Eye contact

28 2 0
                                    



"Weeru,tapos ka na ba?"tanong ni Lexus

Napaangat naman ang tingin ni Weeru mula sa pag a-ayos ng mga kagamitan na nakolekta .
Bawat sisidlan ay kanyang kinuha .Tinali ng maayos upang walang maiwan dito.

"Oo,ayos na lahat."
At tumayo upang maghanda na

Lumapit si Lexus at ang isang malaking sisidlan ay kanyang sinukbit sa balikat.

Madami ito.Kaya hindi maiwasang mag alala si Weeru.

"Sandali mabigat yan ,bigyan mo ako ng parte na dadalhin."

Umiling lamang si Lexus

"Ako na ang bahala,magaan lamang ito.Kita mo ba?"sabay talon nito at tumakbo na parang wlang dala-dala sa likod.

Natawa si Weeru,inisip na  bakit nga ba siya nag iisip na  mahina itong mate niya.

"Oo na,Ikaw na ang bahala"
Aniya at naghanda na upang  umalis  na sila.

Maya-maya pa ay binuhat na siya ni Lexus at nagsimula na silang umalis sa kweba.




......

Aliw na aliw si Weeru sa panonood ng paligid habang buhat ni Lexus.

Nag iba sila ng daan ,hindi tulad  ng una nilang nadaanan.

Dahil ayon sa binigay na mapa ni Felo,may mga daan  na pwede silang pasyalan bago umuwi.Nakatala don ang Isang ilog kung saan na tirahan at pangangalaga ng isang diwata.

"Lex,saan ba tayo papunta?"tanong ni Weeru

Napangiti lamang si Lexus, wala kasi itong  ka-alam-alam sa  kanilang pupuntahan.

"Tingnan natin mamaya"tugon ni Lexus dito.

Napaangat  na lamang ang kilay ni Weeru.

Pinag mamasdan niya ang mukha ni Lexus.Habang nakasandal ang ulo sa balikat nito.

"Pakiramdam ko,mabubutas na ang mukha ko"

Nagtaka naman si Weeru sa sinabi ni Lexus

"Bakit?"inosenteng tanong niya

Tumingin si Weeru sa paligid,baka may isang halimaw na may kakayahang butasin ang mukha ni Lexus.Naging alerto siya.

Namula ang mukha ni Lexus  sa ka inosentehan na natatangi ni Weeru

Nakita niya kung paano nagtaka ang mukha nito at pag likot ng mga tingin.
Natutuwa siyang tingnan ang reaksyon ng kanyang mate.

Pinigilan niyang matawa kaya naman kinagat niya ang kanyang labi.

"Wala ,wala..sumandal ka nalang ulit."
Malawak na ngiti ni Lexus ang napansin ni Weeru,..

Magkasalubong na kilay ni Weeru habang nakatingin kay Lexus ,sinunod naman niya na sumandal siya muli.

Napapangiting nakatingin na lamang si Lexus sa daan.Habang ang mainit na titig ng kanyang munting mate ay nasa kanyang mukha.

Alam niyang namumula ang kanyang mukha at magkabilang Tenga.
Pero binaliwala niya ito, siguradong kahit hindi niya gustohin ,makikita ito ni Weeru.Napapadasal na lamang siya sa mahal na diyosa ng Buwan,na sana walang sabihin ni Weeru tungkol dito,dahil kung  mayron lalo lamang siyang mapapahiya .






........

"Huh?.."napa alis ang pagkakasandal ni Weeru sa balikat ni Lexus ng dalawang  tila malaking kahon ng kahoy at may disenyong kakaiba   at may tao???.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon