[ Andrei ]
"No". i answered without hesitation habang tutok ang mga mata sa pagmamaneho. "Ayoko. Hindi ko parin gusto 'yang idea mo".
Kasalukuyan kaming nagba-byahe papunta sa kanila dahil pinakiusapan ako nang mga magulang niya na isabay at ihatid siyang pauwi. At since on the way naman, pumayag na din ako.
Wala naman kasi akong magagawa but to play along hanggang sa makaisip si Breeyana nang iba pang paraan bukod sa una niyang naisip.
Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko sa plano niyang kumuha nang babaeng magpo-pose as third-party sa aming dalawa. Hindi parin ako sang-ayon do'n.
Dahil kung gagawin namin 'yon mag mumukhang ako pa yung masama.
Hindi naman sa 'di ako sanay sa masamang tingin sa'kin nang ibang tao or even being tagged as a playboy. Pero kailangan bang i-broadcast pa sa buong Pilipinas through this scheme kung anung klaseng lalake ako?.
Aba!, m kahihiyan parin naman ako kahit hindi halata. I have my ego too you know.
"P-pero..." she said in dismay and saw her pout from the corners of my eyes.
I felt myself blushing at iniwas agad ang tingin sa kaniya and a sudden smile came across my face.
Sa loob nang almost a lifetime na kakilala ko siya, there have been a couple of times na nakikita kong ginagawa niya that pouty-lip thingy. Dati naiinis ako kapag ginagawa niya 'yan, pero ewan ko ba kung bakit parang aliw na aliw ako sa kaniya ngayon.
And i gotta admit, she's cute when she does that. Kaya nga hindi ko maiwasang 'di mapangiti eh.
Wait...napapangiti niya 'ko?. bulong ko sa sarili. Hindi niya ko dapat nakikitang ngumingiti sa kaniya.
Pinilig ko nang bahagya ang aking ulo para maibalik ang focus.
Focus, Andrei. Focus. Don't get attached. i reminded myself.
Huminto kami matapos umilaw nang kulay pula ang stop light. At nag salitang muli si Breeyana.
"We have to do it. Wala nang ibang option". Breeyana protested.
"Ayoko parin. Umisip na lang tayo nang ibang paraan". i looked at her while stating it clearly, para malinaw na malinaw sa kaniyang hindi ko talaga gusto iyon.
She crossed her arms and pouted even more.
And i felt myself blushing again, but this time may weird feeling na.
Parang biglang bumilis yung tibok nang puso ko. I can feel it in my chest, parang gusto nitong kumawala sa kinalalagyan.
Yung pakiramdam na parang sa isang iglap ay nag iba na ang tingin ko sa babaeng pinakakinaiinisan ko.
What is she doing to me?. bulong nang isip ko.
"Go na". sabi niya sa'kin habang nakahalukipkip parin ang mga braso.
"Huh?". i absent-mindedly answered.
"Go. Naka green light na". she said while pointing at the moving cars in front of us.
I snapped back to reality at napakurap sa sinabi niya.
Hindi ko napansing kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya at binubusinahan na kami nang mga sasakyang nasa aming likuran.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...