[ Yana ]
"GIRLS!!!!!..."
Halos mapuno ng matinis na boses ni Casey ang bahay ko dahil sa kakatili.
Nasa pool side kami at nag memeryenda na ng dumating siya.
As usual, late na naman.
Nag photo shoot pa kasi para sa bago niyang TV commercial.It was a few days after kong ma discharge sa hospital, ng mag decide ang Angels na magkaro'n ng slumber party. Ang kaibahan lang sa version namin ay nag uumpisa kami from morning 'til the next day.
Napagkasunduan din na pupuntahan namin si Andrei sa school nila, as promised ni Lia. Para makapag thank you man lang ako sa ginawa niyang pagdadala sa'kin sa hospital no'ng hinimatay ako. And i was also thinking na makipag ayos na sa kaniya, start a new friendship kung baga.
"GIRLS!!!!!..." habol parin ang hingang tili ni Casey ng makita kami.
Sabay-sabay kaming napatingn sa kaniya at napakunot-noo.
"You-...Y-yana-..." duro niya sa'kin habang habol parin ang paghinga.
"Woah!...slow down nga!. I-try mong huminga muna ha". sita ni Rina.
"Ano ba kasing problema ha?". tanong ni Lia. "Kadadating mo lang parang madaling madali ka na".
"May sunog ba?". tanong ko.
Sapo ang dibdib, pumikit si Casey at huminga ng malalim bago muling magsalita.
"Si Andrei nasa news. M-mukhang nagpa PressCon para sabihin ang tungkol sa inyo Yana." she told us while still catching some breath.
"A-anong tungkol sa'min?". nalilitong tanong ko. "Ano bang sinasabi mo?".
"Go ahead and watch it ng malaman mo. I hurried to come over para ibalita sa inyo". pag eexplain niya. "Narinig ko lang kasi kanina sa shoot na pinaguusapan na 'yan ngayong ng lahat ng mga tsismoso't tsismosa".
I went inside my house at nagtuloy sa entertainment room ko which looks more like a mini theater dahil sa big screen nito, sorround sound at magkakatabing couch.
I turned the screen on and saw Andrei sa news, with his parents.Ang headline...
"EXCLUSIVE: Andrei Peterson, may rebelasyon tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ng Anak ng isang politiko".
"No!". napabulalas ako, sabay tayo sa kinauupuan na para bang napaso.
This can't be happening. bulong ng isip ko.
At nagmamadali akong kinuha ang susi ng kotse ko sa center table ng living room namin at lumabas na.
Walang hiyang lalakeng 'yan!. Idadamay pa 'ko sa kalokohan niya!.
"Wait Yana!. Sa'n ka pupunta?". habol nilang apat sa'kin.
"Pupuntahan ko yung walang hiyang utak ipis na gumugulo sa nananahimik kong buhay". iritang sagot ko.
"Eh ano bang plano mo?". tanong naman ni Lia.
"Dudurugin ko siya ng buhay!".
"Sasama kami". halos sabay na sagot nina Sherry at Lia
"We'll help". second the motion ni Casey.
"Ayy...kawawa naman si Fafa Andrei". malakas na sabi ni Rina.
Napatingin kaming apat sa kaniya at tumaas ang kilay.
"Pero sabi ko nga eh, susugurin natin si Andrei. Ehe...BLENTUNGAN NA!".
Kakamot-kamot ng ulo si Rina at sumakay na sa kotse kasabay naming apat.
Pagka start ko ng kotse ay pinaharurot ko ito agad.
Humanda ka talaga sa'king lalake ka!. Walanghiya!. galit na sigaw ng isip ko habang nagmamaneho.
----------------------
[ Andrei ]
I was shocked when i saw a lot of reporters sa loob ng isang sikat na restaurant almost near Breeyana's place.
And that's when i realized that it's a trap.
Sigurado akong pakana ito ni Daddy para linisin ang pangalan niya.
Mukhang kinakutsaba pa niya si Mommy para dito.
Paano kong nasabi?.
Dahil kanina nag text sa'kin si Mommy na may emergency daw. Nasiraan daw siya ng sasakyan at kailangan kong pumunta dito para sunduin siya.
No'ng una pa lang ay nag taka na 'ko, dahil pwede naman niyang pasunurin na lang ang driver namin dala ang isa pa naming sasakyan pero ako pa talaga ang tinext niya.
At dahil nga si Mommy naman ang nag text, pinuntahan ko parin kahit parang may naaamoy akong hindi maganda na hindi ko naman ma-point out.
"Dad, what is this?. What's going on?". pakunwa'y tanong ko sa kaniya.
Nakita kong nag excuse si Dad sa mga kasamang reporters pati na rin kay Mommy. At hinila akong palayo sa kanila.
Nang masigurong hindi na kami maririnig ng mga ito ay nag salita ng muli si Dad.
"You'll be having an exclusive with these people". turo niya sa mga reporters na ngiting-ngiti pagdating ko palang.
"For what?".
"To settle things, between you and the Senator's daughter". straight to the point na sagot sa'kin ni Daddy.
"What!?".
Medyo napalakas ata ang boses ko at pinagtinginan kami ng mga reporters na nando'n.
Nginitian lamang ni Dad ang mga ito at pag harap sa'kin ay nag bago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Gusto mo bang dito pa mag eskandalo?". my Dad snapped at me.
"But there's nothing to settle sa'ming dalawa ni Breeyana". i hissed back at him.
"There is!. At kapag hindi mo naayos ito, kahihiyan na naman ang dadalhin mo sa pangalan ko, namin ng Mommy mo". galit na bulong sa'kin ng Daddy. "Gusto mo bang dito pa atakihin ang Mommy mo dahil sa kahihiyan?".
Hindi ako nakapagsalita.
Alam kong alam ni Daddy ang kahinaan ko. Sina Mommy at Jeannie.
Kapag sila ang nalalagay sa alanganin, pakiramdam ko ay responsibilidad kong ipagtanggol o iligtas sila. At alam kong ginagamit ni Daddy iyon para mapapayag ako at sumunod sa gusto niya.I know this is an emotional blackmail, but it's working towards me. Dahil alam ni Daddy na no choce na 'ko.
Looks like he played his cards well this time. bulong ng isip ko.
Tiim-bagang at tutop ang dalawang kamay na pinigilan kong gumawa ng hindi maganda sa sarili kong ama sa harapan ng mga taong nag aabang sa amin.
Huminga na lamang ako ng malalim at pikit matang sumunod sa kaniya at umupo sa lamesang nakahanda na para sa interview ko.
At gaya ng malamang ay expected na ni Daddy, hinarap ko ang mga reporters na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...