"Weeru Pov"
"Lex,pwede mo naman akong ibaba eh"
Sabi ko Lexus
Buhat niya kasi ako habang naglalakad kami patungong sinumpang puno.
Ilan lamang din ang aming mga kagamitang dala ,bukod sa mga pagkain nagdala din kami sandata upang panlaban sa mga halimaw na maaaring makasagupa namin sa hindi inaasahang pagkakataon.
"Mas mainam na malapit ka sa akin para maiwasan kang mapagod."sagot niya
"Pero ,gusto kong maglakad "dagdag ko
Umiling lamang ito
"Nag aalala ka ba ?na baka mapagod ako?"
Nakangiting sabi nito
Napa-angat ang Isa kong kilay
"Paano mo naisip iyon?sa totoo lang hindi sumagi sa aking isipan ang bagay na yan"seryoso kong sagot
Nawala ang ngiti niya at napasimangot
Humaba ang nguso niya
Natawa ako bigla sa mukha niya
Hinawakan ko ang kanyang labi at mahina na hinila
"Aray ang lakas non"reklamo niya pero alam kong nag bibiro lamang ito kasi napaka Hina ng hawak ko don
"Talaga?masakit na yon?"naka kros ang aking mga braso upang ipakita na nag kakamali siya
Umakto pa ito ng malungkot
"Hindi ka na niniwala sa akin,masakit ang puso ko.Sa sobrang sakit parang mamatay ako"ang drama
Napairap ako
"Alam ko ang gamot dyan"
"Talaga ?ano?"
Malungkot parin Ang mukha nito
"Ito oh"sagot sabay hila ng kanyang dalawang taenga. Sa pagkakataong ito nilakasan ko na ang paghila
Lagi nalang niya ako niloloko,nakakainis na siya
"Aray!grabe ka naman sa akin"binitawan ko ang kanyang magkabilang taenga ng makitang nasaktan nga ito
Na konsensya naman agad ako kaya dali-dali kong kinuskos ang hinila kong taenga
"Masakit pa ba?"tanong ko na nag aalala din sa aking ginawa
Tumango siya
"Bigyan mo ako ng halik upang mawala ang sakit"
Napahinto ako ng marahan na paghaplos matapos marinig ang sinabi niya
Tumingin ako sa kanya nakangiti na ito.
Tinaas ko ang magkabilang kamay ko at hinawakan ang kanyang pisngi
Pumikit siya
Tinaas ko ang Isa ko pang kamay at tinapat sa kanyang noo
Huminga ako ng malalim sabay pitik sa kanyang noo
Nanlaki ang kanyang mata sa ginawa ko
"Yan magising ka na, siguradong wala na ang sakit"sabi ko sa kanya na hanggang ngayon nabigla sa ginawa ko
Huminga siya ng malalim at ano naman ang ginulat niya.
Ninakawan niya ako ng halik sa noo.
"Yan bayad ka na sa ginawa mo."anlapad ng ngiti nito.Ngiting aso ang loko
"Tch"inis na bitaw ko
........
"Dito muna tayo ngayon gabi"
Sabi niya at binaba ako sa isang may saktong taas na bato .
Inupo niya ako don.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
