Maghapon na hindi umalis sa tabi ni Weeru si Lexus.Nagtataka naman siya kong bakit ganito Ang inaasta nito.
Hindi din nakaligtas sa mata niya
sa kalayuan,ang Beta ni Lexus.Nag mamakaawa ang tingin nito.
Nakahiga siya ngayon sa nilatag ni Lexus sa madamong parte ng harden.
Nakatingin siya sa tanawin habang nakahiga at itong si Lexus,sinusuklayan ang kanyang buhok.
Nilalagyan din ng pinitas nilang bulaklak ang buhok niya.habang inaayos
"Lex,hindi mo ba napapansin ang iyong Beta?"sabi niya ng Hindi na nakatiis
Napahinto si Lexus,sinilip ang mukha ni Weeru
"Bakit?Anong mayron sa kanya?"salubong ang kilay nito
At dahil abot ito ni Weeru.pinaghiwalay niya ang magkabilang kilay ni Lexus na mag kasalubong.
"Kanina pa sya nakasunod sa atin.Baka may kailangan siya sayo."
Sabi ni Weeru
"Huwag mo na siyang pansinin pa.Marahil nakabantay lang yan dahil walang pack warrior sa paligid."tugon naman ni Lexus
Muli na lamang na tumingin sa paligid si Weeru.
"Alpha,patawad sa abala,subalit may kailangan ng presensya niyo "
"At sino naman yan?"
May inis sa tono
"Isang alpha ,na kaibigan nina Luna Weeru"
Umupo agad si Weeru
Nagtatakang napatingin kay Lexus.
Napakunot ang noo ni Lexus.
"Nais ko man na tumagal tayo dito, subalit may dapat tayong harapin."
Aniya ni Lexus kay Weeru
"Lex,nais kong manatili muna dito,pwede bang Ikaw na lamang ang pumunta?"
Tugon ni Weeru
Sa totoo lang,hindi niya maintindihan ang nararamdaman.Para kasi ang bigat ng kanyang katawan para pumunta don.
Napahinga ng malalim si Lexus
"Kung ganon,huwag kang lalayo.bawal lumabas ng palasyo,o mag Isang sumama kung kani-kanino"
Bilin ni Lexus
Tumango naman si Weeru.
Ngumiti naman si Lexus at hinaplos ang buhok ni Weeru.saka nag paalam na dito.
Si Weeru naman nanatili nakahiga,nakatanaw pa din sa kalayuan
Natigil lamang ang kanyang panonood ng may apak ng mga paa na palapit sa kanyang pwesto.
Nag mumula ito sa likod niya , ganon pa man hindi niya ito nilingon ,dahil hnd naman siya nakakadama ng masama don sa pararating.
"Pinunong Weeru,muli tayong nagkita"
Isang bagong tinig na nagsalita
Nagsalubong ang kilay niya.Sino iyon??tanong niya sa kanyang isipan
Gumulong siya sa kabilang direksyon upang harapin ang nasa likod niya
"Sino ka??"
"Ako po si Daska.Inyong lingkod,pinuno."
Umupo na si Weeru
"Kasamahan ka ba namin sa aming Mundo nina Aliso?"
Tumango si Daska
"Bakit ka naparito?"
Deretsong tanong ni Weeru
"Pinuno,may hindi magandang nangyayari sa templo.Alam ko na ang lahat ng nangyari sa inyo,mula kay Davon.
Pakiusap pinuno, kailangan mong sagipin ang templo at ang ating Mundo sa pagkawasak"
Narinig na niya si Davon at iba pang kasama mapatungkol sa mundong tinutukoy nito.Pero ito sa ngayon nag tatanong ,napaka misteryoso pa din ito para sa kanya
"Ipaliwanag mong mabuti"tugon niya
BINABASA MO ANG
TAMER
Loup-garou"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
