strange

88 3 3
                                        




"Bilis,nandito po!"aniya ni Weeru habang sinusundan nina Felo.

Nakasalubong niya ang mga ito  naghahanap siya ng tulong.

Naunang makarating si Weeru sa pwesto ni Lexus na tulad kanina ng Iwan niya, ito ay wala paring malay

Walang pag sidlan ang kanyang pag aalala .


"Weeru Pov"

Agad na hinawakan ko ang mukha ni Lexus,upang tingnan.
Kumpara kanina ay sobrang putla na,ngayon naman ay bumalik na ang kulay nito sa tamang ayos.
Pero may kakaibang nararamdaman ako ng mahawakan  ito.

"Ano yon?"napabitaw ako ng may malalakas na kuryente  akong naramdaman..sapat lamang para maramdaman ko ang enerhiyang nasa kanya.

Bakit may nagbago??
Muli ay hinawakan ko siya..tulad noong una.Nagulat parin ako.
May hindi dito tama...magkamali ba ako ng napainom na gamot??bakit ganon???

Dati naman , maliliit lang na kakaibang pakiramdam ang naibibigay ni Lexus sa aming matebond.Pero ano ito???
Bakit tila,lumakas..

Pakiramdam ko ,lalo akong lumakas ng madampi ko ang balat ko sa kanya.

"Weeru ,tumabi ka muna sandali.Bubuhatin namin siya"

"Sige po"
Sabi ko,at ng bibitaw na ako kay Lexus,nagitla ako ng may humawak sa aking palad na ikina bigla ko dahil sa matinding nararamdaman.

Ng tingnan ko,may malay na  si Lex.

Kakaibang tingin ang binigay nito sa akin.Tila ba napaka lalim at may hindi ako  maintindihan.
Pero binaliwala ko ito..marahil sa pagkabigla lamang ito.

"Lex!,mabuti naman gising ka na?,tinakot mo ako."
Hindi ko alam ko bakit pakiramdam ko,gusto kong umiyak sa harap niya at magsumbong.

Nakatingin lamang siya sa akin..parang pinag aaralan niya ang mukha ko.

"Lex?bakit?"tanong ko pa ulit.

Baka may kakaiba na pala itong masamang nararamdaman kaya Hindi ito nag sasalita

"Lex?"muli kong tawag sa kanyang pangalan.

Pero umupo siya at mabilis akong hinigit papalapit sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit, na ikinabigla ko sa kanyang kinikilos

"Masaya akong makita ka"bulong niya sa taenga ko.

Napakunot naman ang noo ko sa binulong niya

Pero siguro dala ng pag kabigla niya at masama ang pakiramdam kaya ganito ang kanyang reaksyon .
Niyakap ko din siya pabalik upang ipadama na ayos lang ang lahat.

"Ako din,Masaya akong makita kang ayos  at gising na..hindi mo alam kung anong pinag daanan ko upang makabalik sayo"

Nanubig ang kanyang mga mata.Sa mga oras na iyon alam niya na gusto na niya talaga umiyak.Dahil sa pag aalala at pagod mula kanina.

"Ayos lang,huwag ka ng umiyak..,ayos lang ako hindi ba..at Ako ang bahala babawi ako sayo.Hindi ka na mahihirapan."sabi niya..Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa likod ko.

Pero imbis na tumigil lalo pa akong napaluha.Para akong bata na iyakin ngayon.

"U--umuwi na tayo,gusto ko ng umuwi"sabi ko dito

"Masusunod aking mate"


Binuhat ni Lexus si Weeru,at ang mga kagamitan nilang dala ay dinala nina Felo.Nauunang maglakad Sina Felo kaya naman sinundan lamang ito ni Lexus.

Nag sabi na din na ihahatid sila nina Felo sa kanilang tahanan.

Ng makatapat sa Bahay Nina Weeru,tinulungan na ni Felo ipasok ang mga kagamitan.

"Weeru, magdadala kami dito mamaya ng mga bagong pitas na prutas.,pahinga na muna kayong dalawa siguradong pagod kayo"
Aniya ni Felo

"Sige po, maraming salamat po sa inyong pagtulong sa amin"
Sabi ko dito
Tumango naman si Shun na nasa likod lamang ni Felo

Umalis na ang mga ito at kami lamang ang natira dito sa Bahay.

