"Shun!!takbo "sigaw ni Weeru
"Ano bang sinasabi mo?!halika na sumama ka na!"natataranta at hindi alam ang gagawin ni Shun sa mga oras na ito
Nahahati ang kagustohan niyang umalis pero itong si Weeru ay pinipiling mag pa iwan.
Umiling si Weeru,.
Labis labis na takot ang nararamdaman ni Shun
Kanina lamang masaya silang nag uusap ni Weeru habang naglalakad at hinahanap ang daan ng may bigla na lamang sumulpot ang mga naglalakihang patibong na gawa sa matutulis na kahoy.
Muntik na silang mapag sarhan ng isang kahon na kulungan na puno ng mga tinik sa loob at kong sila ay hindi pinalad lahat ng nag lalakihang tinik ay tatapos sa buhay nila
Mabuti na lamang ,nagamit ni Weeru ang porselas na ginawa niyang mahabang kahoy .Isinalag ito ni Weeru at mabuti nalang gumana ang ginawa ni Weeru nagkapera-peraso ang mga kahoy.
Akala nila natatapos na , subalit doon sila nagkakamali.Sumunod sunod na ang paglabas ng mga patibong ,nasundan pa ng mga paglabas ng mga halimaw .Sa ginawang pag kasira ng ilang patibong lumabas ang halimaw at nakatawag pa ng atensyon.
Pero hindi kaya ni Weeru lumaban ng may kasama na posibleng maging butas upang lumaki ang problema.
Kaya niyang lumaban ng hindi iniisip si Shun.Kaya mas mainam na patakasin niya ito.
"Shun,sige na !takbo.Hindi ko kanyang lumaban ng mabilis nang nandito ka, naiintidihan mo naman ako diba?"
Naunawaan agad ito ni Shun,
'Tama si Weeru magiging sagabal ako dito sa kanya'aniya ni Shun sa kanyang sarili
"Magkita tayo sa ligtas na lugar,tulad ng plano ha.pumito ka sa oras na nasa ligtas ka na ,pupuntahan kita"
Sabi ni Weeru
"Sige "sang-ayon ni Shun
"Shun,sa oras na mahawi ko ang daan ,bilisan mo ang pagtakbo"
Nakatingin si Weeru sa harapan,puno ito ng mga patibong.Pero alam niyang kaya niya itong padaanan ng isang atake na pwedeng ikasira ng mga ito.
"Humanda ka"
Sa oras na sabihin iyon ni Weeru,naghanda na din si Shun
Itinaas ni Weeru ang kahoy,dalawang kamay at sa isang paghampas ng kahoy niyang hawak,tulad ng plano napakalakas na hangin ang naipon at tulad ng kagustohang mangyari ni Weeru,mabilis na nasira ng isang hagupit na pwersa ang mga nakahelerang mga kahoy.
Tumakbo ng mabilis si Shun ,tumakbo ng tumakbo hanggang sa hindi na niya naririnig ang mga ingay ng halimaw.
Hindi siya lilingon,alam niyang hindi pangkaraniwan si Weeru kaya ,alam niyang kaya niya iyon.
Sa oras na nagawang masira ni Weeru ang mga kahoy ,humarap na siya sa likuran ,napaka raming halimaw na ang handang siya ay atakehin.
Wala siyang siyang na segundo .Tulad ng ginawa niya mga kahoy,sunod sunod niyang hinampas ang mga halimaw.Tila mga naging laruan lamang ang mga ito sa ginawa ni Weeru.Nais man niyang kausapin ang mga ito pero sa sitwasyon nila ngayon hindi niya masisiguradong makikinig pa ang mga ito lalo na nakikita niya sa mga mata ng mga halimaw ay nakain na sila ng kasamaan.
Sa Isang parte ng kagubatan,may isang pares ng mata ang nakakita sa nagaganap.
Tila nanonood siya ng nakakatawa at nakakamanghang palabas ,nasaksihan niya kong paano lumipad at tumilapon ang mga naglalakihang halimaw.
May isa pang muntik na siyang mabagsakan ng isang katawan.
Kanina lamang,muntik na siyang mapatakbo,upang tulungan ang dalawang taong napadpad sa kanyang mga ginawang patibong.
Hindi naman niya ginusto iyong mapahamak ang dalawa ,pero hindi niya din pwedeng tanggalin ang patibong.
.puno ng halimaw ang buong lugar at pinuprotektahan lamang niya ang kanilang pack sa mga halimaw
BINABASA MO ANG
TAMER
Manusia Serigala"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
