Become One

64 2 7
                                        




"Weeru Pov"


Pinag mamasdan ko ang paligid.Ang laki ng  harden.Higit pa ang laki sa  pack ni Alpha.

Ilang beses ko na itong nadaanan ng dumating kami sa palasyo pero ngayon ko lang napag tuonan ito ng pansin.

"Nagustohan mo ba?"tanong ni Lex.

Kasama ko siya habang nag lalakad-lakad.

"Hmm...maganda."tugon ko na may ngiti

Pero naninibago pa din ako sa nangyayari.Parang hindi totoo.

Ng makarating kami sa palasyo, syempre ang una kong naramdaman ang pagkamangha.

Dahil bago sa aking mga mata ang mga tanawin .

Hindi pa din ako makapaniwala kung paano ko naging mate ang alpha King sa mundong ito.Sa pagkakilala ko simpleng nilalang si Lexus.. syempre may mga bagay na kakaibang at espesyal  siyang katangian pero ang malaman na siya ay isang pinuno sa lugar na ito ,napaka laking balita iyon para sa akin.

Para akong ginawang manika ng dumating kami dito,inayosan ng buhok  binihisan ng magandang damit at sinuotan ng mga makikinang na alahas.
Pero dahil nahihirapan ako sa mga nilagay nila,agad din itong pinatanggal .

Mas nais kung ang simple kong damit na suot ko palagi.

"Lex..gusto kong umuwi"sabi ko dito

Napakunot ang noo nito

"Umuwi??,pero nandito na tayo sa loob ng palasyo."

Umiling ako

"Sa bahay natin kina Filo"

Umupo siya sa harap ko upang pantayan ang aking laki

"Pero ito ang totoo nating tahanan.At nakikita mo ba ang  nasasakupan natin."sabay pakita ng mga nasa babang tanawin kong saan naroroon ang mga bawat lugar na nasasakupan ng kaharian

"Kailangan nila ng pamumuno natin, kailangan nila tayo Weeru.Sa oras na Iwan natin sila,walang mag aalaga sa kanila"

Tumingin ako sa baba..nakikita ko mula dito ang magandang lugar.
Kung paano matatawag na isang magandang pamumuhay.

"Pag umalis tayo, magiging kawawa sila?"

Tumango siya

"Sige"iyon na lamang ang nasabi ko

Hindi ako komportable sa laki ng lugar na ito,kung paano ako tingnan ng mga nilalang dito

Mayat-maya ako babatiin at kung anong hinahandog.Lagi nalang akong pinag uusapan .

Pakiramdam ko sobra-sobra naman.Dahil hindi ito ang kinasanayan ko.

Ngumiti si Lexus,at binuhat ako.

"Magiging komportable din ang lahat sayo dito.Naiintindihan kita at sa totoo lang mas nais ko tayo lamang dalawa ,pero may mga bagay na hindi dapat natin pabayaan."

Sinandal ko nalang din ang aking ulo sa kanyang dibdib.
Napahikab ako dahil kanina pa ako inaantok dahil sa lamig ng hangin .

.......

Habang naglalakad si Lexus, naramdaman niya ang mapayapang pahinga ni Weeru

Ng tingnan niya ito,nakapikit na ito at natutulog.

Napahinto nalang si Lexus sa pag lalakad at umupo sa malapit na upuan na gawa sa kahoy sa harden

Napangiti siyang pinag mamasdan si Weeru.

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon