Nakatayo at malalim na nanalangin si Weeru sa harap ng templo.
Bumalik ang alala ng siya ay gumising,nanumbalik na din ang kanyang dating anyo.
"Mahal na diyosa,humihingi ako ng tawad sa nangyari.Isang kataksilan ang aking nagawa na mawaglit kayo sa aking isipan."
Ang altar na may isang tubig kung saan nakakausap niya ang moon goddess ay muling nagliwanag.
Senyales na nandon ang moon goddess
"Weeru,anak kong taga pangalaga muli ka ng nagbalik"
"Opo,mahal na diyosa..patawad kong ngayon lamang."
"Nakikita ko ang lahat sa aking nilikha.. nauunawaan ko ang mga naganap sa iyong pag lalakbay."
"Mahal na diyosa,isang kataksilan ang aking nagawa.isang parusa ang dapat na sa aking ipataw."
"Walang parusa ang dapat mangyari.Bawat buhay ..at bawat nangyari ay nakasaad lamang sa itinakda."
"Higit pa man,isa pa ding kataksilan..umibig at pinili ng aking puso ang Isang taong lobo at alam kong hindi dapat iyon mangyari,mahal na diyosa.Labag iyon sa inyong kautosan..bawal kaming umibig."
Napakabigat ng kanyang damdamin na dumating na sa puntong hindi na niya napigilan pang lumuha kataksilan niyang nadarama
"Ano ang iyong tunay na nararamdaman sa taong lobo na iyon?"
Huminga siya ng malalim
"Iniibig ko siya mahal na diyosa,Malaki ng parte ng puso at isip ko na siya ay napakahalagang nilalang sa aking buhay."
"Kong ganon,Ikaw ang tatanungin ko.Nais mo pa bang manatiling maging taga pangalaga o mamuhay sa mundong kanyang kinagagalawan.?"
"Parehas po saking mahalaga ang bawat mundo.Pero..kahit ngayon lang nais kong maging totoo at maging sakim sa aking nararamdaman.Nais ko siyang piliin mahal na diyosa.Ang nilalang na iyon,ayaw kong manganib ang buhay niya .Sa oras na mawala ang kanilang mga itinakda,ikakamatay nila iyon at ayaw kong mangyari iyon sa kanya ."
"Kung ganon,hanapin mo sa mundong ito ang nararapat na susunod na taga pangalaga ng templo.Iyon ang magiging kapalit ng iyong pag lisan."
Hindi makapaniwala si Weeru sa narinig.
Nag diwang ang kanyang kalooban ng malamang maaari siyang bumalik Kay Lexus,at higit sa lahat pwede siyang umalis na sa kanyang tungkolin.
"Pero mahal na diyosa?paano ko matatagpuan ang susunod na taga pangalaga?"
"Hanapin mo ang nilalang na nagtataglay ng lakas ng isang taga pangalaga.Sa ngayon ay nanatili siya sa loob ng isang kweba..at hindi alam ang gagawin."
"Kweba?iyon ba ay nasa lugar na kinabibilangan ng taga pangalaga na si Daska?"
"Magaling.. doon nga,sa oras na matagpuan siya ay dalhin siya sa templo...
Sa bawat tumatakbong oras,may nagaganap sa kabilang Mundo.Kaya sana ay magmadali kayo"
"Agad din,mahal na diyosa"
Don nagtapos ang pag uusap sa pagitan nila Weeru at diyosa
.....
"Mga pinuno ng pangkat,ako'y naririto ang Isang balita.
Unang una,humingi ako ng tawad sa aking nagawa..alam ko na nabigo ko kayo bilang inyong pinuno."
Nakaupo ang lahat ng pinuno na sina Daska, Vel,Polly,Aliso at Davon.
"Pinunong Weeru,wala kang nagawang Mali"
Aniya ni Davon
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
