[ Yana ]
Maaga pa lang ay nagpunta na 'ko sa location ng interview sa isang hotel sa Makati. Inagahan ko talaga para makapag church man lang muna at maipag-pray na sana'y patnubayan kami ng Diyos sa gagawin namin ni Andrei, bago kami sumabak sa matitinding intrigang ibabato sa'min ngayong araw.
Because this is the day. The day we'll finally tell the whole Metro Manila, or Philippines to be exact, what really happend in the Villa and why we were together there in the first place.
Taas-noo at confident akong pumasok sa loob ng hotel na sa kabila ng nararamdamang kaba ay alam ko namang mapapagtagumpayan ko ang anumang mangyayari.
Ako pa!, eh strong-willed kaya akong tao.
'Di ko na din naman kinailangang ipagtanong pa kung saan ang conference room 'pagkat nakita ko naman 'yon kaagad dahil sa dami ng production staff na nagbibitbit ng kung anu-anong mga props sa set papasok doon.
Ngunit pagtapat ko sa pintuan niyon ay mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko'y sasabog ito any moment na may mangyaring 'di ko inaasahan.
Kaya mo 'to Yana!. Just stay focused. pangungumbinsi ko sa'king sarili at humugot ng ilang malalalim na hinga't nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang knob ng pintuan, inihahanda ang sarili sa anumang madadatnan sa loob ng conference room.
Natahimik ang lahat at napadako ang tingin sa'kin. I awkwardly smiled at mabilis na lumibot ang tingin sa kanilang lahat. Nagbabaka-sakaling makita ang nag-iisang taong hinahanap ng aking mga mata kanina pa.
Ngunit bigo ako, dahil wala ni anino o ang mayabang na presensiya nito. At ang tanging andun lamang ay ang mga staff at taga-ayos ng set para sa magaganap na interview.
"Breeyana Marquee?".
Nakangiting lumapit sa'kin ang isang babaeng nakasuot ng crimson red na vest at plaid polo shirt na nakalilis hanggang siko.
"I'm Jessa Katanungan, from SCN TV10". at nilahad nito ang kaniyang kamay upang abutin ko. "Ako yung tinawagan ng parents ninyo to have that exclusive interview".
Nasagot nitong kaagad ang naglalarung tanong sa'king isipan.
O siguro nga ganyan kapag reporter ka, mabilis ka dapat mag-isip at magbasa ng utak nang taong kausap mo."It's a pleasure meeting you". ngumiti ako't nakipagkamay sa kaniya.
"No, the pleasure is mine Miss Marquee". aniya. "After all, once in a lifetime kong mai-interview ang dalawa sa pinaka-pinag uusapang socialites sa bansa natin ngayon. You don't know how excited i am for this".
"I can just imagine". mapaklang sagot ko naman. "And please just call me Breeyana, since hindi naman tayo formally introduced".
"Alright then". tatangu-tangong sagot naman niya, pagkaraa'y luming-linga sa paligid na parang may hinahanap. "Is Andrei with you nang dumating ka?".
"No actually. Mukhang nauna nga ako sa kaniya eh. But I'm pretty sure padating na din 'yon".
He should be. Or else I'll kill him!. ngingiti-ngiting bulong ko sa sarili.
"Well, I guess we'll all just have to wait a while and-..."
Naputol namang bigla ang litanya ni Jessa ng may dumating na mga camera crew niya't sa 'di kalayuan ay may naaninag din akong pamilyar na figure. Someone with undeniable charm na biglang nagpatigil sa ikot ng mundo ko.
Everything went blurry at mistulan akong nabingi na tanging tibok lang ng dibdib ko ang aking naririnig.
Ngumiti siya ng makitang nakatingin ako sa direksyon niya't hinawi ang kaniyang buhok.
Ako lang ba talaga o parang may kakaiba sa kaniya ngayon?. Parang hindi siya mukhang bad boy kagaya ng dati. naitanong ko sa'king sarili habang palapit siya ng palapit at palakas naman ng palakas ang dagundong ng aking dibdib, dahilan upang mapahawak ako doon at kulang na lang ay himatayin sa kinatatayuan ko.
