[ Yana ]
Saglit akong natigilan at napangko sa aking kinatatayuan.
Para bang buong katawan ko'y biglang nanlamig. Namanhid at nanghina ang aking mga tuhod.
Mistulan akong hihimatayin dahil sa lapit niya sa akin na para bang hinugutan niya ako nang hininga.
Kun'di nga lang nasa harapan ko siya't nakaalalay sa'kin, siguro'y kanina pa akong natumba sa kinatatayuan ko.
"Why are you doing this to me?".
Mahina at halos pabulong na bulalas ko ngunit narinig parin niya at takang napatingin siya sa akin at tipid na ngumiti.
"May bukol ka diba?. Alangan namang tawanan ko lang 'yan. S'yempre dapat lagyan natin nang ice as first aid". aniya habang iniinspeksyon kung gaano kalaki ang bukol ko sa noo.
Napakurap ako't bahagyang suminghap nang 'di sadyang mapadiin ang pagkakalagay niya nang ice bag sa aking noo.
"Ouch!. Dahan-dahan naman sa pag diin". reklamo ko.
Ngunit imbes na alisin ay para bang nang iinisp pa siya't mas lalo pang diniinan ang pagkakalagay niyon sa noo ko.
Napaka-masokista talaga nang lalakeng 'to!. Makapanakit lang eh!. pagmamaktol nang aking isip.
"Hindi ka kasi nag iingat. Ayan, ganyan ang nangyayari sa mga taong kasing clumsy mo!". aniya na dinidikdik pa talaga sa aking noo ang napakalamig na yelo.
Habang ako nama'y napapangiwi na lamang at napahawak sa kaniyang braso para alalayan siyang 'wag nang idiin pa ang pagkakalagay nang ice bag sa masakit kong bukol.Napahinto siya sa kaniyang ginagawa't maluwang ang ngiting tumingin muli sa akin.
"Uyy...chansing ka na huh!". aniya na nakangisi pa.
"H-huh?". takang sagot ko kasabay nang pagkunot-noo.
Inginuso niya ang halos pagkakahawak nang aming mga kamay na mabuti na lamang ay napapagitnaan pa nang ice bag.
Napataas ang kilay ko't sinamaan siya kaagad nang tingin nang ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.
"Ang kapal mo ha!". pagmamataray ko't inirapan pa siya nang bahagya. "Ako na nga!...roach-head". pabulong na dagdag ko't inagaw sa kaniya ang ice bag.
"Aba, sa lahat naman ata nang ipis ako na ata ang pinaka gwapo". pagmamayabang na deklara niya habang taas-noo at nakangising 'di inaalis ang tingin sa akin.
Nako-conscious tuloy ako't parang nakakaramdam na naman ng pamumula nang aking mukha, ngunit pilit ko naman itong pinaglalabanan. Ayaw ko namang mahalata niya na nako-conscious ako sa kaniya, baka lalo lamang siyang mag yabang at kung ano pang isipin niya sa'kin.
"Hindi ka naman masyadong feelingero 'no?". pambawi na sarkastikong tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman. Nagsasabi lang nang totoo. Atsaka atleast gwapo parin diba?". aniya na ngiting-ngiti parin sa reaksyon ko.
"Mukha mo!". iritang pambabara ko.
"Edi gwapo". sagot niya na sinabayan pa nang pag kindat.
Lalo lamang napataas ang kilay ko kasabay nang mataas na over confidence niya.
Napapatanong tuloy ako sa sarili kung ano nga bang nagustuhan ko sa lalakeng ito noong mga bata pa kami.
Eh ubod naman nang yabang at hangin sa katawan. At nang nag sabog ata nang kayabangan mula sa langit eh sinalo niya ata ang lahat at wala siyang itinira!. Tapos may pagka-bipolar pa kung minsan, babait tapos biglang sungit nang walang dahilan. Ewan ko ba!.
![](https://img.wattpad.com/cover/23196940-288-k308517.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...