Lahat ng naroroon ay nakahanda sa pag atake ng halimaw.
Dala ang bawat sandata,nakatutok ito sa halimaw.Habang nakatayo sa likod nila si Weeru.
Pinuprotektahan nila ito,dahil nag bubuo si Weeru ng isang kapangyahiran upang makausap at gisingin ang halimaw .
Sinubukan kasi ito ni Weeru,pero may pwersa na nakaharang, kailangan pang mag ipon ng higit na lakas si Weeru upang makausap niya ito.
Isa syang tamer ,at iyon Ang espesyal niyang abilidad sa lahat ng mga pinuno na nag lilingkod sa diyosa ng buwan.
Mula sa pwesto niya,nagliwanag ang kinatatayuan niya at tila sinulid na nag liliwanag ang mabilis na pumunta sa kinaroroonan ng halimaw.Napalibutan ng liwanag ang halimaw na ngayon ay hindi na makagalaw
"Kaibigan,Nais kitang makausap"
Panimula niya
Hindi kumilos ang halimaw , tanging mga mata lang niyo ang nakilos
Nakatingin ito sa kanya
"Alam kong nasa ilalim ka ng matinding masamang kapangyarihan kaya nagagawa mo ang mga bagay na ito.
Hayaan mo akong tulungan ka at puksain natin ang mapanganib na bagay na yan"
Umungil ang halimaw
"Pakiusap, kausapin mo ako"humakbang papalapit si Weeru
Hindi naman siya pinigilan ng mga kasamahan dahil,nasa mga palad na ni Weeru ang halimaw.Kontrolado na niya ang nilalang na iyon.Kilala nila ang abilidad na iyon.Wala pang nakakatalo sa kapangyarihang na ito ni Weeru
Dahan dahang inilapat ni Weeru ang kanyang palad sa isang bintï ng asong lobo.
Umangil ito ng kaunti
At ibinaba ang ulo malapit Kay Weeru.Tanda lamang na kalmado na ito at handa ng makipag usap kay Weeru .
Pinagmasdan ito ni Weeru,hinaplos niya ang balahibo nito sa mukha,mahina itong umungol.
Isang pamilyar na pakiramdam ang agad na niyang naramdaman.Napatitig siya sa mata ng asong lobo na ngayon ay mainit na nakatingin din sa kanya.Tila nag uusap ang kanilang mga mata sa sandaling iyon
"Lexus?"
Sambit ni Weeru
Tumugon ito sa mahinang pag ungol
Hindi siya makapaniwala,ito ang mate niya,bakit naging ganito ito at naging halimaw ang anyo.
Subalit...
Hindi siya maaaring magkamali dahil noong nag palit anyo ito ay may isang ulo lamang,kaya paano nangyari ito ?
"Lex,ako ito si Weeru.Bumalik na ako"mahina ngunit tama lamang upang marinig .
"Anong nangyari sayo?nais kong makausap ka at bumalik sa dating anyo"dagdag pa niya
Umungol ito tila nahihirapan at nilalabanan ang masamang enerhiya.
"Mate"sa wakas tumugon na ito sa kanyang isipan.
Kasabay naman noon ang paglaho ng masamang enerhiyang kanina lamang ay nakalukob kay Lexus.
Tuwang tuwa si Weeru.
Dumapa ang katawan nito at lumapat sa lupa.
Mas abot na siya ni Weeru.
Naging maamo na ito ,kumpara kanina.
Niyakap niya ito mahigpit.
"Bakit ka nagkaganito?"
"Ito ang totoo kong pangatlong anyo,at ng nawala ka,hindi ko na napigilan ang sarili kong anyo na lumabas.Patawad kung natakot kita."
Umiling si Weeru,..
"Ako ang dapat humingi ng tawad,naiwan kita dito ng hindi mo alam ang dahilan."
Umungol ito na nalulungkot
BINABASA MO ANG
TAMER
Lobisomem"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