"Lex,ibaba mo na ako"sabi ko dito

Tahimik lang siya at hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang kanyang kinikilos.

Binaba naman Ako nito sa isang upuan .
Tapos siya ay umupo sa sahig na katapat ko lamang .
Napakunot ang noo ko

"Lex?..Anong ginagawa mo??"napatanong nalang ako dito .Bakit hindi siya umupo sa kanyang paboriting upuan tuwing uuwi kami.

"Mate.."nakatingin siya sa akin

At ano itong tinatawag niya sa akin?parang noong unang pag tatagpo namin ganito ang kanyang tawag sa akin.

"Ano?"

"Sino ang mga taong iyon?at kaanu-ano mo sila?"
Ang mga mata niya,parang may Hindi tama.

Itinaas ko ang aking palad at pinakiramdaman ang kanyang ulo.Sakto lang naman ang init.At parang ayos naman siya.Kaya bakit ganito???

"Lex,bago ko sagutin ang tanong mo.Ikaw  ang magsabi sakin ng totoo.
may masakit ba?mapatama ba ang ulo mo o magkamali ba ako ng gamot na pinaiinom??
Anong nangyayari?"sunod sunod kong tanong

"Weeru ang naalala ko,Ikaw lamang."

"Huh.??A-anong sinasabi mo?"

"Pangalan mo  at nag iisang  tao lang naalala ko .At Ikaw yon ,mate."

Lalo akong nagulohan sa sinabi niya

Seryoso ba siya?

"Pakiusap..wag mong gawing kalokohan  ang nangyayari,lex.Baka maniwala ako"sabay tawa ko na wala namang saya.

Pero tulad kanina wala itong reaksyon na bigla akong gugulatin at sasabihin na  niloloko lamang niya ako sa huli

Napatampal ako sa noo.
"Kasalanan ko ito..hindi ko man lang naayos ang gamot na napainom ko..patawad."

Umiling siya at hinawakan ang aking palad

"Wala kang kasalanan,Weeru.siguradong  magiging ayos lang ang lahat at maibabalik na  sa tamang kalalagyan ang lahat."
Malalim at kakaibang salita ang binitawan niya.

Pero hindi ko na ito pa binigyan ng pansin.

"Hayaan mo,tutulungan kita,huh."

Tumango siya ng may malawak na ngiti



.......

Pinapanood ko si Lexus na nag aayos ng niluluto niyang Karne.Napaka perpektong pagkakaluto at ang pino ng kanyang pagkilos.
Parang sanay na sanay na siya sa mga ganito.Kanina ko pa nga binabantayan  baka magkamali siya dahil nag aalala ako na baka masugatan siya o hindi kaya mapaso.
Pero ginulat niya ako sa ginagawa niya.

"Lex,ang galing mo"sabi ko dito na ikinalawak pa ng ngiti sa labi

"Masaya akong pagsilbihan ka."

Napangiti na lamang ako.

titingnan ko kong anong gamot ang napainom ko sa kanya.
At sisikapin kong maibalik ko siya sa dati


Napabuntong hininga na lamang ako.





...


Mga tunog ng huni ng ibon ang pumukaw sa aking atensyon.

Dahan dahan  iminulat  ko ang aking mata,pero agad ding napakunot ang aking noo ng makitang nakaupo si Lexus sa tabi ko at nakatingin lamang sa akin.

"Aumh... magandang umaga"
Pagbati ko sa kanya.

Gumuhit ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi.

"Maganda umaga Weeru"


Tulad ng umpisa,tila nagkabaliktad kami ng sitwasyon ni Lexus.Noon ako ang walang alala,tinuruan at ginabayan niya ako sa  dapat kong malaman.Ngunit ngayon siya na ang aking tinuturuan.
Inaamin ko naman na masaya ako natutulungan ko siya . Pakiramdam ko nababayaran ko na siya sa pag tyatyaga niya sa akin noon.








TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon