Isang pag titipon muna sa loob ng pack ang naganap kinabukasan..
Pinag hadaan ng Luna at alpha ang pananatili ng mga kaibigan ni Weeru.
Ito na ang huling araw upang makasama nila si Weeru.Dahil aalis na ang mga ito.
"Hindi ko inakala na dadating ang araw na lilisanin mo kami,Weeru.Pwede bang dito ka nalang?"
Aniya ng Luna
Paulit-ulit na ang linyang niyang sinasabi
Natawa naman si Weeru
"mahal na Luna,nakakatuwa ang inyong inaalok subalit,may tahanan akong dapat balikan.Pinag papasalamat ko ang inyong kabutihan habang naririto kami ng aking kaibigan na si Shun"
"Hay...nalulungkot ako..pero huwag mo sana akong kalimutan ,maliwanag.utos yon kaya gawin mo."
Mukha itong naiinis pero nasa tinig naman nito ang pagka kwela
"Opo, masusunod.Luna."
"Tama na ang usapang yan.Nandito tayo upang mag diwang maging masaya tayong lahat."aniya ng alpha na inaagaw ang atensyon ng kanyang Luna kayna Weeru
Napangiti naman si Weeru sa ginawa ng alpha.
Totoong makulit talaga ang Luna ,at ayaw nitong hindi siya nanalo sa mga ganitong usapin.
"Weeru,pwede bang ibigay mo nalang sa amin ang nga halamang gamot pag alis niyo.?"sabi ng pack doctor sa tabi niya
"Oo naman po, hindi ko naman madadala ang lahat ng gamot na iyon.At maging mahahalagang sangkap ay iiwan ko din sa inyong pangangalaga.Makatulong sana iyon sa mga taong nangangailangan."
Nagliwanag ang mukha ng pack doctor,tuwang tuwa ito dahil ibibigay sa kanya ni Weeru ang mahahalagang kaalaman sa medesina.
Nais niyang mayakap sa katuwaan si Weeru pero ng tatangkain pa lamang niya itinaas na ni Aliso ang kanyang espada na nakatutok sa leeg ng pack doctor.naalarma naman agad ang nandon
Gulat at may nakaalerto na dong pack warrior
Naglabasan ang malalamig na pawis ng doctor.
Nakangiwing naktawa ang mukha nito
"Aliso,alisin mo yan.Mabuti siyang tao"
Aniya ni Weeru
Ibinaba naman agad ito ni Aliso at saka lang nakahinga ng maayos ang pack doctor maging ang lahat ng naroroon nakasaksi
"Pasensya na sa kaibigan ko."
Paghingi ng paumanhin ni Weeru
"Haha ayos lang,nauunawaan ko..paano amh don muna ako"
Sabay alis na din nito sing bilis ng kidlat
Napatingin ako kay Aliso ,at napailing na lamang.
"Weeru,pwede ka bang makausap?"tanong ni Shun
Nagtataka man,pero tumango na lamang siya bilang pag sang ayon.
"Maiwan ko muna kayo dito, Davon .May kailangan lamang akong kausapin"
"Nauunawaan ko , pinuno"
Sagot ni Davon,tila nakalimot na naman ito sa pag tawag Kay Weeru.
Pero ganon pa man ,umalis na Sina Weeru.
Ng makalayo sila sa kasiyahan saka humarap na ulit si Shun
"Amh.. hindi ko talaga alam kong paano ito sisimulan, Weeru.Bago ang lahat ng ito sa akin.At maniwala ka pamilya na Ang tingin ko sayo simula ng makilala kita sa aming lugar."malungkot ang mukha ni Shun,bagsak ang balikat
"Ano ang ibig mong iparating?"
Tanong ni Weeru
"Weeru , sigurado ka na ba na gusto mo ng umalis sa mundong ito? Paano ang iyong mate?"
Napahinto si Weeru at napatanong sa kanyang isipan..
Kagabi ,hindi niya magawang makatulog dahil kahit anong pilit na humimbing agad-agad din nabalik sa isipan niya ang mundong ito,at ang taong iniisip niya.
Ngayon nanumbalik na naman ang katanungan sa kanyang isipan.
Akala niya tapos na kagabi ang pag iisip niya at ang desisyon na ginawa niya.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
