Napatingin si Weeru sa katabing natutulog na si Lexus,napangalubaba siyang pinag mamasdan ito .
Maya-maya pa'y sa isang paru-paru ang biglang dumapo sa gilid ng damit ni Lexus kaya naman doon napunta ang atensyon ni Weeru,hahawakan na sana niya ito ng muli itong lumipad,palabas na ito ng kanilang tinuluyan ng gabing lumipas.
Dahan dahang tumayo si Weeru at humakbang palabas,sinundan niya ang paru-paru ng dumapo ito sa isang bato.
"Bakit mo ako sinusundan?"
Isang tinig
Napalinga-linga siya upang hanapin ang nagsalita
"Saan ka ba tumitingin?nandito ako sa harap mo"
Dagdag pa nito
Tumingin siya sa harap ,pero walang iba kung hindi ang paru-paru
"Huh?? Ikaw ba Ang nagsasalita munting paru-paru?"
"Ako nga,.... sandali huh!!!! naiintindihan mo ako,bata?"gulat din na tanong ng paru-paru
Gulat si Weeru,hindi niya inakala na maririnig at makakausap niya ang Isang paru-paru
Noon ay may napapansin na siyang tinig at kakaibang kilos ng mga hayop tungo sa kanya.At ito ang unang beses na kausapin siya ng ganito
"Nakakabigla naman ito,haha"
"Inuulit ko,bakit mo ako sinusundan?balak mo ba akong hulihin?"
Agad na umiling si Weeru
"Hindi,wala akong balak"
"Kong ganon,bakit nga?"
"Natutuwa lang akong sundan ka,tyaka nakaka aliw kang tingnan,ang ganda mo kasi"
"Talaga,mabuti kong ganon,matanong ko lang.Anong kulay ng pakpak ko?hindi ko kasi makita"aniya ng paru-paru
"Puting pakpak na may halong asul at rosas na desinyo.
"Kakaiba,pero mukhang tunay ngang kakaiba."natutuwang tinig nito
Nagkakatuwaan pa sila ng kwentohan ng isang sigaw ang tumawag sa kanilang atensyon.
"Lex?"bulong ni Weeru
Kaya naman ay siya napaayos ng tayo,naalala niya si Lexus.. siguradong nagulat ito ng makitang wala ako doon.sabi niya sa sarili
"Munting kaibigan,aalis na ako.Hinahanap na ako "
Sabi ni Weeru sa paru-paru
"Paalam"tugon ng paru-paru
"Hmm"si Weeru at tumalikod na upang bumalik sa kinaroroonan ni Lexus
Hindi niya napansin na napalayo na pala siya sa pag sunod sa paru-paru.
Sa kalayuan,ng makita siya ni Lexus,humahangos itong tumakbo papalapit sa kanya.
Napaluhod ito sa harap niya at hinawakan ang magkabilang kanyang balikat
"Saan ka ba nanggaling?"
Tanong nito na nag alala at kapansin pansin din ang pamumutla nito at malilikot nitong tingin
"Ano...ahm..naglakad lakad lang"tugon niya na nakadama ng konsensya sa walang pasabi ditong aalis siya
Tumingin pa ito sa pinaggalingan ni Weeru upang suriin .
"Halika na,bumalik na tayo."
Sumunod naman si Weeru ,habang naglalakad sila pabalik
Napadaan sila sa isang malawak na lawa.
Napahinto si Weeru, napatitig siya sa lawa.
Hindi dahil sa ganda ,kung hindi ang Isang kakaibang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
