Disaster

27 1 0
                                        


Lahat ng pinuno ay nakaharap sa altar,..


Nagawa nilang makabalik,kahit ilang beses silang iniligaw ng daan ng mga kakaibang lagusan.Mabuti na lamang at hinanap sila ni Weeru,nagawa nilang makalabas ng hindi nanganganib



Nasa gitna Si Weeru,gumagawa ng seremonya  ,kung saan Tinatawag ang mahal na diyosa ng buwan.

Ngayon,tuluyan ililipat ang kanyang bilang taga pag bantay at pangangalaga kay Havreine.Hindi kailan man nagkamali ang diyosa pag pili.


Naganap na ang pag basbas at pag tatalaga sa bagong taga pag bantay sa oras na natawag ang diyosa.

Nagpakilala ang lahat ng mga pinuno,buong puso nilang tinanggap ang bagong pinuno na Havreine.

Tanging naiwan sa loob ng templo ay si Weeru.

Kausap niya ang Diyosa.

"Mahal na diyosa"
Pagtawag niya

"Anak,labis akong natutuwa sa agarang mong natagpuan ang itinakdang bagong taga pag bantay."

"Dahil din po sa inyong gabay mahal na diyosa."tugon ni Weeru

"Handa ka na ba?"
Tanong ng diyosa

"Simula ng  ako ay malayo sa lugar na iyon,malaki na ang aking kagustohang bumalik"

Natawa ng mahina ang diyosa

"Ngayong natagpuan na ang bagong bantay,naayos na din ang haligi at balanse ng bawat mundo.Nararapat na bumalik ka na sa kanya,Anak."

Sobrang saya ng puso ni Weeru na pinahihintulutan na siyang makabalik ng diyosa.

"Maraming salamat mahal na diyosa,Hindi ko sasayangin ang mga naituro na hinabilin niyo.Gagawin ko pa din ang Tama"

"May isa lamang akong nais mong gawin"

"Kahit ano po,gagawin ko"
Tugon ni Weeru ng walang pag aalinlangan.

"Huwag mo akong kakalimutan,Lagi mo akong kakausapin.Kahit saang mundo ka pa mapunta mananatili akong  nahanda sa iyong pag tawag."

Labis labis ang saya ni Weeru,wala na siyang mahihiling pa sa mga oras na iyon.Walang hadlang sa pag sasama nila ng kanyang mate



Natapos ang pag uusap nila ng Diyosa ,at muling lumabas na siya sa templo.

Unang nakasalubong niya si Havreine.
Ngumiti siya dito at sinuklian naman nito.

Tulad ng siya ay naging taga pag bantay ng templo,wala siyang alala.Tanging naging daan lamang kaya siya ay natuto sa pamamagitan ng diyosa ng buwan.

Sa mga nangyari ngayon,napag tanto niya na.Tulad ni Havreine  ganon din siya bago pa man mapili.Sinundo siya ng isang nilalang sa isang gubat at dinala sa templo.
Napailing nalamang si Weeru at winaksi ang iniisip.

"Havreine,ngayon na Ikaw na Ang taga pag bantay.Paki-usap alagaan mo silang lahat."

Tumango si Havreine bilang pag tugon na may ngiti sa labi

"Maasahan mo ako, pinunong Weeru.Hindi kayo bibiguin."

Ngumiti si Weeru sa tinugon ni Havreine

"Maiwan na muna kita dito, kakausapin ko pa ang iba"aniya Kay Havreine

Tumango nalang din ito sa kanya

Tumango si Weeru kong saan nag titipon nag mga pinuno.

Ng pag pasok pa lamang niya,kanya kanyang pag hinto ang lahat sa ginagawa.

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon