"Lexus Pov"
Napapailing na lamang ako habang natatawa sa aking sarili.
Ibang klase pala ang makapiling ang tadhanang kapareha.
Iba sa pakiramdam,binigyan niya ako ng kakaibang buhay.
Pinapanood ko siyang nasa aking tabi,mahimbing na natutulog.
Laging ganito ang aking ginagawa,gabi gabi pinag mamasdan ko ang kanyang mukha . Hanggang ngayon tila nanaginip akong nasa piling ko na ang aking mate.
Iniisip ko palang kanina paano ko siya malulusotan ng sabihin niyang tumakas ako .Sobra ang aking pag aalala na magalit siya sa akin
"Kamahalan,may nais po akong hatid na balita"
Isang mindlink ang aking natanggap
Nawala ang ngiti sa aking labi
Dahan dahang umupo at maingat na tumayo.
Aalis na sana ako ng may pumigil sa akin.Ng tingnan ko... iyon ay maliit na kamay ng aking mate ang nakahawak sa aking damit.
Unti-unting namumbalik ang aking mga ngiti ng makita ang ginawa niyang iyon.
Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang aking mga tawa.
Ano ito??ano ang pakiramdam na ito.??
Uminit ang aking mukha at lumakas ang tibok ng aking puso.
Ayaw niya ba akong mawala ..kahit saglit lang??
Ng iisipin,umaapaw ang aking saya
Umupo ako muli at dahan dahang kinuha ang kanyang kamay.Kahit siya'y tulog napaka higpit ng kanyang kapit.
Kinuha ko ang kanyang kamay at binigyan ng munting halik,.
"Babalik ako agad"mahinang bulong ko dito
Hinaplos ko nag kanyang pisngi at inayos ang kanyang buhok.
Nakangiti akong lumabas ng Bahay upang harapin ang isang pack warrior.
......
"Kamahalan"yumuko ito at nag bigay galang
"Sabihin mo na ang iyong balita"utos ko
"Kamahalan,nagising na ang inyong bihag.Ano po ang sunod naming gagawin?"
Kahit na kalhati ng buhay ko ang taong iyon.Inis na inis ako sa kanya.Isang kaaway at kaagaw ko siya sa aking mate.Isang malaking hadlang at lapastangan nilalang tulad ng isang anay na unti-unting inuubos ang Isang kahoy.
Kung pwede ko lamang siyang patayin ,pahirapan sa lahat ng paraan upang maibsan lahat ng aking kinikimkim na pagkamuhi sa kanya at sunod ipakain sa mga rouge hanggang sa wala ng matira sa kanyang pagkakakilanlan .Gagawin ko ng walang pag aalinlangan.
"Kamahalan?"napunta ang atensyon kong muli sa pack warrior
"Iparating mo sa beta..ihanda ang lahat.At hintayin ako sa aming pag babalik.
Alam na niya ang gagawin."
"Masusunod kamahalan"
"At nasaan na ang pinadala ko?"
Tanong ko
Agad na may nilabas pa itong mga kahong gawa sa kahoy.
"Umalis ka na"
Utos ko dito at kinuha ang mga kahon na nag lalaman ng mga kagamitan at mga damit para kay Weeru..
Iniisip ko palang ang itsura niya,bagay na bagay talaga ang kahit ano mang isuot niya.
Pero agad akong napahinto..maganda ang aking Weeru,paano kung may magtangka na agawin siya sa akin ng hindi ko namamalayan..
Paano kung nakawin ng isang lapastangan ang aking mate.Kahit saang angulo tingnan makakaagaw siya ng pansin.
BINABASA MO ANG
TAMER
Hombres Lobo"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