"O speaking of the devil". narinig kong sabi ni Jessa at lumapit naman sa bagong dating na si Andrei upang makipag beso-beso.
"Well, i guess I'm a handsome devil then?". pagbibiro naman niya dito at nginitian pa ito na siya namang ikinakilig ng reporter.
"Yes. Ikaw na talaga ang pinaka gwapong devil na nakilala ko". kinikilig at confident na pambobola naman ni Jessa sa kaniya't humawak pa ito sa braso ni Andrei.
At kitang-kita ng dalawang mata ko how he brushed his hair up again at parang nagpapa-cute pang tumawa at tumingin dito.
Is he flirting with her!?.
Hindi ko maipaliwanag pero parang bigla namang nag-iba ang mood ko't nakaramdam ako ng pagkairita sa'king mga nakita. Kaya't minabuti kong tumalikod muna at kumuha ng maiinom sa table na nasa gawing likuran ko.
Nanginginig at inis na binuksan ko ang isang bottled mineral water na naroon at lumagok ng tubig, umaasang mapapawi nito ang pagkairita't pagkalito kong nararamdaman.
"Am I late?". halos masamid ako ng marinig ang boses ni Andrei sa'king likuran.
Dahan-dahan akong lumingon at pagharap ko'y halos magkadikit na ang mukha namin dahil sa sobrang lapit niya sa'kin kaya't atubili naman akong sumagot habang ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
"Ahhh...e-ehh-..."
Ngunit bago pa man akong makasagot ng maayos at sumingit na naman si Jessa.
"You're just in time Andrei. Mabuti nga't pinaunlakan mo na ang invitation namin for an interview". anito na ngingiti-ngiti sa'kin.
Tipid na ngiti lang ang isinagot niya dito't bumaling muli ng tingin sa'kin.
Dahan-dahang umangat ang kaniyang kamay, kinuha ang bote ng mineral water na aking hawak at uminom mula rito.
"Are you nervous?". seryosong tanong niya habang nakatingin parin sa'kin ng mata sa mata na lalong nagpapakaba't alam kong nagpapamula ng aking pisngi.
Sunud-sunod na iling lang ang naisagot ko na mukhang pinagtakahan niya kaya't nilahad niya ang kaniyang palad at isinapo sa'king noo.
"Okay ka lang ba?. Masama ba'ng pakiramdam mo?. Gusto mo 'wag na lang natin 'to ituloy?. Pwede naman natin gawin 'yon eh". magkakasunod niyang tanong na may himig ng pag-aalala.
Tumingin ako sa kaniya't huminga ng malalim.
"No. I'm fine". matapang at diretsahan kong tugon. "Okay lang ako. There's no need to back out".
Inalis ko ang kaniyang kamay na nakalapat parin sa'king noo at pilit pinapakalma ang sarili at sinusubukang maibalik ang composure 'kong parang unti-unting nawala ng dumating siya.
"M-mag uumpisa na ba tayo?". baling kong tanong kay Jessa.
Naisip kong hindi ko na pala pwedeng pakawalan at sayangin ang pagkakataong 'to na maitama ang tingin at pananaw sa'min ng ibang tao. Kaya't wala na 'kong dapat pang ikatakot at atrasan ngayon, kahit pa nga ang ibig sabiihin nito'y dapat kong kalimutan muna ang nararamdaman ko kay Andrei.
Oo na, siguro nga mahal ko na siya. I'm already falling for the person i hate the most. At hindi ko alam kung paano o bakit. Basta ang tanging alam ko lang ay sa kaniya bumabagal ang ikot ng mudo, tumitigil ang oras at lumulukso ang puso ko.
But all of that will be gone forever, dahil ilang minuto na lang...matatapos na ang kahibangan kong ito't maghihiwalay na ulit kami ng landas ni Andrei, gaya ng dati.
And i hate to admit it, but i'm hoping na mag milagro ang langit at maiba ang takbo ng ihip ng hangin. At nagbabaka-sakali na ako ngayon na hindi na siya lalayo pa sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/23196940-288-k308517.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...