Forest

29 0 0
                                    



"Weeru Pov"

"Lex!"tawag ko kay Lexus

Ang matataas na damo ay gumalaw,at papalapit na ito sa aking pwesto

Napakros ako ng braso at napailing.

Mabilis na nakalabas ng matataas na damo si Lexus

May hawak pa itong isang malaking sisidlan sa kamay.

"Weeru??Anong ginagawa mo dito?"tumingin siya sa likod ko upang tingnan kong may kasama pa ako

"Ikaw?Saan ka na naman nanggaling huh?"
Tanong ko dito

Pawisan ito at pagod na pagod ang itsura

Ngumiti ito bago sumagot

"Naghanap lang kami ng prutas ni Shun"
Tiningnan ko ang kasunod niya.

Nandon nga si Shun,na anak ng Isa sa mga  nakatira dito na sa maliit na bayan ni Felo.





"Ito para sayo"itinaas pa niya ang hawak na sisidlan na puno ng iba't ibang klaseng prutas.

Natuwa naman ako ng makita  ang dala ,pero hindi ako nag pahalata na natuwa ng sa ganon maipakita sa kanya na dapat hindi siya basta basta umaalis ng wlang pasabi

"Salamat,pero sana nag paalam ka kanina,naghanap tuloy ako sayo."

Umupo siya at pinantayan ang laki ko.

Inayos niya ang buhok ko na kanina lang ay nakapuyod pero dahil sa pagpunta ko dito sa gubat,hindi ko na napansin na natanggal pala ang pagkakatali

"Ipagpaumanhin mo.Dapat kasi supresa naman talaga eh,nagkataon lang na mas nais kong makauwi ng mas mabilis sayo."nakangiti pa ito

"Napagod ka ,halika ako ng bahala ng makabawi naman ako sayo"
Sabi niya at walang sabi sabi na binuhat niya ako gamit lamang ang Isang kamay.
Napayakap tuloy ako sa kanya ng mahigpit,takot na mahulog sa pagkabigla

"Ano ba ,tinakot mo ako "reklamo ko dito

Naramdaman ko ang pagtawa niya dahil sa pagkilos ng dibdib at balikat

Masama ko siyang tiningnan at Nakita naman niya iyon kaya napahinto siya sa pagtawa

"Patawad natutuwa lang talaga ako sayo."

"Tch...,galit na ako sayo"sabi ko dito at tumingin sa likod.Pinatong ko ang aking baba sa balikat niya

Habang siya naman ay nakatingin sa harapan.

"Hindi yon patas ah,humingi na ako ng tawad hindi ba?"parang batang nag mamakaawa ito na pansinin siya

Narinig ko nalang nag mahinang pagtawa ni Shun ,kaya tumingin sa kanya sa likuran ni Lex.
Nakita niyang nakatingin ako,ngumiti at kumaway ito.

"Pansinin mo naman ako,ayaw kong  magagalit ka sa akin o sumama ang loob mo."
Aniya na nagsimula ng maglakad

"Ikaw ang kahinaan ko.Hindi ka ba naawa akin.? magiging kawawa akong nilalang"dagdag pa nito na ikina irap ko.

Si Shun naman ay tawang tawa sa likod

Patuloy lamang sa pagpapansin si Lex,ako naman tinatanaw ko ang tanawin sa likod.

Ng may dumaan na Isang usa.Ang magandang sungay nito ang nagbigay pansin sa akin,dahil may mga ibon at mga paru-paru itong mga kasama.

"Pakiusap, kausapin mo ako aking ,mate"si Lex

Ako naman nakatingin parin don sa mga hayop

Naiisip ko kasi na  ang ganda nilang panoorin,parang masaya sila.Sama-sama ...

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon