Agreed on

45 3 1
                                        



"Weeru Pov "

"Lexus???"

Palipat lipat ang tingin  ko sa dalawang tao nasa harap ko ngayon

Hawak ng isa ang aking kamay at isa pa ay nakahawak sa akin baywang para lang mapigilan akong mapabagsak

Napakunot ang noo ko,bakit may dalawang Lexus,magka iba ang edad .

"Lex?"
Mula sa mabagsik na tingin ng mas higit nakaka batang Lexus naging malambot ito.

Kaya agad na humawak siya dito .dahil Kilala niya ang matang ganon tumingin sa kanya.

Tumayo na siya ng ayos at humigpit ng hawak.

Tumingin pa siya sa isang Lexus na nasa harap lang din niya pero nakahawak siya sa nakababatang Lexus.

"Lex,Anong nangyayari?bakit..."

Umupo ito ay pinantayan ang kanyang tangkad.

"Hindi ba ako dapat ang magtanong?Anong nangyayari?bakit ka aalis ng hindi ka nag sasabi,balak mo akong iwan?"
Hindi galit ang tono nito pero nararamdaman ko ang nararamdaman niyang sama ng loob sa tinig.
Nakadama naman agad ako ng  pag sikip ng dibdib  sa katotohanang nasaktan ko siya.

"Pinuno?!"sa kabilang banda nandon nakatayo  sina Davon

May hawak na ito ng kanya kanyang sandata.

"Bitawan niyo ang pinunong Weeru.Mga lapastangan kayo!!"
Davon na galit na galit sa nakita.

Hindi niya inakala na darating sa buhay niya makikitang ganon na lamang hawakan ng ibang nilalang ang kanyang pinuno na ginagalang nila.

Umangil pabalik ang isang Lexus at hinarangan nito si Weeru lalo lamang itong ikinagalit nina Aliso

Walang sandaling pinalagpas agad na sumugod si Aliso.Sinundan pa ito ng mga kasamahan.

"Sandali!!huminto kayo"
Utos ni Weeru bago pa man magkasakitan nag mga ito

Agad na humupa ang namumuong kagulohan

"Pero pinuno ang mga nilalang na.."
Pinigilan siya ni Weeru

"Pakiusap,pag usapan natin ito ng mahinahon.

Nais man mag protesta ang kanilang damdamin subalit si Weeru pa din ang masusunod.
"Masusunod  po pinuno."binaba  nila ang mga sandata

"Pero pinuno,paano ang ating pag alis,malapit nang mawalan ng bisa ang lagusan."Aniya ni Davon

Tumingin si Weeru sa lagusan..

Sa ganong sitwasyon,agad siyang nag desisyon.

"Lex, bitawan mo ako.May dapat kaming pag usapan"

Umiling si Lexus

Binuhat siya nito at mahigpit na niyakap.

"Ayaw kitang bitawan dahil alam kong iiwan mo ulit ako"

"Hindi mangyayari iyon,kakausapin ko lamang siya."

"Mag-usap kayo habang nandito kami. Ng sa ganon mapanatag ako."
Tugon ni Lexus

Wala  na akong nagawa  pa.Tumingin Ako kay Davon

"Davon,siya ang mate ko  sa mundong ito.Siya ang dahilan kung bakit hindi buo ang loob kong  bumalik sa lugar na tinutukoy mong ating tahanan."
Sabi ko na nakatingin sa mata ni Davon

"Pinuno,hindi ito tama."umiiling na sabi ni Davon

Isang pag angil ang napakawalan

"At ano sa tingi mo ang tama??ang Iwan kami dito at maghirap"mabagsik na tinig ng isang Lexus

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon