Natakot bigla si Weeru para kay Lexus
Paano kong mapahamak ito?
Hirap man,pinilit niyang umupo
Pero agad pinigilan siya ni Lexus
Nilingon niya ito ng nagitla sa itsura ng katabi
"Lex--
s-sino ka?"
Mula sa pag aalala napalitan ng Kaba ang nararamdaman ni Weeru
Pula ang mata nito at ramdam niya ang panganib na naggagaling dito.
Napapaligiran ang buong katawan ng estranghero ng delikadong aura
"Aking Weeru"
Agad na nawala ang takot ni Weeru dahil sa pamilyar na tinig
Alam niyang madilim ang aura nito pero parang biglang nag laho ang kanyang panganib na nararamdaman dito
"Ikaw yan Lex, Tama??"tanong niya upang masigurado
Tumango ito
"Anong nangyari,bakit ganyan ang itsura mo??"
Naaninag niya kahit kahit paano ang itsura nito
"Hindi ko alam,ang alam ko lamang nadala ako ng matinding emosyon at naging ganito ako..
Weeru,natatakot ako."
Kitang kita ni Weeru kung paano nag halo-halo ang emosyon ni Lexus sa harapan niya.nalilito at natatakot.
Dahan dahang hinawak ni Weeru ang kamay ni Lexus..
Sa bago nitong anyo para itong nakakatakot na nilalang.Malaking pangangatawan,
May matatalas na kuko ang kanyang mga daliri..maitim na makintab na balat at matutulis na mga taenga.
Maging ang buhok nito ay makapal na mahaba umabot sa sarili nitong baywang ang haba.
Pero kung pag mamasdan itong mabuti,napaka kisig nitong tingnan at mas agaw agaw ng atensyon ang itsura nito.
"Ayos lang ang lahat, Lexus.Huwag kang matakot.Sasamahan kita."
Pinaramdam niya na dapat wag mag alala si Lexus at may kasama ito sa ganitong pinag dadaanan ngayon.
Dapat hindi ito mangaba.
"Weeru,hindi ka ba natatakot sa akin?"parang bata itong nag tanong sa kanya
Nasa harap lamang niya ito nakayuko at ayaw salubungin ang mga tingin niya
"Tulungan mo akong makaupo "utos niya dito
Nasaksihan ni Weeru na ,nag aalalangan itong hawakan siya at tila nag iingat
"May tiwala ako sayo, Lex.Huwag ka ng mag alala pa"
Tinulungan na ngang umupo ni Lexus si Weeru.
Nag kaharap na sila,..mata sa mata.
Kahit nag papanggap si Lexus sa mga oras na ito na ngayon lamang niya natuklasan na ganito ang anyo niya.
Hindi parin siya nakaligtas sa kabang nararamdaman,madaming tanong na tumatakbo sa kanyang isipan.paano kung natakot ito at Iwan siya ,layuan at itaboy?paano kung mas piliin nito Ang Isa pang Lexus kaysa sa kanya???ano ang gagawin niya.
Sinungaling na kung sinungaling,pero kailangan niya itong gawin para sa kanila ng mate niya.
Malamlam ang mata ni Weeru na nakatitig sa kanya
Lalo lamang siyang kinakabahan,parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya
"Ang ganda"
Sambit ni Weeru sa kanya nanlaki ang mata ni Lexus
"S-si-- a-ano? A-anong sabi mo"gulat pa ding si Lexus
Napangiti si Weeru sa makitang reaksyon ni Lexus
"Ang sabi ko,ang ganda mong pag masdan."
Hindi ito oras para makaramdam ng ganito si Lexus pero hindi niya mapigilan uminit ang mukha.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
