Daska

28 0 0
                                        


Dahan dahang bumaba si Davon sa usa.

Nasa harap na niya ang kanyang hinahanap.


"Daska??"
Hindi makapaniwala si Davon sa nakikita

Ang isa sa mga pinuno at nandito sa harap niya at hindi lamang ito nag iisa.

Nandito din ang mga bantay nitong dalawang malalakas na taga bantay.

"Davon!"gulat ito ng makita siya patakbo na lumapit si Davon Kay Daska

Nawala ang ngiti ng makita ang sungay ni Davon na putol na.

"Anong nangyari sayo?at nasan na sina pinunong Weeru."
Sunod sunod na tanong nito

Subalit naging malamlam ang mga mata ni Davon.

"Madaming nangyari,Daska.Subalit hindi ito ng masasabi dito.Halika,sumama kayo sa akin."
Paliwanag niya na tumitingin sa paligid ,dahil baka may makakita sa kanila.

Nakadama ng kaba naman si Daska sa tono ni Davon

Nabigla din si Daska ng makita ang kakaibang emosyon ng mukha ni Davon at paraan ng pag sasalita para bang ,hindi ito tulad ng Davon na nakilala niya doon sa mundo nila.Wala don Ang tila batang inosente at masiyahing Davon.

.......






Sa likod ng bato,nakatago Sina Aliso,hindi nila alam kung bakit sila napatago pero pakiramdam ni Aliso dapat siyang magtago at ayaw harapin ang kausap ni Davon.

Tumungo sina Davon at Daska kasama ang dalawa pa nitong bantay sa bahay na noon tinuluyan nila Davon sa labas ng kaharian.
Walang nakatira doon sa ngayon,dahil lahat ng pumupunta don ay pupunta lamang kung kailangan ng lugar.

Sina Aliso naman ay palihim pa din namang nasunod sa di kalayuan tama lamang para hnd maramdaman nina Davon ang presensya nilang dalawa

"Halika, pumasok kayo"pag aaya ni Davon ng mabuksan ang pinto.

Pumasok naman si Daska kasama ang dalawang bantay nito.

Ng maayos na ang lahat,muli ay nagharap sila.

"Davon..ano ba talaga ang nangyayari?"
Hindi na napigilan ni Daska ang magtanong

Nagpakawala ng buntong hingi si Davon

"Ang totoo niyan,may malaking naganap na hindi kanais-nais sa grupo natin na sumunod dito ng ako'y dumating."

Napakunot ang noo ni Daska,pero nanatili siyang tahimik

"May mga hindi magandang nangyaring pinag daanan sina Pinunong Weeru,Aliso at iba pa.....
Nagkaron ng panganib at sa huli nawalan sila ng alala.....

kasalanan ko iyon lahat ,Daska"bagsak balikat na pag papaliwanag ni Davon na nakayuko

"Anong bang sinasabi mo?hindi ko maintindihan"mahina na napapatanong si Daska,maging siya ay nabigla at tila ayaw pumasok sa kanyang isipan ang sinasabi ni Davon

"Nawalan sila ng alala dahil sa isang laban na naganap.At si pinunong Weeru,hindi niya maalala ang sarili niya maging ang kanyang itsura ay nagbago."

Napatayo sa pagkakaupo si Daska sa gulat

"Ano?!! Oh mahal na diyosa ng buwan bakit nangyari ito Kay pinuno.ang mahal na pinuno"
Napapadasal na lamang si Daska sa natuklasan.

Ang mahal nilang pinuno ay wala sa kanyang sarili .
Paano na ang templo..kaya sila naparito dahil sa kailangan ng templo si Weeru , unti-unting nawawalan na ng balanse ang mga haligi nito sa pagkawala ng kanyang taga pag bantay.

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon