Two of them

86 0 0
                                        




Isang mainit na palad ang humaplos sa pisngi ni Weeru ,ramdam niya ang init at maliliit na kuryenteng dala nito.
At Kilala niya ang nag bibigay ng ganong pakiramdam  sa kanya.

"Lex"sambit niya ng mahina ng nakapikit ang mga mata

"Hmm?"tugon nito na nagtatanong

"Malamig"sabi ni Weeru
Lalo pang humigpit ang yakap sa kanya ni Lexus

"Patawarin mo ako ,Weeru.Kasalanan ko itong lahat"mahina man ,ramdam ni Weeru ang pag sisisi nito

Nais man umiling ni Weeru o magsalita pero tila ba wala siyang lakas ngayon.

Gusto niyang sabihin na ayos lang at walang kasalanan si Lexus.
Pero hindi niya magawa.Antok na antok siya at nilalamig.

Bakit ganito ang pakiramdam niya, parang sobrang hina niya ngayon.

Pinilit niyang itaas ang kamay at hinawakan ang palad ni Lexus upang iparating na huwag na siyang mag alala pa.

Si Lexus naman ay minabuting huwag Iwan ang kanyang mate na may sakit.Habang nakaupo ,pinulot niya ang mga batong nakakalat at pinag patong-patong at ginawang pader na harang para saraduhan ang daan sa kwebang kinalalagyan nila.
Lalo pang lumamig dahil sa pag ulan sa labas...

Nakahinga siya  maluwag dahil sa nangyaring pag ulan,dahil maililigaw nila ang halimaw .Mabubura ng ulan ang scent nilang posibleng sundan nito papunta sa kanila.

Ng gabing iyon,hindi nagawang magpahinga ni Lexus,nanatili siyang nakabantay sa kanyang mate.
Bumaba na ang mainit nitong temperatura at naging maayos na ang paghinga nito.
Hawak niya sa kanyang mga bisig si Weeru,
Ng nag umaga,
iyon ang tagpong naabotan ni Weeru ng siya ay magkamalay.
Nagising siyang yakap ni Lexus,kumpara ng bago siya makatulog kagabi alam niyang sobrang sama ng kanyang pakiramdam.Ngayon mabuti na at hindi na siya nilalamig,bagkus binabanas na siya

"Lex"tawag niya kay Lexus

Agad na napatingin si Lexus sa kanyang mate.

Kinapa niya agad ang noo nito upang tingnan kong mabuti na ang kalagayan nito.

"Binabanas ako"sabi ni Weeru

Niluwagan na ni Lexus ang pagkakayap niya kay Weeru.Tinulungan pa niyang hubarin dito ang kanyang makapal na balabal at tanging naiwan dito ang kay Weeru na balabal.

Inasikaso  naman ni Lexus ang mate,binigyan ng pagkain at inayos,habang kumakain si Weeru, inaayos naman ni Lexus ang kanyang buhok.
Tinirintas nito ng Isa.Kung papanoorin sila parang isang Prinsesa kong alagaan ni Lexus si Weeru.

"Lex,pwedeng matulog ka"
Sabi ni  Weeru dito ,hindi nakatakas ang mapanuring mga mata ni Weeru sa mukha ni Lexus.Kapansin pansin ang pagod na itsura nito.
Alam niyang hindi ito natulog dahil sa pagbabantay sa kanya.

"Mamaya ,pagnaka uwi na tayo.Matutulog ako"nakangiting tugon ni Lexus

"Bakit tayo nag mamadali?"alam ni Weeru na may kakaiba sa kinikilos ni Lexus.
Ang pag-aalala nito at mga reaksyon sa mukha.Idagdag pa ang nararamdaman niya dito.

Nakatingin lamang ito sa kanya parang may gustong sabihin

"Maiintindihan ko ,kung sasabihin mo"pahayag niya ...

Lumambot ang mga tingin nito sa kanya

"Ayaw ko ng dagdag pa ang iyong iniisip, kagagaling mo lang sa sakit."

Hinawakan niya ang palad ni Lexus.

"Pero,nais kong laman kung anong nangyayari.Kaya sabihin mo,para hindi mo sarilihin ang lahat."

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon