko. bulong ko sa sarili.

------------------------

Author's Notes:

Pagpasensiyahan niyo na po kung med'yo sabaw ang chapter na ito. Kakagaling lang po ni author sa sakit kaya may pagkalutang pa po. Sareeh nemen! ;)

Anyways, salamat po sa mga taong patuloy na sumusuporta sa love-hate relationship nina Andrei at Breeyana.

Hopefully sa mga susunod na chapter ay makaisip po ako nang mga mas kilig pa na scenes para iwas sabaw tayo. ;)))

Salamat po ulit and keep on supporting this story. :)

- Author

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon