Garden

66 3 7
                                        





"Luna"mahinang pagsambit  ni  Reica,ang babaeng pack warrior na muntik ng matapos ni Weeru sa kagubatan

"Reica,Ikaw pala..kamusta?"nakangiting Luna

"Luna,may kasama ako"
Abala ang Luna sa pag aasikaso sa mga tanim.

Humarap ito at Nakita niya na may kasama nga si Reica.

"Sino sila?"binitawan ng Luna ang mga hawak at lumapit kina Weeru

"Sila po si Weeru at Shun.Ayon Kay alpha, sila ang inyong magiging kasama upang alagaan ang harden"

"Napaka ganda mong bata"nakangiting nakatingin ang Luna Kay Weeru

Hahawak na sana ang Luna kay Weeru ng nagsalita si Weeru

"Mali po ang inyong ginagawa"
Aniya sa Luna

Natigilan ang Luna sa sinabi ni Weeru

"Anong Mali?"na nagugulohan

"Ang halaman niyo po.Mamatay po sila  dahil maling lupa ang ginagamit niyo.At sobra sobrang tubig din ang inyong nilalagay
Napatanga ang Luna, napatingin sa pack warrior na si Reica.

"Mukhang,may alam ka sa pag tatanim, munting Weeru."
Aniya ng Luna

"Hindi lamang po ako,maging si Shun.Siya ang may higit na kakaalaman tungkol sa tanim."

Napunta ang atensyon ng Luna Kay Shun

"Aasahan ko na matutulungan niyo ako sa aking pag aalaga"
Na may malawak na ngiti sa labi

"Gagawin po namin,Luna"sagot ni Shun

Sa gilid ,muntik ng  matawa si Reica sa matuwid at walang pag aalinlangan na sagot ni Weeru.

Walang sino man ang nais makasama ng loob ng Luna kaya wala ni isa ang nag sasabi  o sumasaway sa ginagawa ng Luna,dahil mabilis lamang sumama ang loob nito.

'Pero iba ang batang taga labas,nasasabi niya ng hindi man lang naapektohan ang Luna ng pack'
Aniya ni Reica sa kanyang isipan.



.......





Napapalakpak ang Luna sa saya ng makitang nabuhay ang harden ng kanyang anak.

Higit isang linggo na nag nakakalipas ng mapunta sina Weeru sa pack na ito.

Naging maganda naman ang pakikitungo ng mga tao dito sa kanilang dalawa bukod lamang sa isang batang babae na pamangkin ng Luna.

Sa tuwing nakikita kasi ng batang babae si Weeru labis ang pang iinis nito .

Lahat ng atensyon na sa kanya noon ay napunta na kay Weeru.

"Salamat sa inyo Shun at Weeru.Nagkakaroon na ng buhay ang harden,may damo na at siguradong mga ilang araw lamang lalago na ng tuluyan ang mga tanim

Iniisip ko palang na malalaman ito ng aking anak.Sasaya siya at mababawas ang kanyang pangungilila sa pack"

"Mabuti naman po kung ganon Luna.Masaya din kaming makatulong."

Humarap ang Luna sa pwesto ni Weeru.

Umupo ito sa harap niya upang pantayan ang laki ni Weeru

"Weeru,pwede bang dito nalang kayo.Kumpleto dito at Masaya."

Umiling si Weeru ng marahan

"Hindi po pwede"agad na sagot ni Weeru

Nalungkot ang Luna

"Bakit?dahil ba kay Athee?"aniya ng Luna na tinutukoy ang pamangkin nitong ubod ng tigas ulo.

Naiinis si Shun kay Athee ,sadyang matigas ang ulo ng batang iyon,napaka salbahi.Lagi nalang nag hahanap ng away.
Nito bago lang sila makarating sa harden,binato nito si Weeru ng bato at natamaan sa likod ng ulo si Weeru na nag sanhi ng pagkasugat ng likod ng ulo.Muntik na niyang patulan si Athee kung hindi lamang siya pinigilan ni Weeru.

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon